M.U.Malanding Ugnayan
Mutual Understanding
M.U. yan ang sabi mo saakin 5 years ago. Walang label. Walang relasyon. Tanging M.U. lang ang kinakapitan ko.
Pero sinabi mong "Ayoko na suko na ako".
At dahil nangako ka. Nangakong babalikan mo pa ako.Nangakong aayusin mo ang lahat. Pag tama na ang panahon.
Umasa ako.
Sa loob ng 5 taon. Masaya tayo. Kahit wala namang label ang relasyon natin. Kahit wala namang tayo.
Tapos nalaman ko nalang na your madly and deeply inlove with someone else.
Ang sakit. Napakasakit. Nangako ka kasi. Nangakong babalikan mo pa ako. Nangako kang magiging tayo ulit.
Parang tinapon mo lang kasi yung salitang PANGAKO na sinabi mo sakin 5 years ago.
5 years. 5 years akong naghintay. 5 years akong umasa 5 years akong umasa sa wala.
Dahil.
Mahal parin kita.
Kahit nasa piling ka man ng iba.
***************