Ellie's POV
"Ellie! Ano nanaman 'yan?!" Narinig kong sigaw ng nanay ko.
"Argh! Bwiset!"
"Ellie! 'Yong bibig mo!"
"Eh kasi ma! Yung presidente sa North Korea walang ginagawa para sa mga tao dun kundi pumatay! Dapat talaga pugutan ng ulo ang mga yan e! Bwiset talaga!" Mura ko at padabog na pinatay ang tv matapos makita ang mga tao duon na halos mamatay na dahil sa gutom.
Padabog akong naglakad patungong kwarto at agad sinarado ang pinto ng malakas.
"Ellie!" Hindi ko na pinakinggan si mama at patuloy akong nagmura.
"Mga bwiset. Bwiset. Bwiset. Arghh!" Nanggigigil kong tinapon ang unan ko sa pinto. Wala namang tunog kaya patuloy kong itinapon halos lahat ng unan ko du'n.
At dahil sa pagod ko kakatapon ng unan paulit-ulit sa pinto. Hindi ko namalayang nakatulog na ako nang hindi pa naghahapunan.
KINA-umagahan. Pinagalitan ako ni mama dahil natulog raw ako kaagad nang hindi naghahapunan.
"'Pag ikaw nagkasakit, ikaw na bahala sa bayarin mo ha? Basta sinabihan na kita!"
Hindi ko siya sinagot. Bagkus ay kumuha na lamang ako ng kanin at ulam. Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako't nagbihis ng uniporme. Pagkatapos kong mag-ayos ay siya namang pagbaba ng nakababata kong kapatid na si Ronnie galing sa kwarto niya.
"Ronnie! Bilisan mo nga ang paglalakad at baka ma-late pa ako dahil sayo!" Sigaw ko sa kapatid ko na ilang metro ang layo saakin habang hinihingal pa.
Tumalikod na ako nang makita ko siyang magsimula na ulit maglakad papuntang paaralan.
Nang sabay na kami ng kapatid ko pumasok sa gate. Hinarap ko siya at hinalikan sa pisngi at sinabihang..
"Mag-ingat ka ha? Wag pasaway sa teacher mo. Love you bunsoy." Tiningnan ko lamang siya habang naglalakad siya papunta sa classroom niya. Ako naman ay naglakad papunta sa sarili kong classroom.
Grade 12 St. Agnes
---
"Please welcome, our Magna Cum Laude! Miss Eliana Maris Salcedo!"
Oh my goodness!
I heard the crowd clap. I smiled as I stood up from my chair and went to the stage. Napakasaya ko.
"Whoo! Bespren ko 'yaaan!" Narinig kong sigaw ng kaibigan kong si Peach.
Nilingon ko siya at saka nginitian. I also heard some whistles. Naglakad ako paakyat ng stage at inadjust and mic saka nagsalita.
"First of all-"
"Whoooo!"
Ngumiti ako sa harap ng napakaraming tao. I felt a little bit nervous. Eh sino bang hindi? Halos lahat ng estudyante ng school na 'to nasa harapan ko.
"First of all, I wanted to say thank you sa lahat po ng mga teachers, staffs, coordinators ng school na 'to simula nung nag aral ako rito. I also want to thank the principal sa lahat. Kay Ma'am Gonzales, Ma'am Navarro, Sir Del Fierro. Kay Kuyang guard na pinapa-pasok parin ako kahit walang I.D." I stopped when the crowd laughed. I also laughed too.
"Kay kuyang janitor na nag-mop nung nabuhos 'kong chuckie kahapon. Sa mga magulang 'kong walang ginawa kundi suportahan ako sa pag-aaral ko hanggang college. Ma, kahit wala na si papa dito ngayon. Naniniwala parin akong kaya mo 'to, kaya natin 'to. Sa kapatid kong si Ronnie na walang ginawa kundi ang tumambay." Tumawa ako.
"Oy di na ako tumatambay sa kanto!"
The gym was filled again with laughter.
"Sa mga kaibigan kong nandyadyan para saakin through thick and thin. Kilala niyo na kung sino kayo. Tama na pa-special mention." I chuckled. May narinig pa akong nag 'aaw'.
YOU ARE READING
North and South
Teen FictionIt was me at the north and him at the south. It's not just about him at the north and me at the south. It's about him that should be at the north and me that should be at the south.