Chapter 2 : Tutor

25 3 0
                                    

Nakabahan ako na baka pagalitan ako ng principal ng aming school...

"Ms. Dimatawaran, may naghahanap sa iyo!" Sabi ng principal

"Si-sino po Ma'am?"

"Si Mr. Smith!"

"Yung may-ari po nitong school?"

"Oo, siya nga!"

"Bakit po daw?"

"I don't know dear, siguro kakainin ka niya ng buhay!!! Hahahaha!"

May tama ba tong principal namin?
Parang shonga ehhh

"Pumasok ka na sa malagim niyang office!"

Talaga? As in? Malagim talaga?
Parang nakakatakot na to ha?
Help me! Tulong! OA ko naman..
Hay naku, pumasok na lang ako sa office ni Mr. Smith...

"Good morning Sir!!!"

"What's good in the morning?"

"Everything, Everything is good Sir!"

"Really?"

Ano bang problema nito? Parang galit ata sa Mundo ehhh...

"Sir, bakit niyo po ako pinatawag dito?"

"For a thing..."

"Ano Sir?"

"Ikaw ang magiging Tutor ng anak ko na si Clint Smith... Alam kong kaklase ka ng anak ko!"

"Bakit niyo po alam? at tutor po ng ano?

"Connections! Ms. Dimatawaran, Connections!"

"Huh???"

Weirdo pala tong papa ni Clint pero ang gwapo din niya, parang Carbon copy talaga silang dalawa...

"As I said, you will be the tutor of my son! Teach him how to speak Tagalog!"

"Ahhh ehh ihhh, Pagkatapos anong makukuha ko?"

"Smart girl... Of course libre ang tuition fee mo dito, may 5000 kang allowance per month at MAKAKASAMA MO PALAGI ANG GWAPO KONG ANAK, joke lang!"

"Huh? Seriously? I'm in between the devil and the deep sea!"

"Take it or Leave it!"

"I will take it Sir!"

"You will start today..."

"Right now na talaga Sir? As in?"

"Oo...Eto Calling card, kung may problema just call me.."

"Okay Sir, No prob..."

"I'm sorry but I have to go...May meeting pa ako ehh.."

"Okay Sir, Bye!!! Ingat!"
Tinanggap ko ang offer ni Mr. Smith hindi dahil sa pera, dahil kay Clint!
Ohh my ghosh! Isang dream come true ito! Wait, wait, wait, ano ba itong iniisip ko? Baliw ka Keira! Baliw! Easy to get ko naman!!!!
Ayokong mapag-initan ng mga Echoserang frog dyan tulad ni Anne
Kaya dapat hindi ako mahuhulog kay Clint...
Pagkauwi ko sa bahay, wala si Tiya Betchay...

"Tiya? Tiya... Tiya?"

Naghinala ako na baka nandoon na naman siya sa BINGO play...
Pumunta agad ako sa aming kapitbahay na venue ng BINGO play at...

"Hoy! Keira! Halika dito!" Sigaw ni Tiya

"Tiya? Nagbibingo na naman kayo?"

"Oo, hayaan mo na lang ako, ito na yung asawa ko ehh..."

"Tiya talaga!"

"Tsaka panalo na ako ng mahigit 500 piso... Ohh Swerte ko diba?"

"Ngayon lang yan Tiya! Bukas dadalaw na naman si Malas! ahahahaha!"

"Ang mapagbiro ko talagang pamangkin!"

"Sige Tiya papasok pa ako sa eskwela umuwi lang ako dito para sabihin sayo na may trabaho ako"

"Ano? Anong trabaho?"

"Basta pagbalik ko nalang mamayang hapon..."

"Ahhh sige, Kumain ka na ba?"

"Busog pa ako Tiya ehhh"

"Sge, Bye!"

"Bye Tiya!"

Pumara ako ng Tricycle at sumakay papuntang paaralan...

To be continued...

(Ano na jan guys? OK lng ba ang story ko? Comment naman dyan!
Thank you pala sa mga bumabasa nito!! Muah <3)

#Unedited

My Lover is LEGENDARY?Where stories live. Discover now