When to Say Goodbye

28 1 3
                                    

"Ano ba yan zel!? Kelan ka ba titigil!?" saway nito sa akin

"Hindi ako titigil mae hanggang di kami nagkakaayos. Mahal na mahal ko sya at alam ko pagsubok lang itong pinagdadaanan namin" determinado kong sagot

"Pinagmumukha mo na lang t*ng* sarili mo! Alin ba sa 'hindi na kita mahal' ang hindi mo maintindihan? Tumigil ka na please! Marami pa naman iba dyan"

"No mae, marami pa ngang iba pero sya lang laman ng puso at isip ko. Sya at sya lang mae wala ng iba!"

"Ewan ko sayo Grazel! Ikaw na ang nanakit sa sarili mo"

Hindi ko na sya sinagot pa. At pinagpatuloy na lang ang pag aayos sa binake kong cake para kay Hiro. Ayaw ko ng makipagtalo. Kahit ano man kasi sabihin ko di nya ako maiintindihan. Kasi wala sya sa sitwasyon ko. And daling sabihin na mag let go, mag move on pero mahirap gawin. Lalo na kung ang bagay na iyon ay gagawin mo sa taong minahal, minamahal at mamahalin mo. Sa taong naging BUHAY mo na. Sa taong naging LAHAT mo.

Apat na taon na puno ng saya at pagsubok na pinatatag kami. Lahat yun dinanas namin pero nalagpasan din namin. Ngayon pa ba ako susuko, ngayon pa ba kami bibitaw? Hindi, hindi ako bibitaw at susuko sa kanya hanggang sa kakayanin ko. Kasi mahal na mahal ko sya.

Nag ayos na ako. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Napangiti na lang ako ng may bigla akong naisip. Sa tuwing tumitingin kasi ako sa salamin sya ang dahilan. Gusto ko maayos at presentable ako lagi pag haharap sa kanya. Para naman maging proud sya na ako minahal nya. Para di sya magsisi na ako pinili nya. Sa apat na taon, sya lagi ang dahilan ko sa lahat ng bagay.

Napangiti ako ng mapakla. Hindi ko napansin may luha na palang lumandas sa aking mga mata. Pinunasan ko naman ito agad.

Nagtungo na ako sa school nya ngayon. Isang buwan na din ang lumipas matapos sya mag transfer. Isang buwan ko na din pala sya hinahabol at sinusundan. Isang buwan na pala na --- arghh nevermind.

Pinapasok naman na ako ni kuya guard kasi kilala nya na ako. Sa isang buwan ba naman na pabalik balik ako dito.

Sa paglalakad ko di ko alintana ang mga kakaibang tingin na binibigay nila sa akin. Panay rin ang bulungan nila.

"Diba sya yung ano ni Hiro?" girl 1

"Ayy yes sya nga! Tsskk so desperada naman this gurl!" girl 2

"Grazel! Anong ginagawa mo dito? Wag mong sabihin--" di ko na pinatapos ang sasabihin nito

"Ahh yes kaya nga ako nandito para doon"

Napailing na lang ito sa akin "Ehh ano naman yang hawak mo?" at tinuro ang hawak kong box

"Cake lang ito, naisipan ko kasi magbake. Tsaka favorite nya rin kasi ito."

"Tskk tskk good luck na lang sayo zel! Masasabi ko lang brace yourself mamaya" at umalis na ito

Malapit na sana ako sa room nila ng makarinig ako ng hiyawan. Kaya sinundan ko naman ito. Na sana di ko na lang pala ginawa.

Nakaluhod sya at may hawak na bouquet na naglalaman ng paborito kong bulaklak. Mayroon din syang bitbit na malaking teddy bear na kakulay ng favorite kong color.

" Pangako ko sa iyo aalagaan at mamahalin kita. Mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat para sa iyo. Sana bugyan mo ako ng chance" naluluha ako ng marinig ko ang mga iyon

"Yes Hiro binibigyan kita ng chance na mahalin at alagaan ako." pero mas maluluha pa pala ako ng marealize ko na di sya sa akin nakaluhod

Hindi ako yung bibigyan nya ng bouquet na naglalaman ng paborito ko bulaklak. Hindi para sa akin ang teddy bear na iyon. Hindi para sa akin ang mga matatamis na salita na binigkas nya.

Nagising na ako sa masakit na katotohanan. Na hindi nya na nga ako mahal kasi may iba na. Wala na nga kaming pag asa kasi tapos na ang sa amin. At ang apat na taon na pinagsaluhan namin ay mananatili na lang alaala.

Masakit, sobra na halos di na ako makahinga. Akala ko masakit na nung sabihin nyang 'lets break up' at 'di na kita mahal' pero mas masakit pala na makitang may iba ng magpapasaya sa kanya. Para akong namatay muli. Para akong binaon sa kailalaliman at di na makakabangon muli.

Gusto ko magalit at murahin sya. Kasi isang buwan pa lang ang lumipas pero may pamalit na kaagad sya sa akin. Pero di ko magawa kasi nga MAHAL  ko at di ko sya magagawang saktan. Ang tanging magagawa ko na lang ay hayaan syang maging masaya sa piling ng iba. Kasi ganoon naman diba pag MAHAL mo ang isang tao. Kahit ikaw na lang masaktan basta ayos lang sya.

"Ayieee kiss naman dyan ohh" sigawan ng mga tao matapos marinig ang tugon ng babae

Walang pag aalinlangan na hinalikan nya ang babae kahit madami ang nakakita. Na tila ba proud na proud pa sya.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Maglakad papalayo sa taong minahal ko ng higit pa sa buhay ko. Papalayo sa taong minsan akong pinasaya at minahal. Dala dala ang mga sugat na binigay nya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.........I guess its time to say GOODBYE Hiro.

When to Say Goodbye Where stories live. Discover now