CHAPTER 8

131 4 0
                                    

CHAPTER 8

Aishh… Ang dami naming projects and quizzes. Bakit ba kasi ito pa yung kinuha kong course? Bawal na bang magpahinga ngayon? Ginagawa na talagang bisyo ng mga prof ang hindi magdiscuss at magpagawa ng magpagawa na lang ng mga projects at term papers. Bahala nay an mamaya, wala pa ko sa mood mag umpisa at mas masarap pang mag fruit ninja. 15 minute break  lang kasi kaya hindi na ko bumaba.

Hiwa dito.

Hiwa doon.

Hiwa ng pakwan.

Hiwa ng prutas na color brown. (hindi ko alam yung tawag dun eh)

Hiwa sa apple

Hiwa sa BOMBA!!!

 Ayy Leche!!!  Game over na kagad! Hindi ko man lang nabeat yung record kong 430 pts.

Time check: 2:52 p.m.

Tsss. 7 minutes pa, sige retry na lang ako.

Hiwa dito

Hiwa doon

Hiwa ng sabay sabay

Iwas sa bomba

“Busy ka ba mamaya?”

“AYYY Kabayong walang brief!!!” *___*

“Ano ka ba naman Sevy!!!”

“Pwede sa susunod hwag kang manggugulat? Saka wala ka naman jan kanina, paano kang napunta dyan?”

“HAHAHAHA!!! Hindi naman kasi kita ginugulat, nagpunta kasi ako ng canteen bumili ng pagkain. Oh Gummy worms binili kita. Seryosong seryoso ka naman kasi dyan sa paglalaro ng fruit ninja.”

“Thanks, Nakakainip naman kasi. Wala naman akong makausap dahil karamihan bumaba yung iba naman na naiwan, ayun oh! (sabay turo sa mga tulog) Mga puyat kakagawa ng plates.”

"Bakit mo naman ako natanong kung busy ako mamaya? Baka kasi pumunta kami ni Sab sa party nung high school friend namin.”

Buti pa ‘to marunong mag invite. Tsss si Lieu kaya? Haayy!!!Eto na naman ako sa kaka-Lieu ko.

Aayain kita kasi sana mag movie marathon sa bahay. Wala kasi akong kasama mamaya sa bahay nag out of town parents ko para sa business nila. Friday din naman ngayon.”

“Bakit hindi yung barkada mo ang iinvite mo sa bahay nyo? Bakit ako pa?”

(Ang sungit ko ba? Nakakawala naman kasi sa mood kapag tambak kayo ng gagawin, malamang kapag pinagpatuloy ko 'tong katamaran ko magkikita kita na lang ulit kami ng mga prof sa summer.)

“Ayoko naman kasi ng may magulo habang nanunuod ako ng movie, pero ayoko din naman manuod mag-isa. At least kung ikaw ang kasama ko makakapanuod naman siguro ako ng maayos.”

“Ahh ehh sorry kasi napag-usapan na namin ni Sab na aattend kami sa party nung high school classmate namin.”

“Okay lang. tatapusin ko na lang siguro yung plates saka yung mga projects para wala ng problema next week.”

Oo nga pala. Napaka organize na tao kasi nitong si Sevy. Ayaw ng natatambakan ng gagawin at nakaschedule na lahat ng gagawin niya. Buti pa ‘tong mokong na ‘to lagging dinadapuan ng kasipagan samantalang ako mas gusto ko pang matulog kesa unahin yan.

Eee-eeekk… Booooooog!

Ayan na ang mahiwagang pinto, bumukas na naman. Ayan na yung prof na Labing-lima ang mata. Tsk. Ang galing kasi manghuli ng nagkokopyahan kapag may exam or quiz. Pero hindi naman ako nakukuhanan pa ng papel dahil hindi ko naman hilig ang mangopya. Pati siko yata nito may mata kahit kasi nakatalikod nalalaman nya pa din na nangongopya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THAT PERFECT GUY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon