Ang ingay ingay sa bahay namin kaya naisipan kong lumabas at maglakad lakad nalang muna.
Ang Mama ko kasi , walang tigil kakadada. Sermon dito , sigaw doon . Nakakarindi!
Maya't maya pa utos :( Ewan ko ba , kung paano pa natitiis ng katulong namin ang ingay ni Mama.Buti pa sa kalsadang to , napakatahimik. :) Hindi ako familiar sa lugar na to pero ang sarap tumambay dito . Wala kasing nakatira dito , puro puno at mga halaman lang ang makikita mo . At ang fresh pa ng Hangin dito.
Sa sobrang tahimik dito siguro pati pagbagsak ng karayom maririnig mo pero may sumira rin ng katahimikan na yun. Yun ang ang ringtone ng Cellphone ko .May tatlong bibe akong nakita , mataba mapayat , mga Bibe .
Ngunit ang pakpak sa likod ay iisa . Sya ang lider na nagsabi ng kwak kwak , kwak kwak kwak. . . . .Si mama tumatawag , sinagot ko ito.
Hello, ma - ako
O,Red! Nasan ka ba? Gumagala ka na naman bang bata ka?! Umuwi kana , kailangan ka namin dito sa bahay . Bilisan mo! Dapat in 5 minutes nasa bahay kana. - MamaSee? Yan ang mama ko :(
Sige po ma. - Ako
Bilisan mo ah. Nalilintikan ka talaga sakin Red. - Mama
Opo , uuwi na po - Ako
(Haha. Napilitan?)
At pinatay ko na yung tawag.Hay, sa tingin mo ba ? Sa narinig ko , uuwi na ko . Shempre, naawa rin naman ako sa tenga ko :D konting space para sa tenga ko , gusto mapag isa e . HAHAHAHHAHAAHH XD
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at ang layo na ng narating ng paa ko .
Pero wait . . . totoo ba tong nakikita?
Sa sobrang gulat ko , nanlaki ang mata ko O.O May isang lalaki ang nakaluhod , nakagapos at mukhang bugbog sarado at nakapalibutan siya ng mga armadong tao .Lumapit pa ako ng kaunti para malaman ko kung anong nangyayari. Nagtago ako sa mga puno't mga halaman doon .
Nakaramdam ako ng awa para dun sa lalaki , gusto ko siyang tulungan. Pero Paano? E. Isa lang naman akong batang babae , batang babae na 10 years old lang :( Di din ako makakahingi ng tulong kasi walang katao tao dito.
Naisip ko nalang na kuhaan sila ng Video para kung sakali maging ebidensya ito at mabigyan siya ng hustisya.
Di ko sila maintindihan. Ang alam ko usapang illegal drugs yun at may narinig pa kong Murdered case.
Pagkatapos ng ilang minuto na usapan nila , bigla nalang binaril ng isa yung lalaki sa ulo . Nagulat ako sa putok.
AH! O.O - nagulat ako
Napalakas ata yung "Ah!" Ko kaya narinig nila iyon .
Sino yun? -tanong nila
Omygod! natakot na ko kaya tumakbo na ko . Sobrang bilis ng takbo ko ,mas mabilis pa sa mabilis. Nung tumakbo na ko dun nila ako nakita , hinabol nila ako at pinagbabaril . Sa t'wing puputok yung baril nanginginig ang buong katawan ko kasi alam ko na ako yung target nila ;(
Jusko ,lord . Napakabata ko pa po para mamatay . Marami pa po akong pangarap sa buhay , tulungan niyo po ako . - dasal ko
At sa awa ng diyos tinulungan niya ko . Maasahan talaga sya sa oras na kailangan mo sya.
May napadaan na nagmomotor. Pinahinto ko sya .
Kuya, tulong po . May humahabol po sakin . Parang awa niyo na po , papatayin nila ako - Ako
Natataranta na ko . Nung narinig ni kuya ang isa pang putok ng baril , pinasakay na niya ako at humarorot sya.
Sino ba sila , bata? -tanong niya
Hindi ko din po kilala. Nakita ko lang po sila nung pinatay nila yung lalaki-Ako
Pinatay?- sabi nya
Mukha rin siyang nagulat.
Opo. Kaya ako naman po target nila .- Ako
Gusto mo ireport natin sa Pulis? - suggest niya
Wag na po. Mas manganganib lang po ako .Mga malalaking tao at mataas ang posisyon nila sa lipunan. - Tanggi ko
Sigurado ka talaga? Ikaw ang bahala. Hatid nalang kita sa bahay niyo -sabi nya sa akin
Ay, wag napo . Dyan nalang po sa kanto. Malapit naman na po kami dito e - Ako
Sigurado ka bata? Baka mapahamak ka dyan - nag aalala pa rin sya.
Wala na po sila . kaya ok na po ako . Salamat po - AkoTinabi niya yung motor niya at binaba na ako.
Kuya, salamat po ulit :) utang ko po sa inyo ang buhay ko - ako
Wala yun bata, umuwi kana. Ingat ka - kuya
Opo- ako
At tumakbo na ko pauwi.Sa bahay, laking pasalamat ko at wala si mama sa bahay noong narating ako .
Sobrang nakakapagod ang araw na to at kahit wala na yung mga Stranger na yun may kaba at takot pa din sa puso ko :(
Marami na ring nabubuong katanungan sa isipan ko.
Magsusumbong ba ako sa pulis? What if kasabwat din nila ang pulis ? Paano pagnkita na nila ako? Papatayin ba nila ako ?
Roar, sakit sa utak mag isip.
Naisipan ko ring itago sa secret place nmin ni daddy yung cellphone ko.
At humiga na ko sa kama ko.
Kaso kakahiga ko palang sa kama ko may another Stranger na naman ang dumating , at sa bintana pa dumaan .
Ano ba to. PAGOD na ko!Napatakbo ako sa malapit sa pintuan para kunin ang walis .
Sino ka? Magnanakaw ka noh? - ako
No, hindi ako magnanakaw- sabi niya
Bakit ka nandito? Bakit ka nasa kwarto ko? Akyat bahay ka! - ako
Napapalakas na yung boses ko.
Shhhhhhh - sabi niya
Kung hindi ka aalis , sisigaw ako - banta ko sa kanya
Wag Red, please - pakiusap nyaWhat? Alam niya pangalan ko? Pero paano?
Hindi kalang akyat bahay , stalker ka pa ? Sino ka ba talaga? - ako
Red , listen. Im agent John at nandito ako para sayo. -Agent JohnWOW! Nandito sya para sakin ?! Ano siya Superheroo?
agent? Nasa Pelikula ba ko ? Bakit may Agent dito? - ako
Red , tama na ang biruan . Nanganganib ang buhay mo - Agent John
Alam ko ..... Wait , What? nanganganib buhay ko ?- Nagulat ako
Oo , kaya sumama ka na sakin. -Agent John
Paano kung kasabwat din sya ? paano kung kasama siya sa mga papatay sakin ?
Paano ako makakasigurado na hindi ka nila kasama ? Mahirap nang magtiwala ngayon lalo nat sinabi mo na maraming naghahanap sakin para patayin ako - Ako
May kinakausap sya pero hindi ako .
Ah. Sige sige - Agent John
Sino bang kausap mo ? - Ako
Makinig ka , Wala na kong oras para makipag usap sayo . Mamaya ko na eexplain ang lahat , pero ngayon dapat makaalis na tayo dito kasi in 15 secs. nandito na sila - Agent John
Paano ang Pamilya ko ? Shempre , hindi ako aalis ng wala sila - ako
Mas ligtas sila pagwala ka dito -Agent John
Narinig na namin na may nagdoorbell hudyat na nandyan na sila .
Let's Go - Agent John
Nagtiwala nalang ako sa kanya , kahit hindi ko pa sya lubusang kilala . Kahit walang kasiguraduhan kung mabait ba talaga sya o isa sya sa mga papatay sakin.
Dumaan kami sa Likod ng bahay namin at sumakay sa isang Van .
Sa loob , apat sila doon plus si Agent John .
Isang babae at apat silang lalaki , mukha silang tuwang tuwa .
Good Job Agent John - Papuri ng isa pang kasama nila
Umalis na kami . At sa sobrang pagod nakatulog ako sa byahe .
BINABASA MO ANG
Behind Disguy
RandomNaranasan mo na bang pumili? Paano kung papiliin ka ?, kung ang sarili mong kaligayahan at karapatan mong magmahal? O kabutihan para sa nakararami? Ano kayang pipiliin mo? Sagutan at basahin ang story.Tignan natin kung Mababago ang answer mo. Nakak...