Andito na kami ni mama sa Ayala. Medyo kinakabahan ako ngayon dahil parang may mangyayari na hindi maganda.
*beep* *beep*
Pagtingin ko sa aking cellphone ay nakita ko na agad ang pangalan ni Blake.
From: B <3
"Hi B! Nag start na yung game!"
"Goodluck B!!"
"Andito sina Bryan :)"
"Kamusta sila?"
"Grabe sila lang yung may kamusta?"
"Edi kamusta din sa'yo"
"Wag na."
Ba't ganon? May nasabi ba akong hindi maganda? Bigla nalang syang naging cold :(
Sa kalagitnaan ng aming pinapanood na movie ay nag vibrate na naman yung phone ko. Parang ayaw kong basahin dahil may kutob ako na hindi yun maganda.
Binasa ko nalang yung text dahil baka importante yun' subalit bigla nalang akong naluha sa akong nabasa.
From: B <3
I'm sorry Kiara but I am breaking up with you. I realized that, you're too young. Kasing edad mo lang yung sister ko at parang nandidiri ako dahil na iimagine ko yung kapatid ko sa'yo. Sorry Kiara, I'm so sorry. You dont know anything about love because you are too young.
Na-iyak ako bigla kaya na curious agad yung mama ko kung bakit eh nakakatawa naman nung Pixels. Ang sakit lng sabihin na ang tao na minahal mo ng sobra sa loob ng 2 weeks ay sinabihan kang nandidiri sya sa'yo dahil kasing edad lng kami ng kapatid nya.
Nag shopping nalang ako pagkatapos ng movie. Bahala sya. Choice nya yun. Pero hindi ko pa rin maiwasang umiyak. Ang sakit kase eh, naging loyal ka at minahal mo ng sobra tapos yan lang ipapalit sa'yo? ano yang pag-ibig ko para sa'yo? Joke?
-------
Twitter: Jaydeeunicorn :)
Insta: Jaydeeunicorn

BINABASA MO ANG
Wrong Time, Right Love
Teen FictionIs it good to follow your heart? or is it better to follow your parents?