Nagising ako sa init ng sinag ng araw na tumatama sa aking muka. Umupo ako at muling tumulo ang aking mga luha, ang sakit sakit dahil sa bawat umaga na alam kung gigising ako na hindi na kita makikita, hindi na kita makakasama, yung mga matamis mong halik at ang mga yakap mong sobrang higpit kailanman hinding hindi ko na mararanasan.
Hon! Miss na miss na kita :'( Sana sinama mo na lang ako jan. Ang daya mo kasi iniwan mo akong mag-isa.
Kumakatok si Mommy kaya muli kong pinahid ang aking mga luha.
Ally anak gising kana ba? Nagdala ako ng breakfast mo.-Mommy
Yes Mom!
Binuksan ko ang pinto at pumasok si Mommy dala ang food tray at ipinatong sa study table ko.
Anak umiiyak ka na naman? Alam mo bang hinahanap kana ng mga kaibigan at mga co-workers mo na mimiss kana daw nila. Anak alam kong napaka hirap ng pinag dadaanan mo pero anak marami kaming nag mamahal sayo. Nandito lang kami, wag mong solohin ang sakit niyan. (tinuro ni Mommy yung puso ko). C'mon Ally, get out on your dark room almost 2 months ka ng di lumalabas ng kwarto mo. Ayusin mo ang sarili mo, alam kong hindi yan ang gustong makita ni Rylee sayo anak. Dahil ang kilala niyang Leigh Allyson ay strong at masayahin. Baby bumalik kana sa dati.-Mommy
Muling tumulo ang aking mga luha, at niyakap ko si Mommy.
Yundin ang akala ko Mom na strong ako, pero hindi pala, weak pala ako, hindi kokinaya ang pagkawala nya. Okay sana Mommy kung iniwan nya lang ako or pinag palit nya ako kasi alam ko kahit ganun makikita ko pa din siya, pero hindi e iniwan nya ako ng wala ng balikan.
BINABASA MO ANG
Mag Mahal Muli (On Going)
RomanceWalang masamang sumubok at magmahal muli kung ito ang nakatadhana para sayo :)