Prologue
Love?
Lahat na lang yata ng usapin ay tungkol sa love. Mapa-trabaho man iyan o eskwelahan.
May naniniwala sa forever, meron ding hindi.
Lahat na lang about love.
Kahit saan may nakikita kang magkasintahan o mag-asawa.
Masaya ang paligid kapag puno ng pagmamahal. At naniniwala ako na kapag pinairal natin ang pagmamahal... walang karahasan, walang gulo.
Yes! I'm ultimate believer of love. Kasi grade school pa lang ako ay nakita ko na ang future husband ko. Uh-huh! Future husband.
But, I know... I'm not sensitive na kapatid lang ang turing niya sa akin.
Masakit pero alam ko na mahuhulog din siya sa alindog ko.
But, what if may gusto na pala siyang iba kaya hindi niya ako makita?
At....
Sino ang mysterious guy na ayaw umalis sa isip ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/81733702-288-k441215.jpg)