Maraming tao ang nagsisiksikan. Nagtutulakan at ang iba naman ay tahimik, iniisip kung paano sila patayin sa isip. Lahat sila ay babae. Ang pinakakaiba ay may isang lalaki ang nakahawak sa kamay ng babae. Hinihila para sumama.
"Bilisan mo nga!! Ang bagal bagal eh!"sigaw ng isang babae na todo ang pagsiksik sa maraming tao. Malakas ang boses at agresibo.
"Ang sikip kaya! Tyaka pwede naman tayong maghintay na maubos ang tao dito sa shop."pagrereklamo ng lalaki habang nakatingin sa maraming tao. Lalong humigpit ang pagkakahawak ng babae sa kamay ng lalaki.
"Pag naubos na ang mga tao dito sa shop ubos narin ang mga merchandise."inis na sabi ng babae at lalong hinila palapit ang lalaki.
"Masyado ka kasing excited! Ang init init kaya tapos-"hindi pa natatapos ang sasabihin ng lalaki at naipasok na siya ng babae sa kabilang parte ng shop.
Maluwag, maayos at malamig na ang lugar. Kakaunti ang mga tao at parang hindi pa nagagalaw ang mga merch. Ngumiwi ang babae habang tinitignan ang mga merch.
"Nakakaasar talaga sila."ngiwi ng babae habang tinitignan ng masama ang mga costumer lalong lalo na ang cashier.
"Ano na namang problema mo?"tanong ng lalaki habang pinagmamasdan ang mga merch.
"Sabi kasi nila hindi daw sikat ang [insert kpop group]."naiinis na maktol ng babae.
"Ano namang problema doon?"tanong ng lalaki hawak ang isang photo card na picture ng isang babae.
"Ang yabang kasi nila eh!! Akala nila magaling ang favorite nilang group. Mas magaling pa nga ang [insert kpop group] ko eh."napabuntong-hininga ang lalaki.
"Walang kwentang bagay."bulong ng lalaki. Napatingin sa kanya ang babae.
"Nakakatamad kang kasama, Kael."inis na sabi ng babae habang masama ang tingin nito kay Kael.
"Aalis na ko. Nakakatamad 'tong sinasabi mong date."walang ganang sabi ng babae. Nataranta naman ang lalaki.
"T-teka.. hindi pa 'to tapo-"hindi pa tapos ang sasabihin ng lalaki ng iwanan siya ng babae.
"Lea, teka lang. S-sorry."hinabol niya ito sa siksikang mga tao. Pagkalabas niya sa loob ng shop nawala na ng babae. Napahawak nalang siya sa batok.
"Bakit ba kasi ang bilis magalit ng babaeng 'yon?"tanong nito sa sarili.
"Ano ka ba, kuya? Wag ka ngang ganyan."napatingin siya sa likuran niya. May lalaking napakatangkad at malaki ang boses.
"Terrens?"nagtatakang tanong ni Kael.
"Si Pauline, yung best friend ng Lea mo, ganoon na ganoon rin. Kaso mukang mas matindi yang si ate Lea eh."kwento ni Terrens at pinatong ang braso nito sa balikat ni Kael.
"Bukas, kakausapin ko siya."napangisi si Terrens. Bigla niyang pinalo ng malakas sa dib dib si Kael.
"ARAY! BWISET KA TALAGA!"inis na sigaw ni Kael at binatukan si Terrens.
"Wag ka ngang mangbatok. Gusto mo isumbong kita kay ate Lea para hindi na siya makipag date sayo?"natahimik si Kael sa sinabi ni Terrens.
Nakakaasar talaga 'tong si Terrens. Sipsip sa ate niya. Imbes ate niya si Lea makapagbanta. Ang sarap putulin ng mahaba niyang biyas at sakalin. Kainis talaga 'tong kapre na 'to eh.
Patagong ngumisi si Terrens habang nakatingin sa daan.
Sineseryoso niya talaga lahat ng sinasabi ko sa kanya ah. Bakit kasi siya nagkagusto kay ateng adik sa korean. At kelan pa naging ganyan kaganda si ate? Halos natawa mag-isa si ate Lea eh.
BINABASA MO ANG
Dating A Fangirl
Non-FictionIsang simpleng lalaking nailove sa isang manyakis, baliw at delusional. Hindi alam ng lalaki kung bakit siya nagkagusto sa babaeng yon. Ang alam niya lang ay.. pinapatibok nito ang puso niya kapag ito ay natutuwa, nagagalit at naiinis. Nakakapagpapa...