WHEN A RICH GIRL FALL IN LOVE
Shane- mayaman, maganda, mataba. Parating malungkot mayaman nga pero hindi naman sya Masaya ang iba sinasabi nila na maswerte sya dahil mayaman siya. Pero di nila alam na kahit na mayaman eto ay hindi sya Masaya. Walang ibang hiniling kundi ang maging Masaya ang pamilya niya at ipagmalaki rin sya. Matuwa ang kanyang mama at sabihin sa lahat na anak ko to.
Nong bata pa sya ay mag isa na walang kaibigan. Dahil ayaw ng mama nya pero kahit na ganon hindi parin sya galit sa mama nya. Isang araw habang nakaupo siya sa sulok ng kanilang room ay may biglang lumapit sa kanya at sinabing "bata bat mag isa ka lang at ang lungkot mo" hindi niya ito pinansin pero hindi sumuko ang batang lalaki. Parati niya etong linalapitan at inaasar. Hanggang sa hindi nagtagal ay naging mag kaibigan sila at hindi nagtagal ay naging matalik na magkaibigan sila. Parati silang magkasama at simula non ay lagi nang Masaya si shane. Nang sa batang yon ay natutong makisama si shane hindi na sya nakaupo sa isang sulok at parati narin etong nakikipagusap sa iba. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nag bago ang lahat kung ano noon si shane ay bumalik eto ay simula na nong namayapa ang kanyang kaibigan. Kahit na bata pa si shane ay alam na nyang gusto niya ang kaibigan nya hindi bilang kaibigan kundi bilang ka ibigan. Lumipas ang dalawang taon may nakilala ulit si shane naging kaibigan nya rin eto o naging bestfriend nya eto pero hindi parin gaanong nakikipag usap si shane. Nangarap silang dalawa halos hindi mo na nga sila mapaghiwalay dahil sa subrang ka closan nila. Wala silang pakialam sa iba tanging mundo lang nila ang pinapakialaman nila. Dumating non ang summer at naghiwalay silang dalawa. Ngunit hindi nagtagal ay pasukan na naman sobrang excited non si shane dahil makikita nya ang kaibigan nya. Ngunit ang inaakala nya na sila ay magiging magkaklase ay nabigo. Dahilnapunta sa ibang section ang kaibigan nya. May isang babae ang lumapit sa kanya at nakipagkaibigan. Tinanggap nya eto pero hindi nagtagal ay nalaman nya na pera lang pala ang habol neto kaya don sya nagalit. Nasa kalagitnaan sila ng 2nd quarter nong pinalipat sya at don ay nakilala nya ang pangatlo niyang kaibigan siya ay si justin. Naging magkaibigan sila ni justin sa loob ng 4 taon. Sa loob ng 4 na taon nayon ay sobra nilang saya at close. minsan sa sobra nilang close ay inaasar sila ng mga kaklase nila. Grade 5 sila non nagdadalaga na si shane at nagbibinata narin alam nila kung anong tama sa hindi tama. At may kanya kanya na silang barkada pero hindi parin nila nakakalimutan ang pagkakaibigan nila. Grade 5 rin nong inamin ni justin na may gusto siya kay shane pero hindi alam ni shane ang sasabihin nya. Kaya simula non ay medyo dumistansya si justin. Closing na non nang maisipan ng kanilang mga kaklase na maglaro ng spin the bottle bawal ang tumanggi kaya lahat sila ay kasali. Sinimulan nila ang pag ikot ng bote nong una tumapat sa kaibigan ni justin ang bote kay alex. Hanggang sa lima nalang ang hindi pa natatamaan ng bote aalis n asana si shane pero biglang tumapat sa kanya ang bote. Nagulat siya nong una pero bumalik rin ulit sa katinuan tinanong siya kung truth or dare ang sagot niya ay truth. Ang nagtanong ay si alex at ang tanong nya ay gusto mo ba si justin hindi sinasadyang nasabi niya na hindi nya eto gusto. Ngunit para sa kanya ay isang malaking pagkakamali yon dahil nasaktan sya sa sinabi ni justin na hindi rin sya neto gusto at hanngang kaibigan lang daw. Umuwing malungkot si shane dahil sa sinabi ni justin. Buong summer ay malungkot si shane. Hindi nagtagal ay grade six na sila napunta sa star apple si justin habang sa kabilang room naman si shane don nagsimula ang lahat at don niya rin na pagtanto na gusting gusto nya si justin pero huli na ang lahat. Hindi tumagal ang panahon ay nasa highschool na sila. First day of school nya sa ELITE ACADEMY at nasa 3rd yr. highschool na sya. Habang naglalakad sya sa hallway ay naka salubong nya ang kanyang kaibigan na si mich. Naglalakad sila ng biglang Makita si justin na may kausap na babae at para bang sobrang saya nila sobra siyang nasaktan. Dahil iniisip niya na kung sinabi ba nya yung nararamdaman nya non ay sila ba ang nag uusap ngayon at hindi ibang babae. Pagkatpos ng nangyaring yun ay napagdesisyunan ni shane na itigil na ang nararamdaman nya para kay justin. Ngunit hindi pa nakakadalawang lingo nang kanyang pagmomove on ay si justin na naman ang lumalapit sa kanya.