Chapter 2 : Connection

5 0 0
                                    



"Ate Ann, kain na tayo. Gutom na ko eh. Di ako nakapag-almusal." she pouted her lips.

"Uyyyy, James! Tara na! Break time na eh." pinitik niya pa ang tenga nito para tingnan siya.

"Madam Riz? Kain na tayo. Please."


Limang minuto na siyang nakatayo sa harapan ng mga ito. Pawang tango lang ang isinasagot ng mga ito sa kanyang pag-aaya.


Napasimangot siya. "Bahala nga kayo. Baba na 'ko."

Tumalikod na si Jaelyn at naglakad patungong receiving area kung  nasaan ang exit ng unit ng mga ito.


Paglabas niya ng unit ng Engineering at Purchasing Department ay saktong paglabas din ng pamilyar na lalaki sa katapat na unit. May kasama itong isa pang lalaki na kilala niya lang sa mukha.

Awtomatikong nagtama ang kanilang mga mata.

Why is she having a hard time ignoring his presence? Sanay naman siyang makakita ng gwapo.

Siya ang unang nagbawi ng tingin at naunang maglakad patungong elevator.

Gwapo talaga siya. Sayang lang.  Mukhang mayabang.


Hindi man siya lumingon, alam niyang malapit lang ang mga ito sa kanya.

Aware siyang makakasama na naman niya sa loob ng elevator ang antipatikong lalaki na iyon.

Sana lang ay maraming tao sa loob ng elevator.

Matiyaga niyang hinintay ang pagbukas ng elevator. Ayaw na niyang maulit ang nangyari kaninang umaga.


  Teka... Mali ata siya ng hiniling...

  Halos puno na ang elevator nung bumukas ito. Ang isang elevator naman ay pataas.

Nag-aalinlangan siyang pumasok sa loob nito.

Maya-maya lang ay ramdam niya ang pagtabi nito sakanya.

Nang pumasok pa ang kakilala nito ay umusod pa ito para mabigyan ng sapat na espasyo ang kakilala.

Naramdaman niya ang pagdidikit ng mga braso nila. Parang napapasong napausod siya kahit wala ng mauusudan.

Kita niya ang pagkunot ng noo nito.


Nang bumukas na ang elevator ay dire-direcho siyang naglakad papunta sa fastfood chain sa tapat ng building nila.

Gutom na talaga siya. Hindi na niya kayang hintayin ang mga kasamahan.













"Shey!"

  Siya na naman?

"Uy, Ace! Start mo na pala today?"

  Hmmm. So, it's Ace.

Napataas ang isang kilay Jaelyn. Bakit kilala ito ng close niyang officemate?

"Oo eh. Salamat ah. Buti na lang sinabi mo sakin 'to." nakangiting sagot nung lalaki.

"Wala yon. Siya nga pala, si Jaelyn. Officemate/kapitbahay ko." pagpapakilala sa kanya ng kaibigan.

Sinulyapan lang siya nito.

"Jaelyn, si Ace. Boyfriend ni Angie. Yung madalas namin ikwento sayo ni Danielle." pagpapakilala ni Shey dito.

Tumango lang siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Finally In LoveWhere stories live. Discover now