One Shot :3 (One Shot Story)

156 1 0
                                    

One Shot :3 (One Shot Story)

---

Naniniwala ba kayo sa One Shots?

I mean, yung mga bagay na isang beses lang dumadating sa buhay natin? Na kapag ni-reject mo o pinalampas mo eh talagang magsisisi ka na pinakawalan mo yun?

Nakaexperience na ako ng mga bagay na hindi ko pinansin nung una tapos nagsisi talaga ako ng ma-realize ko na mahalaga pala yung bagay na pinakawalan ko na yun.

Gusto niyong malaman kung sino siya?

----

"Woooooh! Kaya niyo yan St. Gabriel Warriors! Talunin niyo yang mga taga Holy Trinity! Kayang-kaya niyo sila!" Ako yan, kumukuha ng pictures habang sumisigaw na parang baliw. Nakalamang kasi ng 1 point ang kalaban naming school, ang Holy Trinity College. Inter Catholic Schools Sports and Academic Meet kasi ngayon at ang school namin ang host.

Eh 1 minute na lang ang natitira.

Isang shot lang, Gab. Isang shot lang mula sa'yo at alam kong mananalo kayo.

10 seconds na lang.

10..

9..

8..

7..

6..

Naagaw niya yung bola.

5..

4..

Please, Lord. Hayaan niyo po siyang maka-shoot.

3..

"And 3 points by Gabriel Santos!" Wooooh! 3 seconds na lang ang natitira at alam kong hindi na makakabawi ang Holy Trinity. Yes! Buti na lang nandyan si Gab my labs ko. >//3//<

The confetti poured and the crowd is going wild. Isa na ako sa kanila :3. 

Lalo akong nabaliw noong nakita ko yung ngiti niya. Lumalabas na naman yung dimples niya. Yung pisngi naman niya ay namumula na parang kamatis ngayon dala na rin siguro ng mainit nilang laro. Alam ko na sobrang saya niya dahil bilang isang Team Captain ng team at dahil siya ang pinakadahilan kung bakit sila nanalo.

"Wait lang guys! Isang shot na lang para sa school paper. Wacky naman ha para cute."

1..

2..

3..

*click

Hehe.Ang cute-cute nila nung nag-wacky sila. Syempre, siya ang pinakacute.

Bumalik ako sa bench kung saan ako nakaupo kanina para tignan kung maayos ba yung mga kuha ko.

Paupo na ako nang..May humawak sa kamay ko.

"Bree!" Shet. Ang puso ko. Nababaliw na naman.

"Uy Gab! Kaw pala! Congrats ha! Sabi ko sa'yo eh, kayang-kaya niyo sila." Sa pag-uusap namin, parang close kami. Oo. Close naman talaga kami. Pero siya, kaibigan lang ang tingan niya sa akin pero ako...higit pa sa kaibigan. Hindi niya nga lang alam.

"Hehe. Thanks Bree for encouraging me. Kung hindi dahil sa 'words of encouragement' mo eh baka natalo na kami." Is this true? He's thanking me for encouraging him?

"Ano ka ba? Hindi lang ako ang dapat mong pasalamatan. Pasalamatan mo rin yung mga schoolmates natin na nagtiwala at nag-cheer sa inyo. :)"

"Oo nga noh. Nakalimutan ko nga sila." Sa dami nila nakalimutan mo sila samantalang ako, si Gabrielle Analeese Pablo, na sa tingin ng karamihan ay super boring, unattractive at wala nang alam na gawin kundi ang mag-aral, ay hindi mo nakalimutan? Hayyyy...konti na lang at sasabog na talaga si little heart.

One Shot :3 (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon