Liam's POV
Alam ko namang hanggang kaibigan lang ang tingin sakin ni Haru. At ang nakakainis ay yung ako na walang kayang gawin para maalis siya sa sakit na nararamdaman niya.
Alam ko na sa istorya na 'to, hindi lang Ako ang nasasaktan dahil mas nasasaktan si Haru.
Siguro nga hindi na kaibigan tingin ko kay Haru. Hindi ko alam kung kailan 'to nagsimula, siguro nga gusto ko na siya..
Pinauna ko na siya umuwi dahil may gagawin pa ko.
Naglalakad ako, papuntang court kung saan nagttraining sila Derek.
Tamang-tama at nagpapahinga sila ngayon. Masasalubong ko si Derek na nagpupunas pa ng pawis niya. Palabas ng court at malamang pupuntahan nito si Miley na naghihintay sa parking lot.
Hinawakan ko yung braso niya na ikinagulat niya.
"Bakit pre?" tanong niya pa.
Napangiti lang ako at tinapunan siya ng matalim na tingin. Gusto ko ng paduguin yung mukha niya. Ayoko ng maging taga-tingin na lang sa mga nangyayari kay Haru. Ayokong tumayo na lang kaya hinaharap ko na ngayon yung dahilan kung bakit nasasaktan si Haru ngayon.
Binitawan ko na siya at humarap ako sakanya. "Itigil mo na 'to"
Natawa naman siya "Hindi ko ititigil 'to. Ito na yung laro ko simula nung high school" pilosopong sagot niya. "Ikaw si Liam di ba? Yung best friend ni Haru?" Seryosong tanong niya.
Di pa ko nakakasagot, pero bigla niya kong sinapak.
"Akala mo ba hindi ko alam yung ginawa mo kay Miley?" As expected. Galit na galit siya. Pero di ko siya pinatulan dahil alam ko kung gano siya kababaw at di kami magka-level.
"Tangina" mahina kong sabi at pinunasan ko yung dugo sa gilid ng labi ko. "Sino bang girl friend mo?"
Natigilan siya. Mukang nakalimutan niyang alam kong sila ni Haru.
"S-si.. teka nga, bakit ka ba nakikielam?" Pag-iba niya.
Gustong-gusto ko ng basagin yung muka niya pero mas pinili kong maging kalmado.
"Pasalamat ka dahil mahal ka ni Haru at ayaw niyang masaktan ka" napayuko ako sandali at tinignan ko ulit siya. "Bibigyan pa kita ng pagkakataon para alagaan si Haru. Kung di mo siya kayang alagaan, bitawan mo na siya. Kung hindi..."
"Kung hindi ano? Tangna pre! Alam ko namang matagal ka ng may gusto kay Haru" pagputol niya sa pagsasalita ko. "Pero ako mahal niya kaya pwede ba, BACK OFF!" at tinulak niya ko. Hindi na ako nakapagpigil. Mas lalo akong napuno ng galit sa sinabi niya kaya naman sa pagkakataong 'to hindi na ko nakapagpigil pa. Nasapak ko na din siya at sinundan ko pa yun ng mga suntok.
Siraulo 'tong kumag na 'to! Alam niyang mahal na mahal siya ni Haru kaya ba niya ginagawa kung anong gusto niya!? Alam niyang di siya kayang iwan ni Haru.
"LIAAAAAAAM! tama na please!" natigilan lang ako ng marinig ko yung boses ni Haru.
Nakita ko na lang na nasa sahig na si Derek na namumula ang muka at may dugo yung labi.
"Derek" bigkas ni Haru at agad na nilapitan si Derek at inalalayang tumayo.
"Okay lang ako, okay lang. Pagsabihan mo na lang yang KAIBIGAN mo! Pwe!" Dinuraan pa ng kumag yung sahig bago sila lumakad palayo sakin.
Bago ba pa sila tuluyang makalabas ng court, tinignan ako ng matalim ni Haru. Alam kong galit na galit siya sa ginawa ko. Pero kung tutuusin kulang pa yung mga suntok na yun sa sakit na natatanggap ni Haru.
Pumunta muna ako ng cr para maghilamos. Napatingin ako sa salamin. "Bobo mo Liam! Alam mo namang wala kang panalo kay Derek! Bobo mo! KAIBIGAN ka lang!" nasuntok ko yung salamin sa inis sa sarili ko.
Pumunta ako ng rooftop. Agad kong nakita yung anino ni Haru. Nakatayo lang siya habang nakatingin sa field. "Anong ginawa mo?" tanong niya sakin ng hindi ako tinitignan.
Napayuko lang ako. Malamang alam niya na dito ako pupunta.
Nilingon niya ako. "Di ko ineexpect na magagawa mo yun, Liam" napabuntong hininga siya. Bago pa siya makaalis, hinawakan ko yung kamay niya na ikinabigla niya.
"Mahal kita, Haru"
"Sorry"
Umiling lang siya tsaka tuluyang bumitaw sa pagkakahawak ko at umalis.
BINABASA MO ANG
"Okay lang ako" - Biggest Lie ever
Novela JuvenilPlease leave a comment and vote :)