Chapter 1: The Creation Part 1

40 2 0
                                    

"Vannn! Gumising ka na ano ba?!", Kinalabog ni Mae ang pintuan ng kwarto ni Van at ito'y nasira.

"Tsk. Gumamit ka na naman ng Magic mo", angal ni Van. Dumapa si Van at nagtaklob sa ilalim ng kumot at natulog ulit.

Pinalutang ni Mae si Van sa ere at binalibag ni Mae si Van sa pader na bakal ng kanyang kwarto. Ngunit ito ay hinarangan ng isang malambot na itim na ulap na bumalot sa katawan ni Van upang hindi masaktan. Gumanti si Van kay Mae at binalibag siya ng isang Nuclear Bomb. Nilagyan ng shield ni Mae ang nuclear bomb ng mga feathers na bumalot sa nuclear bomb hanggang sa ito'y sumabog na walang nasaktan sa kanila o kahit anong daplis sa kanilang bahay at sa kanilang katawan.

"Kahit kailan ka talaga oo! Errr!", umalis si Mae sa kwarto ni Van habang umuusok ang kanyang ilong. Nagluto na lang ulit si Mae ng kanilang umagahan sa kusina nilang akala mong hindi pa nagagamit nang kahit sino man.

Sinundan ni Van si Mae pababa ng hagdan patungo sa kanilang kusina. Niyakap ni Van si Mae mula sa likod at inamoy ang kanyang mabango at mahabang na buhok.

"Hindi ka naman mabiro, alam mo namang hindi kita kayang tiisin", pinisil ni Van ang kanang pisngi ni Van. Dapat at tutusukin ni Mae si Van ng Air Knife ngunit napigilan niya ito. "Sorry na kasi, hindi na mauulit promise", lambing ni Van at niyakap ng mahigpit si Mae

"Palagi ko na lang yan naririnig mula sayo. Wala namang bago", reklamo ni Mae habang nagluluto at hinayaan niya si Van na nakayakap sa kanya.

"Haha sorry na po", hinalikan ni Van si Mae sa pisngi at umupo na sa upuan sa Dining Area. Nagtimpla siya ng dalawang kape habang hinihintay matapos ni Van si Mae na maluto ang kanilang umagahan.

"Magbihis ka nga, nakaboxer ka na naman", sinabi ni Mae at nalingon si Van sa kanya. Palibhasa ba naman ay kita ang 8 pack abs ng loko. Maputi pa at Pang-God level talaga ang kagwapuhan. Ang buhok naman niya ay kulay itim at bagay pa sa kanya.

"Lintek naman oo", pabulong na sinabi ni Mae habang namumula

"Sexy mo talaga babe! Magbibihis na po ako", umalis si Van sa Dining Area at pumunfa sa kanyang kwarto upang magbihis. Nairita at namula ng todo si Mae sa kanyang narinig habang inaayos na ang hapag kainan.

"H'wag mo akong ma-babe-babe diyan! Patilapon kita diyan eh!"

After some minutes, dumating na si Van at kumain na silang dalawa. Habang kumakain ay hindi na napigilan ni Van na mapatitig kay Mae. Siya lang kasi ang dahilan kung bakit pa siya naririto. Siya ay dahilan kung bakit buhay siya, kung bakit hindi siya nag-iisa sa mundong ito. Nagpapasalamat siya na may kasama siya habang buhay at hindi niya iiwanan ang babaeng ito.

Ganda mo talaga shit.

Sinabi niya sa kanyang sarili. Paano ba naman ay kagaya niya, Pang-Goddess Level din ang kanyang kagandahan, makinis, maputi, mahaba ang buhok, kulay brown ang kanyang mata at buhok. Sino ba naman ang hindi mamamangha sa kanyang kagandahan?

"Van"

"Hmm?"

"Paano kaya kung gumawa tayo ng ibang magic?", nakapangalumbaba si Mae habang nag-iisip at sinasabi ito kay Van.

Napaubo si Van at nagmadaling bigyan ni Mae si Van ng tubig habang hinahaplos ang kanyang likod.

"Ano? Magic? Ibang magic?", napatingin si Van kay Mae habang naka-bend ang kanyang katawan.

"Kasi tayong dalawa lang ang may magic, so napaisip ako kung gumawa kaya tayo ng magic? Mas bongga. Mas madami tayo diba?", tuwang tuwa sabi ni Mae habang niyakap niya si Van mula sa likod

Tss. Maraming aagaw sayo mula sa akin.

"Van alam mo namang sayo lang ako, nababasa kita h'wag ka nga. Alam mo namang best friends tayo diba?", hinalikan ni Mae si Van sa pisngi habang nakangiti.

Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon