MARILE'S POV
Okay ... pasukan nanaman , tapos na nag sembreak ... wooohooo! .. bilis ng araw noh! , .. iashh .. yun nga klang makikita ko nanaman sya .. pero ang pinagtataka ko lang eh simula nung nakipaghiwalay sya sa akin , hindi na sya pumasok ... ano kayang nangyare doon?? Pumasok na ako sa room at naupo na sa pwesto ko at sakto namang dumating yung teacher namen..
" good morning class" mam. yumul
" good morning mam" sabay sabay na sabi namin
" okay take youre sit " umupo naman kaming lahat , teacher eh kailangan sundin .. dabah! " as you can see , hanggang ngayon wala si Mr. Manlapaz right" tumango naman kaming lahat , actually mam yan din ang gusto kong malaman , buti at sasabihin nyo kung bakit " nasa Hospital kasi ito , 1 month na syang naka confine " mam yumul .. w-what confine??
" mam. bakit po? ano po bang sakit nya??" judy ann
" oo nga mam " lianna , at nag ingay na ang mga kaklase ko , bulungan dito , doon at kahit saang sulok ng room ...
" okay! okay! , he had a brain tumor " mam yumul
" what??" sigaw nung mga kaklase ko pero ako O-O ganito itchura ko , napatrayo naman akong bigla sa kinatatayuan ko
" may problema ba miss pascual ?" tanong sakin ni mam yumul
" m--mam saan pong hospital " tanong ko , habang nangingilid na ang luha ko sa mata ko
" sa *-------------* hospita , bakit miss pascual ?" mam yumul
" mam .... can you please excuse me " sabi ko sabay takbo palabas ng room , naririnig ko pa ngang tiatawag ako nung teacher ko , pero hindi ko na ito pinakinggan , kailangan kong puntahan si Ian , Kailangan nya ako ngayon .. kailangan ako ni ian ....
nang makarating ako sa harap ng gate , palabas na sana ako kaso hinarangan ako ni manong guard
" miss saan ka pupunta?" manong guard
" kuya please palabasin nyo na po ako , emergency lang po " maluha luha na sabi ko
" sorry miss pero hindi pwede" manong guard
" kuya , sige na po " pagmamakaawa ko dito , pero wa effect ata
" pasensya na miss , hindi talaga pwepwede , kung maari bumalik ka na sa klase mo at hintayin mo nalang ang uwian " manong guard ... bwisit di nalang ako palabasin . sabi ng emergency eh ..
Umalis naman ako sa gate , pero hindi ako bumalik ng room , kailangan kong makapunta sa hospital ... nagisip ako ng paraan kung pano ako makakalis dito ... ang naisip ko ay mag over pass nalang ako , tutal medyo mababaw lang ang pader ... sinimulan ko na itong akyatin , medyo mahirap kasi babae ako , pero kinaya ko ... ng maka over pass na ako .. pumara agad ako ng tricycle .. at sinabi ito kaagad kung saan nya ako ihhatid ... agad naman nyaitong pina andar , dahil sabi ko sa kanya , nagmamadali ako ..... Ilang minuto lang ang nakalipas naroon na nga kami sa nasabing hospital ...
" manong bayad po oh , salamat po " sabay abot ko ng bayad ...
nagmadali naman akong pumasok sa hospital at dumaretso sa pinagtatambayan ng mga nurse ditto ,, sensya na diko alam tawag doon
" miss pwede po bang magtanong?" nag nod naman yung nurse " saan pong room si Ian Manlapaz?" ako
" ano po kayo ng pasyente?" nurse