"Bes! Bilisan mo dyan! Male-late na tayo eh!" sigaw ng bestfriend kong si Ryan.
"Teka lang naman! Masyado kang excited pumasok!" lumabas na ako ng kwarto ko.
Nasa iisang floor kasi ang room namin ni Ryan. Nangungupahan lang kami kasi malapit lang to sa university na pinapasukan namin dalawa. Mga bata pa lang kami, bestfriends na kami ni Ryan. Siya na nga knight in shining armor ko eh. At ako naman daw ang prinsesa niya. Pero, hep! Hindi kami magsyota ha, bffs kami. Ayun lang, no more, no less.
"Ang bagal bagal mo talaga kahit kailan." ginulo ni Ryan ang buhok ko.
"Sorry po Ser ha. Babae ho kasi ako. Sana alam niyo po yun, your highness." inirapan ko siya.
"Babae ka pala, kala ko transgender."
"Ano?! May sinasabi ka ba?!" ginulo ko din ang buhok niya. Sabay batok.
"Not my hair!" inis na sabi niya.
Walking distance lang ang school namin. Kaya after 10 minutes na paglalakad at pagkukulitan sa daan, nakarating na kami sa school. Dumiretso muna kami sa usual tambayan namin. Naabutan namin na nandoon na ang mga kabanda ni Ryan.
"Hey guys! Aga ah!" bati samin ni Jerome, ang drummer nila.
"Eto kasing kaibigan niyo, masyadong excited pumasok kala mo naman mag-aaral. Tsk!" irap ko kay Ryan.
"Baka naman gusto ka lang matagal makasama, Nicole." tawa ni Luke, ang keyboardist ng banda.
"Naka drugs ba kayo?" tanong ko.
Nagkatinginan sila at sabay sabay na nagtawanan.
"Meron ka ba ngayon, Nicole? Ang init ng ulo mo eh. Chill lang." Paolo, the lead guitarist, tapped me on the shoulder.
"Haay, ewan ko sa inyo! Bwisit!" kinuha ko na lang ang notes ko at nagbasa nalang.
Umupo sa tabi ko si Ryan at kinuha niya ang acoustic guitar niya. Yung acoustic guitar na iniregalo ko sa kanya nung birthday niya. Sobrang priceless ng reaction ni Ryan nung binigay ko sa kanya yun. Nagstrum lang siya at nakinig lang ako. Ang galing niya talagang tumugtog.
"Malapit na magstart ang klase ko, una na ko sa inyo. See you na lang! Bye!" nagpaalam na ako sa kanila. Ryan grabbed my arm.
"Hatid na kita." he smiled.
"Okay."
Naglakad kami papunta sa 3rd floor ng Business Ad building.
"Thank you Ry." tumalikod nako sa kanya. Papasok na ko ng room nang tinawag niya ako.
"Nicole." he said. Lumingon ako sa kanya.
"Hmm?"
"Sunduin ulit kita mamaya. Sabay na tayo maglunch. Text me. Ingat." he smiled. Hindi pa ko nakakapagsalita, tumalikod na siya at bumaba na.
Bastos yun ah. Di pa ko nakaka-oo. Pero, shet! Parang iba siya ngayon. Don't expect Nicole. Nagpapaka bestfriend lang si Ryan. Wag aasa.
Malapit nang maglunch break. Itetext ko ba si Ryan? Siya mauna magtext, ano siya chix?!
Nagpaalam na samin yung prof namin sa last subject ngayong umaga.
*beep beep*
My phone vibrated.
1 New Message
From: Bestfriend Ryan
Asan ka na? Dito na kami sa parking lot.