Broken

17 1 0
                                    

"Mahal kita." sabi ko habang kaharap sya.

matagal ko na syang mahal for almost 2 years na. ganito kasi yun. let's start from the very beginning of this tragic love story.

June 7, 2012

pasukan nung mga panahong iyon. ng makarating sa room namin. nakaupo na katabi ang mga dating kaibigan nang bigla ko syang mapansin. kakwentuhan nya yung mga kaibigan niya. 

1st Period: Homeroom

nagpakilala ang bawat isa at ng malaman ko yung pangalan nya, mas lalo akong nagwapuhan sa kanya. pangalan niya ay si Darrel Rodriguez. siya'y chinito, nakasalamin, matangkad, payat. nagpakilala ako. 

"Hi, my name is Hayley Gutierrez, 13 years old."

di ko kayang pigilan yung sarili ko. palagi ko syang tinititigan. gumawa ng paraan para makausap ko sya. nagkatuwaan hanggang sa naging close na kami.

di ko parin sinasabi na may gusto ako sa kanya. at hanggang sa December na. naging close kami lalo dahil may project sa biology at kami ang magkapartner. 

then nung December 17, 2012 tinanong ko sya. "ui. Darrel, Sino gusto mo?" tanong ko.

"Ehh ikaw, sino muna bang gusto mo?" tanong niya rin.

"ehh, ikaw muna. sino nga?" tanong ko.

"ehh. mauna ka muna." sabi nya.

"sige na nga, mamaya ko nalang sasabihin sayo." bigla kong sagot.

"sige." sabi nya.

nakauwi na kami di ko parin sinasabi sa kanya na crush ko sya. hanggang sa chinat nya ako sa facebook.

"ui, ano na? sino ba crush mo?" 

"ikaw. Ehh ikaw? sino naman sayo?"

"ako? hahaha. bat ako?"

"mabait ka ehh.. tska bonus na yung pagkapogi mo. teka di mo pa sinasagot yung tanong ko ahh."

"ahhh si Katryn."

"ahhh... nice one! ui may gagawin lang ako."

"sige."

at dun nanlumo ako ng malaman kong ibang tao yung gusto nya. at nagpatuloy yun hanggang 3rd year na kami. at dun na ako nagconfess na mahal ko siya. pero di nya ako gusto at dun nagpakalayo nalang ako at hindi ko na sya kinamusta pa. at wala na akong narinig na balita sa kanya mula noon.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon