Chapter 1

359 11 5
                                    

"Mommy, alis na ako, ha? Mag-iingat kayo dito. Si Princess, saka na natin i-enrol sa school. Pag may time ako. Para masamahan ko kayo.", si David. Paalam nya sa kanyang mag-ina. Babalikan kase nya ang mga naiwang gamit sa siyudad kung saan sila galing. Marami pa din kase doong mapapakinabangan. At hindi pwedeng pabayaan nalang.
Middle class ang buhay ng pamilya ni David. Medyo ayos naman ang kanyang trabaho sa pinapasukang opisina. May isang sasakyan sila na naipundar noon pang wala silang anak. Pajero iyon na black ang kulay. Kaya lang naman sila lumipat ng tirahan sa mas probinsyang lugar ay dahil sa tiyuhin niyang kapatid ng nanay nya. Hiniling nito na kung pweden tirhan nila ang bahay nito na narito nga sa probinsya. Hindi sya sigurado kung nasaan nga ang kanyang tiyu Rodrigo. Ang sabi nito'y nasa Mindanao ito at may mga inaasikaso doon na lupain ng kanyang namayapang asawa. Biyudo na kase ito ng isang dekada. Nasa edad na singkwenta y dor pa lang ito ngayon. Nang mamatay ang asawa nito'y kwarenta y dos pa lang ito. At tanda nya pa 'yun. Du'n din nga ibinurol 'yun sa bahay na nilipatan nila nito. Namatay ito dahil sa sakit na pulmonya. Inabot na mataas na lagnat pagkapanganak, at hindi agad naagapan. Kaya naiwan ang sanggol sa pangangalaga ng kanyang tiyuhin na mag-isa. At mula nu'n wala na syang narinig pang balita sa mga ito. Nito na lang nakaraang buwan sya nakatanggap ng sulat mula sa tiyuhin nya na ipinapakiusap nito ang bahay sa may Marilao Bulacan na pansamantala muna nilang tirhan. Para hindi masira ito, at igupo lang ng anay. Yaman din lang at umuupa sila sa siyadad ay pinag isipan na rin nya ang alok nito. At heto nga sila. Tatlong araw na nag hahakot.
May malapit na branch naman ang opisina nila dito kaya magpapa-transfer nalang sya.
Halos mag iisang oras bago nakabalik si David sa dati nilang inupahang bahay. Doon na sya muna matutulog, at ang kanyang mag-ina ay naiwan sa titirhan na nilang bahay ngayon. Unang gabi ng mga ito doon. Na-check naman na nya ang lahat ng parte ng bahay, at tiwala syang walang mangyayaring masama sa kanyang mag-ina. Subalit iyon ang hindi nya napaghandaan.
Sumapit ang gabi na tanging lampara lang ang gamit na ilaw ng mag-ina ni David. tahimik ang buong bahay. medyo may kalayuan ang susunod na bahay sa kanila kaya't ganu'n ang kapanglaw doon. maagang nag-luto si Alma ng kanilang hapunang mag-ina. Si Princess ay tahimik na nanunungaw sa bintanang nasa harap ng bahay. May mangilan-ngilan pang dumaraang sasakya, pero na pumatak ang alas- nwebe ng gabi'y wala nang maririnig sa kalsada na tunog ng mga sasakyan. Pati mga taong dumaraan ay wala na rin. Tanging pang-gabing hayop lang ang maririnig tulad ng kuliglig.
"Ma', bakit dito pa tayo lumipat? Parang napakalayo natin sa bayan. at saka nakakatakot naman dito?", si Pricess. Nababagot na pagkausap nya sa ina. Tapos na silang maghapunan, at naroon nalang sa sala para magpalipas ng busog. Maya-maya'y matutulog na rin silang mag-ina.
"Ano ka ba anak! Magpasalamat nalang tayo, at may matitirahan na tayong libre. Eh, 'di ang budget natin para sa upa sa bahay natin dati ay masi-save na namin ng Papa mo. Mapapag-ipunan pa ang pang-college mo, 'di ba? Kunting linis lang dito, at 'di na ito nakakatakot tingnan. Wala lang kaseng tumira dito ng matagal kaya mapanglaw.", paliwanag naman ni Alma sa anak. Hindi nya 'to masisisi. Kahit sya'y nakaramdam ng pananayo ng balahibo sa bahay nu'ng unang makita, at makarating sya dito. Tila ba may nakatingin sa kanila kahit wala namang tao. Pero gaya ng pang-hihimok sa kanya ng asawa'y napa-ayon nalang din sya dito. Maganda rin naman ang plano nito, kaya okey lang. Para sa kapakanan ng pamilya nila'y napapayag na rin sya.
"Mmmhm, ewan Ma' iba talaga ang dating ng bahay na 'to s'kin. Pero wala naman na ako magagawa. Nasa inyo ni Papa ang desisyon!" pagdepensang sagot naman ni Princess. Nasa katorse na ang edad nito. Maganda ang feature ng mukha nito na namana sa mga magulang. Ang tangkad nitong five 'two sa kanyang edad ay bumagay dito.   
Pinabayaan lang ni Alma ang anak. May sinasabi pa ito pero 'di na nya pinansin pa. Alam nya ugali nito. Nag-aarte lang lalo kapag pinansin. Kahit na nag-iisang anak nila ito'y hindi ito spoiled sa kanya, sa ama lang nito, na ayaw nya. Kase  lumalaking matigas ang ulo pag ganu'n ang pagpapalaki nila.
"Mommy, matulog na tayo! Antok na ako, eh! Wala namang T.V., o radyo man lang tayo dito. Nakaka-inip. Itong tablet ko, lowbat na. Pati ang cellphone! Haist! Parang ang dami pang lamok! Tara na Mommy! Ayokong mag-isa lang sa kwarto. Di talaga ako komportable dito.", muling wika ni Princess sa ina. Sinabayan pa nya 'yun ng tayo, at lapit dito.
"Anu ka ba naman anak? Napaka reklamador mo talaga kahit kailan! Ma'nung magpasalamat ka naman at buhay tayo't nasa maayos na kalagayan. Bukas kukunin ko yang mga gadgets mo. Tutulungan mo muna kami ng Papa mo na maglinis, huh?", sagot naman ni Alma sa anak. Hindi naman 'yun pagalit ang tono. Parang pinangangaralan lang ang anak.
Napasimangot naman si Princess sa ina.
"Oo na, Mommy! Wala din naman ako magagawa...!", aniya. Sabay hila sa braso ng ina, para ayain itong matulog.
Apat ang kwarto sa bahay na nilipatan nila. Istilo ng bahay kastila ang anyo nu'n. Tulad na lang sa mga bintanang capiz, a purong kahoy. Naka-hang iyon, at kawang ilalim. Subalit natatakpan din naman iyon ng mga dingding. Parang may tambakan iyon sa ilalim ng bahay. Hindi pa nila masyado nalilibot ang buong bahay. Tanging kusina, sala, at isang kwarto pa lang ang nakikita nila.
Nagpatiayon nalang si Alma sa anak. Tulad nito'y antok na rin naman sya. Ang isang ilawan nilang gamit na de-gas ay dinala din nilang mag-ina sa kwarto. Matapos ma-sigurado ni Alma na sarado na ang lahat ng pinto, at bintana'y tumabi na sya sa anak ng higa. Nag-inat, at payapang pumikit.  Ang anak nyang si Princess ay naka-hanap agad na tulog, at himbing na ito. Hindi na nya pinatay muna ang ilawan nila. Mahirap na kaseng mangapa sa dilim, mamayang madaling araw. Baka maagang dumating ang asawa nya, eh di pagbangon nya'y may liwanag agad nyang makikita. Naputulan na kase ng kuryente ang bahay sa tagal ng walang tumira du'n.
Saglit pa'y mahimbing na din ang tulog ni Alma. Kasarapan pa dahil sa pagod nya mag-hapon. Maging ang asawa nyang si David sa bahay nila dating tinirhan ay nag-huhulagok pa sa kasarapan ng tulog.
Naging tahimik ang gabi. Ilang oras ang dumaan, at sumapit ang alas-dos ng madaling araw. Isang anino ng matangkad na lalaki ang patingkayad na naglalakad sa buong kabahayan, patungo kung nasaan nakatulog ang mag-inang Alma, at Princess. Ngumingisi ito na parang demonyo. Sa kamay ay hawak nito ang isang itak na bagong hasa. Nang marating nito ang silid na pinagtutulugan ng mag-ina'y walang kahirap-hirap ito na nakapasok. Sadyang bukas kase ito, at hindi ni-lock ni Alma. Nang ganap nang makapasok ang anino ng lalaki ay walang pakundangan ito na lumakad. Subalit nasagi nito ang maleta ni Princess na nasa tabi lang ng kama. Natumba 'yun, at lumikha ng kalabog. Nalito ang lalaki. Pero ibinalik pa rin nito ang maleta sa dating nilalagyan. Husto namang nakamalay si Alma. Nanlaki ang kanyang mga mata sa lalaking nabungaran nya. Ngumisi naman ito kay Alma, at inilang hakbang lang ang layo sa kanya.
"S-Sino k-ka?", pautal na tanung pa ni Alma dito. Pero parang wala ito narinig. Saka pa lang din napansin ni Alma ang hawak nitong itak sa kanang kamay. Pero ang mukha nito'y hindi nya makita. Pagkat nakatalikod ito sa ilawang gasera nila. Naalarma na si Alma sa gagawin ng lalaki sa kanilang mag-ina. Wala silang kalaban-laban kapag nagkataon. Hindarangan nya ang anak. At nagmaka-awa.
"Ano kasalanan namin? Maawa ka! Please. Kunin mo na lahat ng gamit namin, huwag mo lang kaming saktan, o pata--", umiiyak si Alma. Nagising na rin si Princess, pero naputol ang sinasabi ng kanya ina nang....
.
.
.
Itutuloy. . .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ozzie's Horror Collection 2 : The Eye DonorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon