"Umiiyak ka nanaman"
Tumalikod ako sa kanya at pinunasan ko ang luha ko tsaka humarap ulit sa kanya.
Ngiti. "Ha? Hindi ah! Umiiyak ka dyan?"
"Okay ka lang ba?"
"Oo. Okay lang ako"
-
Okay lang ako- Salitang mapanlinlang! Madaling sabihin. Mahirap panindigan
Ako si Haru. Nandito ako ngayon sa rooftop ng building sa school namin. Nagmumukmok dahil nakita ko kanina! Wala na nga siyang oras sakin pero may oras siya sa iba? Kasama ko ngayon si Liam. All time bestfriend ko!
"Ahh. Liam! Mauna na ko!" Sabi ko, sabay ang alis
************************************************************************************
"Hello babe, kanina pa kita tinatawagan ah? Bakit ngayon mo lang sinagot? Ano bang ginagawa mo?" -Derek
".........."
"hello! hello! Haru? Bakit ba ayaw mong magsalita?"
"........." (Crying) Ibinaba ko na ang phone...
~Flashback~
Naglalakad na ako papasok ng room ng may mahagip ako sa di kalayuan..
Si Derek at Miley. Magkahawak ng kamay! Ang sweet nila >,
Inakbayan pa ni Derek si Miley... Grrrrr
Tama na. Ayoko ng makita pa sila! Tutuloy na ako sa room.
Pag-pasok ko sa room.
"Si Derek at Miley na ba?"
"Siguro? Madalas silang magksama eh."
Grabe. Naiiyak na talaga ako!!!!! Tumakbo ako papunta sa Rooftop at dun ako umiyak ng umiyak!
~End of Flashback~
Humiga na ako sa kama at nagtakip ng unan sa mukha.
Ang hirap. Pero okay lang! Mas okay na 'to kaysa mawala sakin si Derek T.T
1 message recieve
from: Babybabe
Sorry kung hindi kita nahatid kanina ah? May lakad pa kasi ako. Sunduin na lang kita jan bukas. Matulog ka na. Tutulog na din ako! Goodnight :*
Hays. Alam niyo yung feeling pag hindi nag'iiloveyou sayo yung boyfriend mo bago matulog? Nakakainis >,< Parang hindi ako makakatulog.
To: Babybabe
Okay lang babybabe. Sige see you tomorrow! Goodnight :) Iloveyou so much. Mwamwa :*
Hintay ako ng hintay sa iloveyou too niya...
Hanggang umabot na ng alas dose ng madaling araw e wala pa din yung hinihintay ko. Tulog na siguro siya. Makatulog na nga din.
***************************************************************************************************
"Anong oras na Haru nandito ka pa din! Malalate ka na ah?" Si mama yun. Kanina niya pa ako minamadali dahil late na daw ako. Nasan na ba kasi si Derek? Ang tagal naman niya.
Hays... uumpisahan ko na ngang maglakad baka makasalubong ko siya.
Nakarating na ako sa School pero di ko naman nakasalubong si Derek at hindi pa siya nagtetext sakin. Hmmm? Ano nanaman kaya ang idadahilan niya?
Pagdating ko sa room. Late na ko..
Andun na yung prof namin.
"Oh? Ms.Adriano pumasok ka pa?!" Gaya ng iniisip ko andito na nga si Ms.Violet ang prof na matandang dalaga at terror teacher dito sa pinapasukan kong university.
![](https://img.wattpad.com/cover/10079563-288-k254255.jpg)