I love you, Ex (One-Shot)

845 35 20
                                    

Isa akong simpleng babae, hindi ako yung tipo ng mga nababasa mo diyan na bigla na lang gaganda na may malupit na transformation na magaganap pag nasa kalagitnaan na ng storya tapos bigla bigla magkaka inlove-an sila ng isang CEO o anak ng CEO ng isang big time na kompanya.

Hindi ako yon. Dahil sa storyang ito,

Isa akong estudyante. Matalino ako, oo Nerd na para lang maki-sabay na sa uso.Gusto ko ginugugol ang sarili ko sa pag-aaral.

Naiinis ako sa mga kaklase kong inu-una yung landi kesa mag-aral.Bakit?

Hindi naman sila pinag-aral ng magulang nila para mag pagganda sa school at maging muse sa bawat subject nila para malaman ng iba na maganda sila, at may manligaw sa kanila.Alam mo kung ano yung nakaka-asar?

Dito sa lugar natin, wala lang manligaw sayo pangit ka na. Maitim ka lang pangit ka na. Mataba ka lang pangit ka na. Malaki lang mata mo pangit ka na.Sobrang payat mo lang pangit ka na maliit ka lang pangit ka na.Matangkad ka lang kapre ka na.

Ako si Chaerin.

At sa di inaasahang pagkakataon na-inlove ako.

Nasaktan.

Naligaw ng landas.

Na-stress.

Na-depress.

Lahat na itawag mo sa akin..pero pwede pag nakita mo yung ex ko..pakisabi to?

"I love you, Ex."

--

"Cha!!"

"Oh?" Sabi ko habang nagsusulat ng lecture na pinasusulat ng teacher namin. Ganito yan 2 days hindi papasok teacher namin para magpa lecture tapos next 3 days papasok siya para mag-discuss at ngayon bugbog ako sa kakasulat habang ang mga kaklase ko ay busy sa sarili nilang mga mundo, Yung iba nag wawattpad, nag gigitara ung ibang kalalakihan sa bandang likod at yung isa kong kaklase naka titig sa salamin niya, mukang hindi maka get over sa sarili niyang pagmumuka yung iba ewan ko at wala na kong paki pa dun. Basta ako mag susulat ako dahil sayang grade ng lecture points.

"Sulat mo ko?"

"Muka mo."

"Tch. sama talaga nito" Umupo siya sa katabi kong silya.

"Cha! cha!! Tignan mo oh.." Kinakalbit niya ako, at kinukulit kaya sinara ko na ang notebook ko at napagdesisyunan na mangongopya nalang ako ng lecture sa mga tulad kong masisipag na natapos ang lecture.

"Ano ba yun?" Tanong ko kay rina.

"Si..Migs oh."

"Ano ngayon?"

"Wala lang..nasabi ko lang." Napa-irap ako yun lang naman pala ang sasabihin niya inistorbo pa ako.

Si Migs, naglalakad siya kasama ang tropa niya. Wag kayo umasa dahil tulad ko hndi din siya heart throb o mayaman o ano pa man. Ewan ko lang kung mayaman sila pero ano naman paki ko dun. Huminto sila sa paglalakad kasama ang mga asungot niyang barkada sa harap ng pinto ng klasroom ko.

Tila ba may hinahanap siya.And when he saw me. We locked gaze.

"Psst. Chaerin! Tara dito."

Maputi siya,matangkad. Oo pasado na pero hindi siya kasing gwapo ni Lee min ho o ng kung sino pang iniisip ninyo.

"Shit, cha. Ang gwapo!" Bulong nito sakin habang kinukurot ang braso ko.

I love you, Ex (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon