Isa ako sa mga batang lumaki sa isang malaking gusali na puno ng armadong kalalakihan at kababaihan. Sa murang edad, nahasa ang aking galing sa pag gamit ng iba't ibang uri ng sandata at talino sa pag gawa ng desisyon. Isa din sa natutunan ko ay ang mawalan ng konsesya sa pag kitil ng buhay, inosente ka man o hindi.
Kung dati sa pag-aakala kong magiging normal at mapayapa ang pananatili ko sa mala-mansion na instrukturang ito ay taliwas sa lahat ng inasahan ko. Akala ko noon ay mamumuhay ako ng parang isang normal na bata. Hindi pala. Naaalala ko pa nung unang salta ko pa lamang dito, agad kaming pinag tuos ng mga kasabay kong kasaing-edad ko lamang. Bagamat dalawa sa kanila ay kilala ko ng lubusan.
"Ang mamatay o ang mabuhay ay nakasalalay sa inyong mga kamay."
Ayan ang huling pangungusap na narinig ko bago magsimula ang duwelo sa pagitan ko at ng mga batang kasama ko. Sa mga oras na iyon wala niisa sa amin ang gumagalaw dahil nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang lulusob.
Sampu kaming maglalaban-laban hanggang sa tatlo nalang ang matirang nakatayo at buhay. Anim kaming lalake at apat sa kanila ay babae. Lahat ay may kanya kanyang bitbit na armas na kinuha sa isang drum na punong puno ng iba't ibang klase ng sandata. Hawak ko ang isang hindi kalakihang espada. Kung titignan mo isa ito sa mga lumang espada na ginamit pa noong panahon pa ng kastila. Lahat kame ay nagpapakiramdaman sa posibleng ikilos ng bawat isa sa amin.
"N-natatakot ako.." Wika nung isang babae. Halatang halata sa kanya ang panginginig ng kanyang kamay habang hawak hawak ang palakol na napili niya bilang sandata. Nanlaki ang mga mata namin nang biglaan siyang sasaksakin ng isang lalaking nasa likod niya gamit ang matalim na sibat. Humandusay ito sa sahig at agad na binawian ng hininga. Nabaling naman sa akin ang atensyon niya at agad akong sinugod. Iwinasiwas niya ang hawak niyang sibat at agad akong umiwas sa ginawa niyang pag atake. Sa pagkakataong iyon, hindi na ako nag dalawang isip na iwasiwas rin ang gamit kong sandata dahilan para matamaan siya sa likod at mapatay ko siya.
Lumingon ako sa kinaroroonan ng iba at biglang nag iba ang kanilang itsura na kanina'y halatang takot na takot at ngayon ay seryosong nagmamasid at nakikiramdam sa ikikilos ng bawat isa. Kaagad silang lumayo at inihanda ang kani kanilang sandata. Siguro'y handa na silang harapin ang mapait na katotohanan na hindi na sila mag tatagal sa gusaling ginagalawan ng bawat isa sa amin. Ngumisi ako at sinugod ang lalaking may hawak na katana. Nasalag niya ang pag atakeng ginawa ko ngunit hindi ito nakaiwas sa ginawang pag saksak ng babaeng nasa likuran niya. Binigyan niya ako ng matatamis na ngiti at sabay tumakbo palayo.
Ilang minuto din ang nakalipas at tatlo kaming natirang nakatayo. Papalit palit ang tingin namin sa isat isa pero niisa sa amin ay wala ng balak pang lumaban. Itinaas ko ang aking kamay bilang pag suko at ganun din ang ginawa nila. Inilapag namin ang aming sandata at tyaka humiga sa sahig. Doon natapos ang madugong duwelo.
Makaraan ang ilang buwan, nag umpisa na ang aming pagsasanay sa pag hawak at kung paano gamitin ang isang baril. Hindi naging madali para sa amin ang naging pagsasanay pero kailangan naming mahasa sa pag gamit sa baril. Sa bawat pagkakamaling nagagawa namin sa araw-araw na pagsasanay ay isang latay ng latigo ang lumalapat sa aming balat. Sa tala ng pagsasanay, ako ang palaging nasa itaas at ako din ang may pinakamaraming latay sa katawan. Hindi dahil sa isang pagkakamali kundi dahil sa pag salo ng latay na dapat ay para kay Violet. Ako ang nag sisilbing panangga niya sa bawat pagkakamaling nagagawa niya. At dahil babae siya ako na mismo ang sumasalo ng latay na dapat ay sa kanya.
Lima kaming sinasanay sa lugar na hindi mo nanaising puntahan o tirahan at si Violet lang ang nag iisang babae sa grupo. Nahiwalay samin si Beid na nasa kabilang grupo. Ako ang tumatayong leader sa grupo namin kung kaya't may otoridad akong saluhin ang kahit anong parusang ipaparusa nila kay Violet. Ilang buwan pa lamang ang lumilipas at tila nawalan na ako ng pakiramdam sa katawan. Normal na sa aking ang mahagupit ng latigo sa oras na magkamali si Violet sa isang pagsasanay. Matalino si Violet at maabilidad pero may mga pagkakataon na mas nauuna ang takot niya kaya hindi siya nakakapag isip ng maayos.
BINABASA MO ANG
Rivalry: The Betrayal
БоевикA complicated situation with complicated people who have complicated minds. In a world where betrayal, death, conspiracy, and misery reigns. Will love find a way to change it? One man. One girl. Two total strangers. Bound to meet in an unexpected ti...