REGRETS

19 0 0
                                    


" Hi baby! "


" Baby Red namiss kita. "


" Namiss mo din ako no.. Wag kana mahiya! "


" Bakit kaya ang snob mo? "


" Mahal kong prinsesaaaa! "


" Babybibobuuu.. "


" Anong gusto mong kainin? "


" Tara Ice cream? "


" Dinner tayo later ha? Sunduin kita after class. "


" Renn Eviona Dy, date tayo mamaya ha? Ha?! "


Magkakasunod na sabi mo. Alam mo nakakairita ka na talaga e. Buong araw kang sunod ng sunod sa akin. Hindi na nga kita kinakausap pero salita ka padin ng salita. Mas madaldal ka pa sa babae.


" Ang sungit mo talaga. Wag kang ganyan, lalo akong naiinlove! " Sabi mo tsaka ka umakbay sa akin. Tinignan naman kita ng masama pero nagawa mo pang kindatan ako. Nakakaasar.


Nakarating tayo sa tapat ng classroom ko. Napairap ako kasi ang daming nakatingin sa atin. May nagbubulungan pa ang lakas naman. Tss


" Basta susunduin kita after class mo okay? Mag-iingat ka. " Sabi mo tapos yumuko ka at hinalikan mo ako sa leeg. WTF?!


" Gago." Tinignan kita ng masama pero ikaw si pacool parang walang ginawang kalokohan, tumawa ka pa.


" Gagong gago sayo.. " Sabi mo sabay kindat. Napairap nalang ako tsaka kita tinalikuran at naglakad papasok ng classroom.


" Sa lahat ng lalaking kaklase ng Red KO, wag na wag niyo siyang hahawakan kung ayaw niyong mawalan ng kamay. " Sabi mo.


Tss. Ewan ko sayo kung bakit ka ganyan, ang clingy mo masyado. Sa lahat ng lakad ko, nakikialam ka. Sunod ka ng sunod sa akin. Kapag may pinapagawa ako sayo, ginagawa mo. Pati yata pagkain ng apoy gagawin mo basta sinabi ko. Nakakairita na binibigyan mo ako ng sobra sobrang atensyon kahit hindi ko naman hinihingi sayo.




Lumaki akong walang parents na nagaalaga sa akin. I mean bata palang ako, umalis na sila papuntang states para magtrabaho. Kaya nasanay ako. I got no siblings. Si yaya Medy at kuya Tom, w/c is my driver, ang lagi kong nakikita dahil bahay-school type of person ako. Until I met you.. First yr college ako at third yr ka. Nabangga mo ako nung papasok ako ng tea shop sa labas ng campus. Or should I say binangga? Papansin ka kasi at isang dakilang hokage. Sinadya mo pa ngang hawakan yung kamay ko nung pinupulot ko yung mga gamit kong nalaglag mula sa pagkabanga mo sakin. Kunyare tutulungan mo ako, pero may hidden agenda pala. Tss. Old school. At simula noon, buntot ka na ng buntot sa akin.

RegretsWhere stories live. Discover now