Father's Love

85 2 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales is entirely coincidental.

-kunwari_writer-

NOTE: Kung kulang sa emotions pakilagyan nalang ng Magic Sarap. Ngayon palang sorry na! HAHAHA. :)

**

"Papa bihis po kayo. Samahan niyo 'ko."I said to the old man who's busy reading the latest news today.

Its not father's day, pero dahil unang sweldo ko sa unang trabaho ko naisipan kong itreat naman ang tatay ko.

Nagpareserve ako sa isang restaurant sa Maynila, tutal ilang oras lang naman ang biyahe. Naisip ko din kasing bilan si Papa ng bagong damit at dalawin na rin namin ang mga Auntie ko sa Manila.

Tiningnan lang niya ako, bago tumango at tumayo sa upuan niya.

My dad's posture is almost the same from him 5 years ago. Kahit ata hindi nakacamouflage at walang baril si Papa malalaman mong sundalo pa rin siya.

"Saan tayo pupunta?" I cleared my throat sa tanong niya.

"Nagtext po kasi si Dylan, mayroon daw pong lunch sa kanila."

"Bakit hindi nalang ang mama mo ang isama mo sa bahay ng boyfriend mo." The woman she love left us, hindi na kasi kaya ni mama ang pagsasama nila ni Papa na laging wala noon.

"Pa naman." I sulked. "Hinahanap kayo ni Dylan eh. Saka.."

Lumingon si papa sakin ng nakangiti. He's fatherly smile.

"Oo na. Sige na. Gagayak lang ako." Mabilis napawi ang paghaba ng mukha ko sa sinabi ni papa.

Strikto si papa dahil ako lang ang anak niya at babae pa ako. Kahit sabihin ng lahat na I'm 21 years old, hindi mo ito pwedeng maging excuse kay papa. Coz his understanding for being a father ay wala sa edad ang pagkakaroon ng freedom to choose ng anak mo. He will put you in to your right place, whether you like it or not. Mabuti nalang, kahit matigas ang ulo ko hindi pa rin ako tinakwil ng tatay ko. Pasaway na anak ako kung tutuusin. Ang usapan paggraduate ng High school dapat ako magkaBF, pero bago ako makagraduate sa high school naka 4 na ako.

Nagalit si Papa sa tuwing nalalaman niyang ganun, kapag kasi uuwi siya from deployment eto ang bumubungad sa kaniya. Ang unica niyang si Nikki, pasaway. Kaya ng dumating ako sa kolehiyo, gwardiyado talaga ako ng mga Uncle ko na kapatid ni Papa. Nagkaroon din sila ng good terms ni Mama, dahil gusto niya talaga studies lang ang focus ko, at ayun nagtagumpay.

Pagkagraduate ko nalang na sagot si Dylan.

"Hindi ako nagiging strikto dahil gusto kong alagaan mo ako buong buhay mo. Hindi ko ito ginagawa para di ka makapag-asawa. Ginagawa ko ito dahil gusto kong mahanap ka ng karapat-dapat na asawa. Hindi ko man alam ang tintibok ng puso mo, at least kapag sinabi mo malalaman kong ang dapat nating gawin. Hindi lang nanay ang mainam para sa anak nila Nikki. Kaya umayos ka."

"Come on Nikki." Tawag ni papa sakin. Hinead to foot pa niya ako. "Bakit nagpencil skirt ka? Sana pants nalang, anak. Baka akalain ng boyfriend mo sa opisina ang tuloy mo?"

Natawa naman ako sa kumento ni papa, kumawit naman ako sa braso niya.

"Papa naman. Hahahaha. Tara na po. Bus tayo pa ha."

Father's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon