Chapter 1

37 2 0
                                    

-Isabelle Lañada's Point of View-

"Ate Belle! Ate Belle! Gising na!" Sigaw ng nakakabata kong kapatid na si Kate, habang tumalon sa aking kama.

"Oo na. Ayan na!" Sabi ko nang hinihikab. "Kasi naman eh! Natutulog pa ko eh!" Pabulong kong sinabi.

"May sinasabi? May sinasabi?!" Mukhang narinig niya ah!

"Wala po, Ma'am!" Paloko kong sinagot. Mukang nainis siya sa sinabi ko. Kaya ko siyang tinawag na 'Ma'am' kasi mukha siyang boss pag nagagalit. Imbes na ako magalit siya pa. Galing namin!

Bumaba na ako para kumain ng breakfast at nakita ko na bacon ang ulam. Pero may sinabi muna si mama habang papunta kami ng mesa.

"Maligo muna kayo habang aayusin ko tong mesa. Sino mauuna?" Tanong ni Mama.

"SIYA!" Nagturuan kaming dalawa. "Ikaw na, Kate!" Sabi ko sakanya ng may kasamang puppy face.

HAHAHA. Galing ko magmakaawa no? Pero may sinabi siya sa amin ni Mama.

"Mama, Wag mo muna pakainin si Belle, ha." Sinabi niya at pumayag naman si Mama.

Tiningan ko ang oras. Magsi-six palang-pala eh! Bihis rin si Mama, parang may pupuntahan.

"Ma, Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. Mukhang excited si Mama umalis ah. "Sa SM lang. Bibili lang ako ng mga kukutin at mga damit at sapatos niyo."

Napasigaw ako sa tuwa. Eh kasi naman eh, Sinong hindi mae-excite kapag may binibili? Natapos na maligo si Kate. Sumunod na ko.

After 15 minutes, natapos rin ako, Nagbihis na ko at itinali ko ang buhok ng ponytail. Bumaba ako para kumain ng paborito ko. BACOOOON~!

"YUMMY!!" Sigaw kong sinabi habang nakaupo. "Sarap naman nito."

"Anu ba, Isabella, Ang ingay mo, 6:20 palang eh." Sabi ni Kate, bossy nanaman siya.

"FYI, Isabelle po ang pangalan ko." Sabi ko para mabasag siya. Binetlatan ko siya.

"Oy, Tama na yan. Oh Siya, Aalis na ko ah!" Sabi ni Mama.

"Eh, Ma, 6:25 palang ah!" Sabi ni Kate, "Ma, mamaya ka na umalis."

"Oh Siya, mauna na ko ha." Sabi ko, "Teka, iiwan mo ko rito?" Sabi naman ni Kate.

Bagal naman kasi kumain eh! Dadaldal pa eh! Nak ng -,-

"Oh, Tara na." Hirit ni Kate para hindi ako maasar. "Sumakay ka na sa kotse. Dali!"

Sumakay na rin ako sa kotse. Mga 10 minutes lang naman sa biyahe. Pero pagnaglakad kami, Aabutin yan ng 30 minutes dahil sa kabagalan at katamaran ni Kate.

***

After 10 minutes, nakarating na rin kami sa school. Naghiwalay na kami dahil ako Grade 10 at siya ay Grade 7. Naglibot muna ako hangga't makita ang dalawang best friends ko.

"Dani?!" Sigaw ko sakanila. "Denny?"

Tumalikod sila at tumakbo papunta sa akin.

"Kamusta ka na?" Parang hindi kami nagkita ng isang taon ah!

"Oy, Anung klaseng kaartehan yan?" Sabi ko.

Pumunta na kami sa klase namin, English ang first period namin.

"Dani, Siya nga pala, Monday ngayon diba?" Tinanong ko kay Daniela at sinagot niya ko ng oo. "So that means may activity tayo ngayon sa Science at English? Dramatization nanaman to! Tinamaan nga naman ng lintek!"

Isa to sa problema ko ngayon period na to ay nandito yung kaaway ko at crush ko. <3 Yiee. Partner kami? Di rin, Ang layo. Laging napipili naman si Andrea, yung kaaway ko as Bida at ako, Extra lang.

Dumating na si Mrs. Perez, at nag-greet kami ng 'Good Morning', as usual.

"Alam niyo naman ang activity natin tuwing Monday diba?" Mrs. Perez said.

"So, pipili ulit ako ng characters. LOVE STORY naman ang gagawin natin."

Napa-nga nga kami sa sinabi ni Mrs. Perez.

"Si Isabelle naman yung bida at si Chris naman ang partner niya." Sinabi ni Mrs. Perez at nag-assign pa ng iba.

Omg, omg, Can't breath. Partner kami ng crush ko.

Lumapit siya sa akin at sinabi, "Practice at my house?"

"Sure." Kinilig ako dun ah! Sinabi niya pa yun sa ibang kasali.

-----------

(A/N:) Nakatapos rin ako sa wakas! Pero hindi pa yan wakas! Sana magustuhan niyo po :)

VOTE.COMMENT.FAN :">

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon