Chapter 3

88 2 0
                                    

Nandito kami ngayon ni Kuya Jett sa may parking lot ng new school na papasukan ko. Bale exactly 7:00 kami nakapunta dito. May mga estudyanteng nagdadatingan ngayon sakay ng mga kotse na mamahalin. Ano ba yan, pangmayaman pa tong school na pinili ni mama. I hope maganda yung turo dito.

"Princess, alam mo ba yung papunta sa may guidance office nila dito?" tanong ni Kuya Jett

"Hindi pa Kuya Jett, first day ko pa nga lang dito diba?" sagot ko naman.

"sorry naman" sabi ni Kuya Jett tapos ginulo niya pa yung buhok ko. "Hatid na lang kita dun, kasama ko naman si mama nung inenroll ka dito eh, tara." dagdag ni Kuya Jett sabay akbay sakin pero at the same time parang kinakaladkad ako.

Habang naglalakad kami papunta sa Guidance Office, napapansin ko na nagtitinginan na yung ibang students samin. Mostly girls. Pano ba naman kasi? Eto kasing si Kuya Jett ay may pagkamagandang lalaki. Which is an understatement actually.

He puts some male models into shame. Ang tangkad pa kasi ni Kuya. 6'2 ang height niya and may pagkamacho pa. Kaya ayan tuloy, yung iba kung makatingin sa kuya ko kala mo nirerape na ng mga mata nila eh and that image is fairly disturbing. Kapatid ko yan, ayokong isipin yung mga ganyang... bagay.

O kaya naman kung bakit sila nagtitinginan kasi ako lang yung hindi naka school uniform, obvious naman na student pa ko at obvious naman na matanda na si Kuya para magtrabaho.

Nasabi ko na ba kung ano yung name ng school na to? Hindi? okay. Edi sasabihin ko na ngayon, this school is named after the founder of this school. George Petterson Univesity. Noong 1950 pa nagawa ang school just a few years after World war two.

At sa mga nakikita ko ngayon, alam ko na high maintainance talaga ang school na to. Yung mga gadgets na nakikita ko ngayon sa paligid are the latest kind of gadgets.

Nang makarating na kami sa Guidance office ay nagpaalam si kuya na mauuna na siya. "princess, una na ko. Goodluck ah? kaya mo yan." kiniss niya muna ko sa forehead tapos umalis na siya.

Nang umalis si Kuya ay umupo muna ko dun sa may vacant chair dun sa may gilid ng wall. Syempre, dahil sa bongga tong school na to. Yung walls ng guidance office nila is glass, mula sahig hanggang kisame, na medyo blurry at syempre airconditioned din

.

May babae na lumapit sakin na mukhang guidance counselor.

"Miss?" tanong nung babae.

"umm, hello po. ako nga po pala yung transfer student." sabi ko.

"ahh, name mo?" tanong nung babae.

"Iris Venus Miranda po" sagot ko.

"Just wait there and i'll check your name, okay?" sabi niya.

Ngumiti ba lang ako at tumango as an answer.

Makalipas ang mga 3-4 minutes pinuntahan na niya ulit ako tapos may inabot siya saking mga papel.

"Punta ka muna dun sa may Information Area para makuha mo yung Susi mo para sa locker mo, this is your schedule sa bawat subjects mo. And I'm quite surprised to see that your grades are not less than a B despite you transfering often"

"I like learning po kasi kaya hindi ko po napapabayaan ang grades ko." sabi ko na lang

"Good. Keep that up. You can go" sabi sakin nung babae

Tumayo na ko para umalis ng may dinagdag pa siya sa mga sinabi niya.

"oh, and by the way. May mga classes ka na upgraded so baka makasali ka sa ibang classes ng mga college freshmen. That's all, you can go talaga. :) "

Bakit ngayon pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon