Naniniwala ka ba sa Multo ?

612 18 4
                                    

Isang tanong na kung iisipin mo na puwede mong paniwalaan o kaya naman puwede mong balewalain.

Marami na siguro sa atin ang nakakita ng multo?Maari ikaw, siya o ako.Nakakakilabot diba kung nakakakita ka ng multo ?

Pero kung tatanungin mo ako about sa multo ?TRUE.I believe in Ghost.Isa itong experience na hindi ko malilimutan.Sisimulan ko na kuwento ko.

Habang naglalakad ako sa kahabaan ng kalsada ay nasa gilid nito ang isang sementeryo.Si Lisa na kaibigan ko ang nagsabi na may nagpapakita daw na multo sa kalsada na ito.Nakaputing damit at nakalutang daw sa hangin.Natawa ako sa kuwento niya.Sinabi ko sa kanya na malamang sasabihin nang mga tao na may multo dito kasi nga  katabi ng sementeryo.Binalewala ko ang kuwentong iyon.

SERENITY MEMORIAL PARK.Ang pangalan ng sementeryo.Bukod sa bermuda grass ay may matatanaw ka pang museo.Nakakawili lang kasi tingnan maiisip mong mayayaman na tao ang nakalibing dito.Matatanaw mo lahat kasi railing at poste lang ang nagsisilbing pader nito.

Isang matandang babae ang nakasalubong ko.Kung mamasdan mo ang matanda para itong pulubi.Nakakaawa ang hitsura nito.

"Ineng meron ka bang pagkain dyan ?Kahit na ano kasi nagugutom na ako."sabi ng matanda sakin.

Tumango ako at walang atubili dinukot ko ang biscuit na binili ko kanina sa backpack ko.Hindi ko kasi nakain ito kanina.Nilibre kasi ako ni Lisa sa merienda." Heto po biskwit nay..yan lang po ang meron ako."sabay abot sa matanda.

Ngumiti sa akin ang matanda at nagpasalamat.Tumalikod na ako.Napangiti ako sapagkat masarap pala sa pakiramdam ang nakatulong ka sa kapwa.Nilingon ko patalikod ang matandang babae ngunit wala na ito.Naiwan doon sa sahig ang biskwit.Nawala agad ? tanong ko sa sarili.Ang bilis naman maglakad nun ?Humihingi nang pagkain tapos iiwan din pala?!taka ko.

Naulit ang pagkikita namin ng matandang babae.Pero sa ngayon nakatayo ito sa gilid ng railing na nagsisilbing pader ng sementeryo.Nakatanaw ito sa kabuuan ng sementeryo.

"Nay !"tawag ko.Napukaw ko ang atensyon ng matanda.Nilingunan niya ako.Ngumiti ito sa akin.

Nagsalita ako."Nay..ano po bang tinitingnan ninyo?May nakalibing po ba kayong kamag anak dyan?"tanong ko.

Umiling ito.Ngumiti itong nakatingin sa aking mga mata.Parang nangungusap ang mga mata nito.

Natigilan ako.Kakaiba ang tingin ng matanda sa akin.Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

Natauhan ako.Naisip kong kunin ang wallet ko sa bag at dumukot ako ng 100 pesos.Inabot ko ito sa matanda."Nay heto po bumili po kayo ng pagkain ninyo."sabi ko.

Umiling ang matanda."Hindi yan ang kailangan ko anak."mahinahon sabi nito.

Natigilan ako.Napaisip.

Ano kaya kailangan ng matandang ito?tanong nang isip ko.

Ibalik ko ang pera sa wallet ko at ipinasok ko na ito sa loob ng aking bag.

Paglingon ko sa matandang kaharap ko ay nagtaka na naman ako.

Nawala na naman siya sa harap ko !

Hindi na naulit ang pagpapakita sa akin nang matanda.Kahit isang beses.Tinatanaw ko rin ang kabuuan nang sementeryo habang naglalakad ako.Baka sakaling matanaw o makita ko siya pero bigo akong makita siya ulit.

Isang balita ang natanggap ko mula sa ate ko.Patay na raw ang anak niyang bunso.Namatay daw ito sa sakit na dengue.Nalungkot at nagluksa kami.Masakit din pala sa damdamin ang mawalan nang pamangkin.

Araw nang libing.Serenity Memorial Park.Sa hindi ko inaasahan dito sa sementeryong ito pala ililibing ang pamangkin ko.Umiiyak ako pero mas grabe ang hagulgol nang ate ko.Hinimashimas ko ang likod nito para lang kumalma ito.Nailibing na ang pamangkin ko at umalis na rin ang lahat nang nakiramay.Naiwan na lang kami nang ate ko at nang asawa at dalawang anak nito.

Nakaramdam ako nang tawag nang kalikasan kaya nag excuse muna ako sa kanila at humanap nang CR.Naglakad na ako.Bawat mahakbangan kong puntod ay nag eexcuse ako.Natatakot din naman kasi ako na baka multuhin ako nang mga ito.

Napako ako sa isang puntod.Napahinto ako sa paghakbang.Meron kasi akong nakita na may nakalagay na picture sa puntod nito.Pamilyar sa akin ang mukha nito.Binasa ko ang nakasulat sa lapida.

RIP
Florencia Mariano
May 12 1952 - January 15 2016
Your memories  will remain in our hearts.

Lumapit na ako sa puntod mismo.Pinagmasdan ko itong mabuti.Siya nga at wala nang iba ! Siya yung matandang nakakausap ko.Siya yung binigyan ko nang biskwit.Tumayo lahat nang balahibo ko.Kinilabutan ako.Nagulat ako nang may magsalita.

"Kamag anak nyo po ba ang nakalibing dito?" tanong sa akin nang matandang lalake.May dala itong walis tingting at gawa sa latang dustpan.Caretaker siguro ito nang sementeryo.

Umiling ako.Napatitig ako sa matandang lalake.Hindi ko maiwasan ang hindi magtanong.

"Manong..caretaker po kayo nang puntod na to ?"

Tumango ang matanda."Oo." sagot nito."Bakit ineng?"

Hindi ako mapakaling hindi magtanong sa matanda.

"May alam po ba kayong sanhi nang pagkamatay nang nakalibing dito?"

Nagsalita ito at sinagot ang tanong ko."Bago pa umalis ang mga anak nito papuntang America ay nakausap ko pa ang mga ito.Nalaman ko na namatay ang nakalibing dyan sa katandaan.Maaari siguro may sakit ito pero hindi sinasabi sa kanila.Nakita na lang kasi nila ito nang wala nang buhay at patay na.Mahilig kasi ang matanda na mapag isa."

Ngayon malinaw na sa isip ko kung anong dahilan kung bakit ayaw niyang tanggapin ang binibigay ko at bakit nagpapakita at nagmumulto sa akin ang matanda.

Ang kailangan nito ay DASAL.

Kinabukasan ay pumunta ulit ako nang sementeryo.Pagkatapos kong magsindi nang kandila sa pamangkin ko at mag alay nang dasal ay sunod kong inalayan din nang dasal ang puntod nang matanda.

"Nang..kung magkita tayo ulit sana ay makatulong sayo ang aking DASAL na alay sayo.Sana rin po ay matahimik na po ang kaluluwa ninyo.Nang sa gayon ay makapiling na po ninyo ang Poong Maykapal."

               +The End+

Naniniwala ka ba sa Multo ?Where stories live. Discover now