Lights

19 1 0
                                    

"Hindi ka ba talaga sasama?" Tanong ko kay Anne habang nagsusuot ng sapatos.

Inaaya ko kasi siyang mag-bar. Parang selebrasyon na rin dahil kaka-graduate lang namin ng kolehiyo.

"Ayoko. Tinatamad ako," aniya sabay talukbong ng kumot.

"Magiging masaya 'to. Promise!"

Sinusubukan kong tanggalin ang kumot niya ngunit mahigpit ang pagkakawak niya sa tela.

"Ayoko nga, kayo na lang."

Minsan talaga ang lakas maka-KJ nitong bestfriend ko. Bahala na nga, ako na lang pupunta mag-isa.

"Fine! Pupunta na ako. Make sure to lock all the doors, okay?" Lumapit ako sa bestfriend ko para halikan ang ulo niya kahit na may harang na kumot.

"Take care, Gel," sabi niya sa malumanay na boses.

Sumalubong sa akin ang nakakasilaw na ilaw ng disco lights at ang malakas na tugtog ng music pagkapasok ko sa bar. Since it's already 11pm, medyo marami na ring tao sa dancefloor.

Hinanap naman agad ng mata ko ang mga blockmates ko. Nakapwesto sila sa gitna ng mga tables. Lumapit agad ako sa kanila.

May tama na rin ng alak ang ibang kasama ko kahit na hindi pa naghahatinggabi. Ang wild na rin nilang sumayaw. Siguro maagang dumating ang mga 'to kanina.

Habang iniinom ko ang vodkang hawak ko, may biglang humila sa aking lalaki na sa tingin ko ay school mate ko patungong dancefloor. Hindi na ako umangal at nakipagsayaw na lamang.

Maya-maya pa, naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Nag-text pala si Anne. In-excuse ko muna ang sarili ko sa kasayaw at bumalik sa mesa namin.

From: Anne
.

Okay? Anong trip nitong si bessy? Anong mayroon sa tuldok?

Ah, siguro gusto niya lang pumunta dito. Sabi ko na nga ba, hindi niya talaga matiis na mag-isa lang sa apartment.

Nireplayan ko siya ng address ng bar, baka sakaling magbago ang isip niya. Sumimsim muna ako ng alak bago tuluyang bumalik sa dancefloor.

Puno ng tawanan at sigawan ang dancefloor dahil na rin siguro sa mga blockmates kong medyo tinamaan na ng alak. Ako rin mismo ay nakaramdam na rin ng hilo pero binabalewala ko lang iyon.

Nang nag-change ng love song ang tugtog, bumalik kami sa table namin at nagpaiwan ang mga mag syota sa dancefloor. Panay inom at kwentuhan lang kami sa booth na kinauupuan namin.

Nag-vibrate ulit ang phone ko, panibagong mensahe na naman.

From: Anne
.

Kahit na umaalon na ang paningin ko, klarong-klaro ko pa rin ang message ng kaibigan kong tuldok lang ang laman.

Teka, pangalawang text na niya to, ah? Lakas talaga ng trip ng babaeng 'to. Don't tell me hindi niya alam ang address na binigay ko? O naliligaw siya?

Gusto ko mang mag-reply sa kanya, hindi ko na magawa dahil wala na ako sa tamang huwisyo. Wala ring silbi kung tatawag ako dahil hindi ko rin naman siya maririnig dahil sa lakas ng tugtog dito sa loob.

Balik ulit kami sa pag iinom at pagkukwentuhan. Ang ibang kasama ko ay nagme-make out na sa sulok. Kahit malakas ang volume ng music, rinig ko pa rin ang mga ungol nila.

"Go get a room, guys!" Inis na sigaw ko sa kanila. Tinawanan lang nila ako.

Sana sinama ko na lang ang boyfriend ko, masyado akong na-OP sa mga 'to. Tss.

May mga umalis sa grupo at umuwi na nang lumipas ang ilang oras. Ang iba na man ay tinapos ang mga ginagawa nila kanina. Ang iba ay lumipat ng bar, magsasaya pa raw sila.

Ilang minuto pa ang nilagi namin doon bago napagpasyahang magsiuwian na rin.

"Hatid ka na namin, Gel." Pagpresenta ni Jessica, blockmate ko.

Tumango ako, "sige ba."

Good thing at nagpresentang ihahatid ako nila Jessica dahil alam kong hindi na ako makakasakay ng taxi sa lagay kong 'to. Hilong-hilo na ako at anumang oras pwede na akong bumagsak.

Habang nasa daan kami pauwi, halos makatulog na ako sa loob ng sasakyan dahil sa kalasingan. Dahil hindi naman medyo malayo ang apartment namin sa bar, nakauwi rin ako agad.

Nagpasalamat naman ako kina Jessica sa paghatid sa akin at tuluyan ng pumasok ng apartment. Ngunit natigilan ako nang tumambad sa aking harapan ang nakabukas nang pintuan.

"Sinabi kong magsarado ng pinto. Kahit kailan talaga 'tong si Anne!"

Hindi ko na lang pinagtuunan ng pinansin at sinarado na lang ang pintuan. Gusto ko ng mahiga.

Napadaan ako sa kwarto ng aking kaibigan na medyo nakaawang ang pintuan. Lumapit ako ng kaunti para silipin kung ano ang ginagawa niya. Pero dahil naka-off ang ilaw, wala akong nakita. Medyo naririnig ko ang ungol niya sa loob.

Hah! Kaya pala hindi sumama 'tong si bessy sa bar kanina kasi may gagawin sila ng boyfriend niya.

Hindi ko mapigilang hindi humagikhik. Talagang hindi pa sinara ang pinto, ah?

Nilagpasan ko na lang sila at tuluyan ng pumanhik sa aking kwarto.

Kinabukasan..

Tinanghali ako ng gising kinaumagahan. Sobrang sakit ng ulo ko.

Hangover really sucks!

Naghilamos muna ako bago tuluyang pumunta sa kusina. Napansin kong wala pang pagkain sa mesa kaya napagpasyahan kong magluto na lang.

Siguro hindi pa nagigising si Anne.. isip ko.

Naalala ko na naman ang narinig ko kagabi. Napailing na lang ako at nagpatuloy na lamang sa pagluluto.

Agad akong natakam sa pagkain na niluluto ko. Kumalam agad ang aking tiyan dahil sa gutom na naramdaman, nagtungo ako sa kwarto ng aking kaibigan para ayain siyang kumain.

"Bes? Gising na! Kakain na tayo!" Sigaw ko sabay katok pa sa nakasarado nang pinto niya.

Walang sumagot.

Inulit ko pa ang pagsigaw at pagkatok pero wala paring sumasagot. Pinagod ata 'to masyado kagabi ng boyfriend niya kaya ang tagal nagising.

Nang sumakit na ang kamay ko sa kakakatok sa pintuan niya, binuksan ko na lang ito. Buti na lang at hindi ito naka-lock.

"Bes, kain-" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang bestfriend kong nakahandusay sa sariling kama.. punong-puno ng dugo.

Halos mapuno ng hiwa ang katawan niya at tila hindi na matukoy ang mga ito.

Parang ayaw ma-proseso ng utak ko ang nakikita ko ngayon. Nanginig ang kalamnan at tuhod ko. Nanlalamig na rin ang kamay ko.

Ang sang-sang ng amoy at halos nakikita ko na ang mga lamang loob ng kaibigan ko. Gusto kong masuka sa nakita. Parang isang hayop na walang awang pinaghihiwa ang buong katawan.

Napatakip ako ng bibig.

Natuon ang atensyon ko sa dalawang mensahe na nakasulat sa pader. Mas lalong tumindi ang mga emosyong nararamdaman ko.

"NATANGGAP MO BA ANG TEXT NG BESTFRIEND MO?"

"HINDI KA BA MASAYA NA HINDI MO BINUKSAN ANG ILAW KAGABI? :)"

Hindi ko mapigilang mapaluhod at umiyak na lang.

LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon