Prologue

13 0 0
                                    

"Dusk! Dawn! Ano bang ginagawa n'yo diyang dalawa sa ulanan ha'ne? Jusko, mapapagalitan na naman kayo ng papa ninyo." sabi ng mayordoma ng pamilya la Rue. "Alam naman ninyo na masyadong mahigpit ang ama ninyo sa kalusugan ninyo. Kayo talagang dalawa, oh."

"Nanang Bebe, si Ate Dawn kasi! Sabi ko sa kanya wag na kaming maglaro sa ulanan kasi magkakasakit kami, kaya lang sabi niya namimiss na niya daw na maglaro sa ulanan, eh." sabi ng batang si Dusk.

"Namimiss ko lang naman si mama, eh! Kaya ko nagpaulan. Sabi mo namimiss mo din si mama kaya ka sumama sa akin." nangangatwirang sabi ng batang si Dawn.

"Namimiss ko din naman si mama. Simula ng magkasakit si mama, hindi na tayo nakapaglaro sa ulan." nakalabing sabi ni Dusk

"Oh, siya. Sige na, hindi ko na kayo isusumbong sa papa niyo. Maligo na kayo ng maayos, ha? Ihahanda ko na ang miryenda ninyo."

Then the two ran up the stairs to go to their bedroom. to clean up.

Isang taon na ang nakalipas nang ma-diagnosed na may malalang sakit si Margarita la Rue, and ina ng kambal na sina Alessandra Dawn at Alessandra Dusk at asawa ni Antonio la Rue. Bigla na lang inatake sa puso ang butihing ina ng kambal. Napag-alaman ng pamilya na may itinatagong sakit sa puso ang ina. Maaagapan pa sana ito kung hindi lang itinago ni Margarita ang sakit nito. Lumala pa nang ipinagbuntis niya ang kambal. Hanggang sa isang araw, ay bigla na lang itong hinimatay. And when they rushed her to the hospital, they found out that Margarita has heart ailment. And it has been too late to have it cured. One fatal heart attack and Margarita will die.

A month later..

"Nana Bebe! tumawag kayo ng ambulansya! Si Margarita! Bilisan ninyo!" Biglang sigaw ni Señor Antonio.

"Antonio, anong nangyari!?" ang tanong ng ninenerbiyos na si Nana Bebe.

"Bigla na lamang hinimatay si Margarita! mas mabuti pa na tawagin niyo na lang si Mang Nestor, at ipahanda ang sasakyan! Paki-bilisan ho, Nana!"

Nadala naman ng maayos si Margarita sa ospital ngunit kailangang ma-confine ito para ma-monitor ang lagay nito ayon sa doktor na tumingin dito. Kinabukasan, dumalaw ang kambal sa kanilang ina kasama ang mayordoma.

"Papa, magtatagal po ba si mama dito sa ospital?" tanong ni Dawn.

"Gusto na po namin makasama ulit si mama. Promise, papa, we'll be good girls from now on!" tinaas pa ni Dusk and kanang kamay para mapatunayang nangangako sila sa ama ng pagpapakabait.

Nilapitan ni Antonio ang dalawang bata at niyakap ng mahigpit habang sinasabing, "Hindi pa sigurado kung hanggang kailan si mama dito, kailangan kasing mabantayan ng maayos si mama para gumaling siya agad." Ngunit alam ni Antonio na malapit nang mawala sa kaniya ang pinakamamahal. "Oh sige, lumabas muna kayo, at isama ninyo si Nana Bebe, bumili muna kayo ng food na gusto ninyo, pagkatapos ay uuwi na tayo. Babalik na lang ako dito pagkakuha ng ng mga kakailanganin ng mama ninyo, ha?"

Magkahawak-kamay na lumabas ang kambal sa kwarto ng nanay nila kasama si Nana Bebe, hanggang sa mapadaan sila sa isang silid na may batang nakahiga sa kama. Napansin ito ni Dusk at nilapitan ng hindi namamalayan ni Dawn na napabitiw na si Dusk sa hawak niya.

"Hi! Anong ginagawa mo dito? May sakit ka? " tanong ni Dusk.

"Oo, may sakit ako, dengue daw sabi ng doktor." malungkot na sabi ng bata.

"Ah, but why are you alone? Where's your mommy and daddy?"

"They just went to the doctor to ask if I can go home." sabi ng batang lalaki.

"Don't be sad na, here, I'll give my bracelet, bigay ni papa 'to sa'kin para 'pag malungkot daw ako, hawakan ko lang ito. Sige na, kunin mo na." nakangiting sabi ni Dusk. Habang iniaabot ang bracelet na parang mini rosary.

"Thank you! My name is River! Ikaw? What's your name?"

"I'm---"

"Dusk! Kanina pa kita hinahanap! Halika na." sabi ni Nana Bebe nang matagpuan siya nito.

"Oh, sige na, mag-iingat ka, saka wag ka na sad! Papangit ka, sige! Ba-bye na!" panakot pa ni Dusk.

'Ang cute niyang bata. Sana makita pa kita ulit' sa loob-loob ni River habang pinagmamasdan ang pag alis ni Dusk.

An Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon