"Sana" One shot by Silver21
Sana mas maganda ako.
Sana mas matalino ako.
Sana mas matapang ako.
And the list goes on.
Sa dinami-dami ng SANA na iyan... ito lang naman ang pinakapinagsisisihan ko,
Sana hindi na lang ako nahulog sa iyo.
~~
I never meant to fall in love pero siguro masyado lang talagang pasaway etong si heart kaya naman ang pangako ko sa sarili ko na "Studies first before love", sinira.
Eh pano ba naman ako hindi mahuhulog sa iyo eh lagi mo na lang pinaramdam sakin na special ako.
Sana hindi na lang kita nakilala.
June 2012.
First day of school. Syempre, the usual tambay-with-friends-sa-tambayan ang agenda pagkapasok. Matagal tagal rin kasing hindi ngakakakita pero eto ako ngayon, mag-isa sa rooftop. Nagpapaka-emo. Senti? Pwede na rin.
Pano ba namang hindi ako magpapaka-emo/senti eh first day na first day BH ako.
Oo, Broken Hearted ako. Eh kasi naman yung long time crush ko, may ka-M.U. na pala. Well, actually, nililigawan na. Hay! Ang crush life nga naman.
I'm not over-reacting kasi crush lang naman pero... ikaw namang ipagtapat ang nararamdaman mo sa taong gusto mo tapos yun ang sasabihin sayo?!
"May ka-M.U. na kasi ako eh... and nililigawan ko na siya."
Yeah. That's his exact words. Sweet, right? *rolls eyes*
Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.
"Damn these tears!" sabi ko sabay punas sa mga luha ko.
Nakakarumi naman kasi. Bakit ba ako naiyak dahil sa lalaki na yun?! He's not even worth it!
[ Inserts song here ]
Napatingin ako dun sa kabilang side ng rooftop.
At talagang yan pa ang napili nilang patugtugin noh? A'a nang-aasar ba sila?!
Humarap na lang ako sa labas at inabsorb ang view. Hay.
Siguro nga pag BH ka, mas maiintindihan mo ang lyrics. Tamang-tama eh.
Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.
Hinayaan ko na lang, wala namang makakapansin sakin dito atsaka nakakapagod na rin kayang magpunas ng luha.
Tuloy-tuloy lang ang pagpatak ng mga luha ko habang naaalala ko yung mga bagay na ginawa sakin ni EX-crush. Ayoko na siyang pangalanan, nasasaktan pa rin kasi ako eh.
"Miss?"
Napalingon ako sa lalaking nagsalita.
Ano naman kayang kailangan nito? Kita namang nagdadrama yung tao eh.
"Heto oh." Inabutan niya ako ng panyo.
"Iiyak mo lang yan, Miss. Ilabas mo lahat. Hindi kasi mawawala yung mga nararamdaman mo kung tatahimik ka lang at magmumukmok jan. Isigaw mo lahat ng nararamdaman mo, promise makakatulong yon."
"Sumigaw? Ano ako engot?! May mga tao oh. Atsaka tanga na nga ako kasi nahulog ako sa taong nahulog na sa iba tapos magpapakaengot pa ba ako?!"
"Hindi naman sa ganon, Miss. Ang sa akin lang, mas maganda kung nilalabas yan. Sabi nga nila, numbing the pain for a while will only make it worse when you finally feel it. Atsaka di ka naman nila papansinin, sila nga nagpapatugtog. Hindi nila yan maririnig."