Chapter One

35 1 0
                                    

*PINGGOY'S POV*

June 22, 2015

Umiinom ako kasama ilang kapitbahay ko na naging mga kaibigan ko na din.

"Pare balita ko patay na patay sayo yung si Jessa yung may sari sari store diyan" sabi ni Alex

"Yun oh! Ano paba ginagawa natin? Paubos na ang Pulang Kabayo natin" sabat naman Chuck

"Ako na naman nakita niyo" umiiling kong sabi

"Ikaw lang naman kasi ang habulin ng chix dito pre" banat naman ni Ralf

"Ginogoyo niyo na ako heto 300 bili pa kayo ng kalahating case doon kina Jessa at ako nama'y matutulog na maaga pa pasok ko bukas" sabi ko naman at tumayo na

"Salamat Pre!" Sigaw naman nila at muli silang tinignan at kinawayan bago tuluyang pumasok ng bahay

Pumasok na ako sa may kwarto ko at nahiga sa kama. Binuksan ko ang facebook account ko at tinignan mga message. Sa isang group namin sa Wattpad University ay nag post ang creator namin na naghahanap siya ng operator sa ginagawa niyang storya. Dahil may RP account ako (Roleplayer) sinubukan kong mag comment. After ng ilang minuto ay nag usap na kami ni Telle actually kakilala ko siya pero hindi nga lang ka close dahil mas kausap ko non ang mga kaibigan din niyang sina Ashley, Kathrina at Sharlene. Anyway, yun nga agad siyang pumayag na maging fictional character ako ng bida niyang lalaki.

*KINABUKASAN*

Habang nag I scroll ng mga newsfeed ko sa fb ay nakita ko ulit ang post ni Telle na naghahanap pa din ng operator. Nag comment ulit ako ng 'ako' kahit may usapan na kami kagabi. Nag reply siya sa comment at sinabi na pm.

Kristelle: Nakagawa ka na ng account mo?

Me: Change Name ko nalang yung RP account ko. Bigay mo nalang mga details.

Kristelle: okay sige

Pagkatapos ng ilang minutong pag hihintay ay binigay lahat niya sa akin ang info about sa bidang lalaki na pangalan ay Jasper Clyde at ang apelyido niya kagaya din ng akin. Lol

Nang makapag change name ako ay nag private message ako sa JC account ko at sinabi na okay na. Agad naman niya akong isinali sa group chat kung saan ko nakilala ang kapares ko sa story niya na si Rich Annika kasama ang kambal niya at sina Sam, Angel at Nicole.

Naging maganda naman at masaya ang araw ko habang kausap sila. Kung ano anong kabaliwan ang pinag uusapan namin at natutuwa ako sa pambubully sa kanila. Kahit iilan lang kami sa gc at hindi pa kumpleto ang cast ng story ay masaya pa rin ang lahat.

Hindi makukumpleto ang araw ko kung hindi ako titingin sa gc namin at mangungulit sa mga taong naroon.

Mag popost ako ng picture ni Lee Min Ho na port ko noon at magka caption na "siyet! Ang gwapo ko!"

Natutuwa ako pag may nag co comment sa mga pictures na pinopost ko at ang mangyayari ay I ipagpipilitan ko na gwapo ako at pangit naman sila.

Ganito lagi ang araw araw na ginagawa ko kahit nasa trabaho. Araw araw ko ring bwinibwisit ang araw nila sa pambubully.

Si Annika na lagi kong pinapansin sa gc namin ay naging malapit sa akin, hindi ko kilala ang operator niya pero napaka gaan ng loob ko sa kanya.

Si Nicole ang bestfriend ni Annika na laging papansin sa gc namin at laging sinasabi kay Ms.A na bigyan din siya ng partner para may kausap din siya. XD

Si Sam naman ay ang pinaka simple sa lahat parang ate na laging ma aasahan lalo na sa advice, hindi ko siya gaano naging ka close dahil na rin siguro naka focus lang ako kay annika?

Si Angel ang baby na fc ng pamilya, matagal ko ng iniisip kung si Sam ba at si Angel ay iisa o ano, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot.

Si Yngrid na kambal ni Annika ang lagi kong kausap kapag wala si Annika, ginugulo ko siya kasi mas gwapo daw yung hubby niya kesa sa akin. Syempre di naman ako papatalo ipagpipilitan ko ulit na wala ng mas gagwapo pa sa akin. Lol

Lumilipas ang mga araw nakikilala ko ang mga kasamahan ko sa gc at kung anong ugali meron sila pero ako? Walang pake kasi gwapo ko pa din. XD

Hindi ko na matandaan kung anong dahilan pero isang araw nagkausap kami ni Nicole. Basta ang alam ko lang ay pinapa ayos niya sa akin ang RP account niya na security check at kailangan ng I.d.

Unang napansin ko sa kanya dati ay ang pagiging papansin niya kaya para bang naiinis ako at hindi ko nalang papansinin. Pero habang tumatagal ang pag uusap namin ay naisip ko na ang cool pala niya, madaldal at hindi nauubusan ng kwento.

Isang araw ay may naghanap ng operator para sa isang story na kasali ako. Kailangan nila ng babaeng op para sa character ni Eirah Nicole. Hindi ako nag dalawang isip na ayain na sumali sa amin si Nicole umoo naman to ang problema nalang ay ang account na gagamitin niya.

At dahil sa mabait ako binigyan ko siya ng account na ginawa ko para kay Maja. Saglit lang naman ginamit ni Maja yon at ilang buwan na din niyang hindi nabubuksan. Sinubukan kong buksan iyon at ayos hindi niya pinalitan ng password. Agad ko namang binigay yon kay Nicole at sinabing linisin nalang niya.

Noong una'y ayaw pa niyang tanggapin dahil gusto niyang maayos ko yung rp account niya pero sa huli ay tinanggap din niya ito at pinalitan ng pangalan.

Dahil yata sa Data lang ang gamit niyang internet ay humingi siya ng picture ni IU na gagawin daw niyang port sa Eirah account niya. At dahil nga sa mabait ako at sobrang gwapo ko binigyan ko naman siya. Nga pala bestfriend ko na si cutie pattotie dito. Lol

Bawat araw na dumaraan lalo kaming nagiging close sa isat isa. Si Annika naman ay lagi ko pa ding kausap pero mas kinukulit ko na ngayon si Eirah.

Nag usap na din kami ni Eirah tungkol sa mga op namin. 17 palang daw siya at mag 18 palang sa september hindi rin siya nag aaral at tambay muna sa bahay.

Yung tingin ko sa kanya dati unti unti nagbabago napapansin ko na nagagandahan na ako sa kanya, nababaitan at kung ano ano pang katangian na gusto ko sa babae.

Isang araw inistalk ko ang op niya. Paano ko nalaman? Kasi tinanong ko siya kung ano ang pangalan ng op niya. Lol

Badtrip ako non kasi hindi ko akalain na ang bestfriend ko ay ganon pala kaganda. Nag nakaw ako ng mga pictures niya at isinave sa gallery ko. Ginawa ko pa ngang wallpaper yung isa at syempre hindi niya alam.

Pag naka ol ako sa fb ay lagi kong inistalk ang timeline ng operator niya kung may bago ba itong post na picture o kung ano mang status.

Siya nga pala ang pangalan ng op niya ay pepay. =D

*************
Tbc

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PXP Where stories live. Discover now