Hay! sa wakas natapos na rin ang Flag Assembly....
Tinatamad kasi talaga akong tumayo ng matagalan eh...
Kakapagod kaya....
Magka Varicous Veins pa 'ko....
Ang tagal ha... Umabot ata ng mga 45 minutes yung pag awit namin ng mga anthem.... Kailangan kasi talagang Paulit-Ulit!!!???
Eh pano ba naman ... syempre hindi pa talaga kabisado ng mga freshman yung anthem!! grabeeh naman silang ka alert diba kung agad-agad memorize na nila yung kanta.. Syempre kailangan ng time ... kaya everytime na magkakamali sila .. pinapaulit sa'min yung whole Song.... kawawa nga si Xander ko eh.. Teka nga lang ...
Nasabi ko na ba sa inyo na yung banda nilang ABS-tract (Oo..at talagang hiwalay yung ABS..bigyan nyo ng emphasis yun... Kasi ang hunk talaga nilang lahat.. Ang gaganda ng mga Abs...Yummy!!!) yung accompaniment namin na tugtog tuwing Flag Assembly kaya nga wala pang assembly ang dumaan na nalate ako ......
Kasi alam nyo yung feeling na hindi kumpleto ang araw mo kapag hindi mo narinig ang malamig na medyo husky na sometimes sweet nyang voice na nakakakilig??
Kaya nga eh kahit tamad akong tumayo ng matagal.. natitiis ko ..It's because of Him.. Love is Sacrifice nga kasi daw diba?! CharoOt!!!
"Ok! Students! So sa mga Freshmen, Welcome to this University!!.".. sabay ngiti ng malawak
"In behalf of all the Faculty and Staff of this University.. I would like to say Thank You dahil sa lahat ng schools na pwedi nyong pasukan, dito nyo napiling mag Enroll sa Zen University..."
Oh ha! yun yung name ng school namin....
Akalain mo yun!!
Zen University!!!
Plants vs. Zombies lang ang peg!!!
Total mukha namang mga Gargantuar yung iba dito... Yung mga lumalandi sa Xander, my-loves ko....
Joke!!!
but Jokes are half meant...muwahahaha...
Syempre ako ang Sunflower... Bida ako eh...XD
"...Sisiguraduhin naming magiging sulit at worth it ang pag stay nyo dito sa aming paaralan....
Bukod pa dun naghanda kami ng mga activities na ilo-look forward nyo ngayong school year na ito... "
"Alam naming mag i-enjoy talaga kayo.. "
Talaga lang huh??? sige nga Sampol, SampOl, SampOL...
"So, Expect the Unexpected Guys...
This year will be different...."
Sus! pare-pareho lang naman yan ... kunwari kakaiba pero It's Just the Same Banana, Savanna...
Sinasabi lang yan nila, para baka sakaling mAY maengganyong iba pang Enrollees... Hanggang ngayon kasi open pa yung Enrollment .....
Kinapos kasi yata sila sa Students.. narinig ko may problema daw tong may-ari ng school... hindi ko lang alam..
Malay ko ba!!... Hindi yata ako tsismosa noh?! Itanong nyo sa Author , panigurado alam nyan...
A/N: Ah ganOn?! Pinapalabas mo na chismosa ako?! Aba! Aba! Malay ko jan.. Wala akong kamalay malay noh!!.. Like, Hello!!!
Ok!ok! Nagbabakasakali lang naman.... Ito naman,, Defensive agad!!?? Wag ka!.... Napaghahalata.... XD...