ACT 1: PROMOTION

2.5K 46 1
                                    

I. EXT. STREET. NIGHT

Makikita natin si LUCKY, 30s, maputi, mahaba ang buhok, nakaformal na damit, naglalakad happily sa on her way home.

Habang naglalakad si LUCKY, proud na proud siya.

LUCKY (vo)

Finally, magiging manager na ko! Unti-unti ng natutupad ang mga pangarap ko. Way to go LUCKY!

Mahihinto siya, may nagtext.

*sender: Manilyn: CONGRATULATIONS.

Tataas ang kilay niya.

LUCKY

Sorry na lang sa'yo Manilyn. Ganyan talaga ang buhay. Noon, inaaapi-api mo ko, ngayon ako na ang manager, icha puwera ka na.

Tatawa-tawa si LUCKY ng magulat siyang nasa harap niya na ang isang mysteryosong babae na naka-black at may takip sa mukha. Nabitawan niya ang phone sa shock. Pinulot nya ang phone, pag tayo nya wala na ang babae.

Naririnig ni LUCKY na may dalawang nag-uusap...

EXTRA 1

Grabe nga yung balitang yun, biruin mo nagsuicide

dahil lang natanggal sa trabaho.

EXTRA 2

Hindi naman natin masisisi kung binigay niya ang

buong buhay niya sa trabahong iyon eh.


Napaisip si LUCKY.

II. INT. LUCKY'S CONDO. NIGHT

Bubuksan ni LUCKY ang pinto at bubuksan ang ilaw. Ayaw bumukas ng ilaw. Kinakabahan siya. Ginamit niya ang light ng cellphone. Kinakabahan siya pero pinasok pa din niya ang bahay. May mga moving shadows siyang nakikita. Makakasalubong pa niya ang isa. Sa takot ay babalik na sana siya sa pinto para lumabas ng biglang bumukas ang ilaw. Sabay rin na bubungad ang mga kasamahan sa opisina at sabay sabay na sisigaw ng "CONGRATULATIONS!!!!" na labis na ikagugulat ni LUCKY. It was a surprise party for her. Nakahinga siya ng maluwag.

LUCKY

Wow naman! Salamat sa inyong lahat guys!


Lalapitan siya ng dalawang malapit niyang kaibigan si RHODORA (25s), at si GEORGE, (25s, gay friend).

RHODORA

Congrats LUCKY, iba ka na huh, manager ka na ngayon. Boss, ma'am, madame? Ano nang itatawag namin sayo?

LUCKY

Ano ba? LUCKY parin. Para naman kayong others.

GEORGE

Siyempre ibang level ka na noh? Hindi mo na kami ka-level, baka mamaya maging katulad ka nung bruhang Manilyn na yun. Naging manager lang, minaliit na tayo.

LUCKY

Siyempre hindi noh! Kahit anong mangyari tayo pa rin ang magkakaibigan, ok?

RHODORA

Sabi mo 'yan ha?

Hug silang tatlo.

RHODORA

Naku lovelife na lang talaga ang kulang sa'yo.

LUCKY

Ano ba? Sa ganda kong 'to? Makakahanap din ako noh! Pero hindi pa muna ngayon. Career muna. O sya sige enjoy lang kayo aasikasuhin ko muna yung ibang bisita.

Habang kumukuha ng food, hindi sadyang maririnig ang usapan ng ibang mga kasama sa opisina.

OFFICEMATE 1

Bakit kaya umalis si Manilyn? Teka, umalis nga ba o inalis?

OFFICEMATE 2

Hay naku, wala kong pakialam kung umalis a inalis siya, ang importante wala na siya.

OFFICEMATE 3

Ay tama ka jan! Sobrang sungit nun! Parang galit lagi sa mundo!

OFFICEMATE 1

Pero alam nyo ba ang bali-balita, wala daw nakakaalam kung nasaan na si Manilyn, bigla na lang daw siyang nagdisappear.

OFFICEMATE 2

As in nag-disappear? Parang bula?

OFFICEMATE 1

Nung pagkatanggal sa kaniya as manager, parang dinamdam daw yata ng sobra, kaya bigla na lang hindi na nagpakita kahit kanino.

OFFICEMATE 3

Nakakatakot naman yun, hindi kaya, nagsuicide na 'yun?

Biglang mapapasabat si LUCKY.

LUCKY

Suicide? Nagsuicide si Manilyn?

OFFICEMATE 1

Ui friend, theory lang naman yun nang loka-lokang 'to! Mystery pa naman kung nasaan talaga si Manilyn.

OFFICEMATE 2

Oo nga, naku huwag mong intindihin yung pinagsasabi namin...

Maghihilahan sila palayo. Iiwan si LUCKY na mag-isa.

LUCKY

Nawawala si Manilyn? Posible bang siya yung nakita kong babae kanina?

Naghahallucinate si LUCKY na may parang babaeng nakatayo somewhere, then mawawala. Hahanapin niya yung babae. Magugulat ang mga tao sa kinikilos niya dahil para siyang aligaga.

RHODORA

LUCKY, okay ka lang ba?

Mapipilitan na lang na tumango si LUCKY.

III. INT. LUCKY'S ROOM. NIGHT

*Binabangunot si LUCKY

Ipapakita na may sumasakal sa kanya na nakaitim.

Pasigaw na magigising si LUCKY. Naghihikahos.

IV. INT. HR ROOM. DAY

Tulala si LUCKY. Darating ang HR Personnel. Smile na si Lucky.

HR STAFF

Hi Lucky. Ready ka na ba? All you need to do is just sign here...(blah blah)

Patuloy sa pagsasalita ang HR Staff pero hindi na ito napapansin ni Lucky dahil natutuon nya ang pansin sa isang shadow na nakikita nya from afar. Maya-maya ay nawala ang shadow.

HR STAFF

Lucky? Are you really ok?

LUCKY

Opo.


Biglang lalabas sa likod ng HR Staff ang babaeng nakaitim. Mapapasigaw si Lucky. Then mawawala din.

HR STAFF

Are you sure?

LUCKY

Yes.

HR STAFF

Ok, so iwan muna kita ha? Read through this, then you just sign here okay?

Parang ayaw magpaiwan ni Lucky, pero hinayaan na lang niyang umalis ang HR Staff. Tinititigan ni Lucky ang contract papers. Nagdadalawang isip kung pipirma siya. Naalala niya ang text sa kanya ni Manilyn: KUNG GUSTO MO PANG MATAHIMIK ANG BUHAY MO, HUWAG MONG TATANGGAPIN ANG MANAGERIAL POSITION.

Hihinga ng malalim si Lucky at lalakasan ang loob na pumirma sa papers.

The ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon