Chapter 1:

4 0 0
                                    


Hanggang ngayon , mahal kita pero sa tingin ko hanggang doon na lang yun , wala nang hihigit pa.

Nag kamali na ko ng dalawang beses, tama na siguro yun para matauhan ako na hindi ka na mag babago o di ka na babalik sa dating ikaw .

Ako si  Zhasy Cristudio , 3rd year High school palang kase ako ngayon, yung tipong "Happy go lucky" lang .

May kaibigan ako, Mei Pangalan niya.
Classmate ko siya, Lagi Kami niyan mag kasama kung saan saan pa yan.

Best friend ko siya.

"Mei Papasok ka ba mamaya?" Tanong ko kay mei.

Nakakatamad talaga pumasok ngayon lalo na wala naman gagawin sa school masyado.

"Oo naman, mamaya may gawin tayo tas di tayo papasok diba?" Sabi ni mei.

Sabagay , tiisin ko nalang muna to kasama ko naman si mei sa school eh.

Habang nag aayos ako , tumawag sakin yung isa ko pang kaibigan na may anak na si Mel.

"Ano sasama ka ba sa binyag ni Kylie?" Tanong niya sakin.

Oo nga pala, ninang ako ng isa ko pang kaibigan na may anak na din.

Dalawa sila na kaibigan ko na may anak na si Mel at Ica.
Anak nila mel at ica ay parehas na babae , si kylie ay anak ni ica.

"Ah oo , bukas na pala yun noh? Sige ako na bahala sunduin nalang kita jan" sabi ko tapos sabah patay ng tawag, ayoko na patagaling masyado yung call marami pa ko inaasikaso.

Habang nag aayos ako sa sarili ko naisip ko , kelan ako mag mamahal uli? Nasaktan na kase ako sa past ko kaya medjo na takot ako ngayon ulitin .

"Hayy Zhasy tigilan mo muna yan, maaga pa para dyan"

Oo nga naman diba 3rd year palang naman ako, ang dami pa pwede mangyari sa buhay ko.

"Okay na to , maayos nako, ear phone na lang kulang" 

Habang nag lalakad ako papasok nakita ko yung kaibigan ng kuya ko , si Nathan.

Ang tagal ko na siyang crush super dalawang taon na hanggang ngayon ba naman ?.

Hindi ko na masyado pinahalata at di ko pinansin derederetso lang ako.

Hanggang sa naka pasok na ako.

Normal day lang , nothing important nangyare sa school.

Same old lame boring day.

Pauwi ako biglang may sumitsit sakin tas yun para na kong asong di malaman kung normal ba o may tama sa utak sa sobrang laki ng ngiti ko.

A/N : hala sitsit pa more enebeyen kese hihihi (landi)

"Ui! Kamusta ka na? Pauwi ka na din ba?" Sabi ni Nathan

"Oo eh, pauwi na din ako madami ding gagawin kase" sympre keme lang yon para kunyari busy at kunyari nag aaral ng mabuti hahaha.

"Sabay na tayo umuwi, tutal parehas lang naman tayo ng dadaanan" sabi ni nathan.

Habang nag lalakad kami hiningi niya yung number ko at na kwentuhan nang kaunti hanggang sa makauwi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Don't ComebackWhere stories live. Discover now