Chapter 1 : Meet Jaelyn

9 0 0
                                    


"Titaaa!! Gising na!! Late ka na, sabi Lolali."

Unti-unting idinilat ni Jaelyn ang kanyang mga mata. At gaya nang mga nakalipas na araw, ang mukha ng pamangkin niyang si Jethro ang bumungad sa kanya. Nagsilbi na itong alarm clock niya sa umaga.

Napangiti na lang siya sa isiping matatas na itong magsalita kahit dalawang taon na gulang pa lang ito. Iba talaga kapag maraming tita at tito na madaldal.

Tuloy pa din ito sa pagyugyog ng balikat nya kaya't nagpasya na siyang bumangon.

Niyakap niya ito nang may panggigigil. Hindi niya pa din maiwasang mag-alala kapag naiisip niyang umaakyat ito ng mag-isa kapag pinupuntahan siya sa kwarto niya. Minsan talaga, parang 'di dalawang taong gulang ang turing nila dito. Masyado kasing bibo.

"Good morning, bebe Jeth." bati niya, sabay halik sa pisngi nitong madalas niyang panggigilan. Sabay na silang bumaba at pinuntahan ang kanyang nanay na sigurado s'yang nasa kusina.

"Tanghali ka na naman nagising. Lunes na Lunes mali-late ka sa trabaho." salubong ng nanay niya pagpasok niya sa kusina.

"Maaga pa 'nay. 8:30 na pasok namin. In-adjust na para konti na lang ang nali-late sa'min." sagot niya habang nagtitimpla ng kape.

Umupo siya sa bakanteng upuang nasa gilid ng mesa. Bakas ang kakulangan ng tulog nang ipikit niya ang mga mata. How she loves to stay awake so late at night and hate waking up so early in the morning.

Nang idilat niya ang mga mata, dumako ang paningin niya sa orasang nakasabit di kalayuan sa kusina. Dali-dali niyang inubos ang kape. Dalawa't kalahating oras na lang at late na siya.

Tinakbo niya ang pagitan ng kusina at pinakamalapit na cr ng kanilang first floor. For sure, 'di na naman siya makakain ng almusal.

"Alis na 'ko." paalam niya matapos ang halos isang oras na paghahanda.

"Bye, panget. Pakabait ka kay Lolali ha." baling niya kay Jethro na nasa pintuan ng kanilang sala. "Bye, panget." sagot nito bago siya tuluyang makalayo. Napatawa nalang siya.

Habang naglalakad siya palabas ng subdivisiong kanilang tinitirahan, nilabas niya ang cellphone na nasa bulsa ng kanyang pantalon.

6:50 na ng umaga ayon sa nakalagay sa screen nito nung pailawin niya. Mas lalo niya pang binilisan ang lakad habang sinusuklay ang lagpas balikat nang kulot na buhok.

Nang makarating siya sa terminal ng mga tricycle na di kalayuan sa subdivision ay agad siyang pumasok sa loob ng tricycle na magdadala sa kanya sa susunod pang terminal.

She has 1 hour and 20 minutes left. Tatlo pa ang kailangan niyang sakyan para makarating sa Timog, kung saan matatagpuan ang construction firm na pinagtatrabahuhan niya bilang accounting clerk.

Napapikit siya at nahiling na sana, may bus agad siyang masasakyan. Napaka-unpredictable kasi ng mga bus dito. May panahon na mabilis siyang nakakasakay at may mga panahong napapamura na siya sa tagal ng paghihintay.

How I wish, I have a car. Ang sakit na sa bangs mag-commute.

Napabuntong-hininga nalang siya sa nahiling. Someday. Hopefully... Sa ngayon, malabo pa iyon. 20 years old pa lang siya, wala pang isang taon sa trabaho at di pa ganoon kataas ang sahod.

Kung pwede lang siya mag-dorm, gagawin niya. Kaso, kahit 'di niya pa sinasabi sa nanay niya, ay alam niyang hindi siya papayagan nito. At somehow, 'di pa siya handa mamuhay nang mag-isa. Kahit nasa wastong edad na siya, 'di pa din siya sigurado kung kakayanin niya. Nasanay siyang laging nandiyan ang nanay niya kapag may kailangan siya.

It was exactly 8:30 when Jaelyn gets in to the building. Buti at nakiayon sakanya ngayon ang tadhana.

Kinuha niya ang suklay sa kanyang bag at naisipang magsuklay muna habang hinihintay bumukas ang elevator.

"Aren't you going inside the elevator?" napaangat siya ng ulo sa tanong na iyon. Lumingon siya upang tignan ang may-ari ng boses na 'yon.

Isang lalaking nakahalukipkip ang nasa likod niya. Prenteng nakatayo ilang metro ang layo sa kanya.

Lalaking may matipunong katawan na proportion lamang sa taas nito, na hula nya ay kulang anim na talampakan, may maputing balat, makapal na buhok na tingin nya ay sobrang lambot, katamtamang kapal ng kilay, nakasalaming mga mata na sa kanyang opinyon ay nakadagdag sa kagwapuhan nito, saktong tangos ng ilong at mapupulang labi na parang nang-aakit, ang may-ari ng boses na 'yon.

Parang na-magnet ang mga mata niya dito kaya di magawang magbawi ng tingin.

Itinaas nito ang isang daliri at itinutok lagpas sa kanyang balikat. Dahilan upang matigil ang pagtitig niya dito. Nang lingunin niya ang itinuturo nito, ang bukas nang elevator ang nakita niya. Nawala ang atensyon niya dito kanina no'ng nagsusuklay siya.

Binalik niya ang atensyon sa elevator at humakbang na patungo sa loob nito. Ramdam niyang sumunod ito.

She pressed the number 4 button as he entered the elevator. Wala itong pinindot kaya naisip niyang 4th floor din ang tungo nito.

Maliit lang ang dalawang elevator ng building na ito. Hanggang labing-isang tao lang ang kasya dito. Kaya naman ramdam niya ang titig ng lalaking nasa likod niya.

Dalawa lang sila sa loob ng elevator. Bigla nalang ay nakaramdam siya ng pagkailang.

"It's rude to stare at stranger. In case you don't know." sabi niya nang di makatiis. Hindi niya ito nililingon.

"Yeah. It's as if you didn't do it awhile ago." parang di makapaniwalang sagot nito. Tumaas pa ang isang sulok ng labi nito.

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Nilingon niya ito. "Excuse me? Chineck ko lang kung sino ang nagsalita kanina. Didn't you see? Busy ako sa pagsusuklay kaya 'di ako aware na may tao sa likod ko kanina."

"Well, matagal kang mag-check ah. Parang gusto mong imemorize ang mukha ng taong chinicheck mo."

She rolled her eyes.

"Gwapo ka sana kung hindi ka lang feelingero."

Saktong bumukas ang elevator. Dali-dali siyang lumabas bago pa may masabi itong makakasira ng araw niya.

She shouldn't have said that. Baka mas lumakas ang hanging dala nito.

Nang tumapat siya sa office nila ay s'yang labas naman ni James. Ang officemate niyang madalas kabiruan.

"Andiyan na si sir?" tanong niya.

Nakita niyang nakalabas na ng elevator ang antipatikong lalaki at naglalakad patungo sa direksyon nila.

"Wala pa." Simpleng sagot ni James.

Tumango lang siya. She rolled her eyes before pushing the glass door. Hiniling niya na sana ay nakita iyon ng lalaking kinainisan.

Finally In LoveWhere stories live. Discover now