.
.
.
.
.
"Hello Ava! Ako nga pala yung taong may gusto sayo matagal na. Hindi ko lang masabi sayo kasi nahihiya ako eh. Kasi nga diba? Ako yung lagiging nang-aasar sayo noon. Remember? Inaway kita. Sorry pala dun ha? Sana mapatawad mo ko. Nga pala ava, nagustuhan kita hindi dahil lang sa maganda ka. Ang bait mo pa. Hindi lang, feeling ko nga na sa'yo na ang lahat eh. Sana mapansin mo ko Ava kahit maraming lalaking nag-kakandarapa sayo jan." -JM"Ano daw? Maganda? Mabait? Feeling niya perfect ako? Nako tumpak ka kuya! Feeling mo lang lahat ng yan. Kelan ako naging mabait? Kelan ako naging maganda? Pshhh." Sabi ko sa pinsan kong si Alex.
"San mo naman to nakuha?" Tanong ko.
"Pinabigay lang yan sakin ni JM. Yung kalaro ko." Sabi niya.
"Ano bayan! Ang bata bata pa tapos ganyan na kaagad. Teka? Nakaligo ka na ba? Nangangamoy ka eh. "
" hindi pa. "
"Ang baho mo! Umuwi ka na nga dun! Nagdala ka pa ng problema dito sa kwarto ko. Chupiee!" Pasigaw kong sabi.
Kinabukasan, may dala namang letter and flower yung pinsan ko.
"Hep! Bawal pumasok! Nakaligo ka na ba?" Tanong ko.
"Oo!" Sigaw niya sakin.
"Wag mo ko sigawan! Di ako bingi. Ano bayan?"
"Pinabibigay." Inabot niya yung letter and yung flower. Inamoy ko. Aughhhhh! Kadiri! Amoy patay!
"Baho naman! San kinuha to?" Pasigaw kong tanong.
"Ewan ko. Jan ata sa burol. Diba may patay jan sa taas?" Sabi niya habang natatawa. Natawa din ako ng kaunti. Tapos pinatapon ko yung flower.
"Basahin mo na yan!" Sabi niya tapos himiga sa kama. Himuga din ako.
" Dear Ava Smith,
Hello! Balita ko, nabasa mo daw yung letter ko sabi ng pinsan mo. Sa wakas! Napansin mo din ako. Tagal kong hinintay tong time na to. Kamusta ka naman ava? Add mo naman ako sa facebook. Para maging close naman tayo. Yan nga pala yung flower. Mabango yan. Hope you like it. " -JM."What?! Mabango?? Yung flower?? Omayghad! Tapos hope you like it? Alex! Next time nga wag mo ng tanggapin letter nun. " sabi ko.
"Okay." Sabi ko. Tapos alis siya agad.
"Oyyttt! Tekaaaa san ka pupunta may papagawa pa ako!" Sigaw ko.
"Teka lang! Natatae ako!" Sigaw din niya. Natawa ako nun pero di ako tumawa ng malakas.
" nag-iwan ka pa ng bakas mo. " kadiri!
Kinabukasan, wala na akong natanggap na letter from someone. Happy na ako ulit. Wala na kasing sagabal. Hahaha.
Evening. Inaayusan ko ng hair si mama. And makeup na din. Then biglang dumating yung pinsan ko. Si savanna. " ate! Pinapabigay! " tae naman! Kala ko wala na. Binigay niya pa kay mama. Di nalang niya tinapon. 😑
Binuksan ni mama yung letter. Naka airplane mode kasi 😂😂 (you know what i mean) "sabihin mo, next time, ayusin yung sulat! Di ko maintindihan!" Sabi ni mama. Haysttt. Buti di niya binasa. Kinuha naman agad ni sab at binalik sa nagbigay.