Pagsuko

0 0 0
                                        

Lahat aking ginawa upang ikaw ay makapiling.
Subalit damdamin ata natin ay hindi diringgin.
Isang pader ang saatin ay ipinagitan.
Ngayon, paano na kita mahahawakan?
Ikaw ay inagaw nila saakin.
Nasasaktan ang aking damdamin.
Umaasa pa akong lahat ay magbabago.
Masisilayan kong muli ang mukha mo.
Subalit nagkamali ata ako.
Pagkat lalo ka lamang nila inilayo.
Paano pa kita masasamahan?
Paano pa kita ipaglalaban?
Kung sa iba ay maligaya kana?
At alam ng iba'y masaya kana?
Sagot ko nalang ay Pagsuko.
At ipapanalangin nalang ang mga kasiyahan mo.
Sana'y hwag ka nila pabayaan.
Pagkat pag nalaman kong ikay nasaktan,
Tandaan mo, muli akong lalaban.

-Balagtasan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fallen Angel's TestimonyWhere stories live. Discover now