Chapter 2: What's New?

74 6 1
                                    

Chapter 2: What’s New?

Location :  SM Southmall, Las Pinas City ; Time: 6:45 PM

(Healu’s POV)

“Ayoko ng ganito.”

“Chillax ka nga lang! Buti ka nga may 1 month vacation eh.”

“Eh kasi naman eh. Academy, bahay, bahay, academy, wala naman akong magawa sa bahay eh tapos nakakaboring pa sa academy!”

“Eh bat di ka pumunta sa mga mall?”

“Ayoko nga. Kinaladkad mo nga lang ako dito eh.”

“Healu naman!Bat mas gusto mo ng mga mission kaysa mga shopping-shopping?”

Andito kami ngayon ni Ara sa mall malapit samin. Hindi niyo pa ata siya kilala noh. Ara Fines ang pangalan niya, isa ring agent sa TNMAA pero hindi siya pumapasok sa TNMAA Academy. Mas prefer niya daw kasi ung katulad ng ginawa ng ate Ledee ko. Hinahangaan niya kasi eh. Anyway, isa din pala siyang Field Agent, palagi kaming magpartner niyan kaya mabilis naming natatapos ang mga mission na binibigay sa amin. Siya rin pala ang madalas mag embarrass sa akin.

“Mas gusto ko yung mga adventure, wala akong pake sa mga shopping at fashion na yan.”

“Ganito na lang. Since nasa labas na rin naman tayo, punta tayong bar!” with smile pa yan!

“ANO?!SIRA KA BA?! PAG NALAMAN NG AMA KO YAN MAPAPATAY AKO NUN!!!!!”

Naalala ko bigla na nasa mall pala ako. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao habang itong si Ara tawa lang ng tawa.

Napahiya nanaman ako! Argghhh!

 --------------------------------------------------

Pagkatapos ng ilang minuto,naglalakad kami palabas ng mall at hindi pa rin ako tinantanan ni Ara.

“Ano punta ka na?”

“Hinde….”

“Punta ka na kasi!”

“Ayoko…”

“Bakit kasi?”

“Kasama kita eh…”

Bigla siya huminto at napaisip.

“Ganito na lang! Pag sumama ka, ako pa rin ang magiging partner mo sa next mission mo! Pero kung hindi ipagpapalit kita sa iba!!” with her matching evil smile pa!

“Tinatakot mo ba ako?”

“Pwede…”

“As if naming matakot ako sa pagbabanta mo..” Patuloy pa rin ako sa paglakad at di ko na siya inimik.

“Bilhin ko yung gusto mong teddy bear!!”Napatigil ako sa paglalakad.

Ang pinaka hate ko sa lahat ung tinitira ako kung san ako mahina eh! At itong bestfriend kong ito ang may alam ng lahat ng kahinaan ko. Isa dun yung teddy bear na sinasabi niya. Yung tedy bear na kasi na yon eh maganda sobra! Gusto ko siyang bilihin kaso mahal eh kaya nagiipon ako.

Don’t get me wrong, mayaman kami dahil na rin sa business ng papa ko at idagdag mo pa ang kinikita namin as secret agents. Kaso ayokong humingi ng pera kila mama kaya yung perang sinasahod ko lang as TNMAA agent ang ginagamit ko. Nga lang sobrang mahal kasi nung teddy bear.

Nilingon ko siya at tinitigan. Siya naman, abot langit ang ngiti with matching pamaywang pa! Alam niya kasing nananalo siya eh…

Nagtitigan kaming dalawa ng may pagkahaba-habang oras. Di natinag ang sira =_= .

TNMAA: Hidden AgendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon