Panimula

23 0 0
                                    

Ang saya nila. Makikita mong mahal talaga nila ang isa't isa. Makikita mo sa mga mata nilang nagkikislapan sa tuwing mapapagawi ang tingin nila sa isa't isa. Mga ngiti nilang abot tenga.

Haay! Bakit ba ako ganito? Naiinggit sa mag syotang nakupo malapit sakin. Porke ba magisa ako, may karapatan na silang mang inggit? Bakit, may Denver naman ako aa!

Gwapo sya! Matangkad, tall dark and handsome nga sabi nila ! Mabango! May Abs! Juice ko! Umn! At mahal na mahal ko kaya yun!

Kahit masungit yun, titiisin ko! Kahit bad boy yun ako ang magsisilbing angel nya!

Napa hinto ako sa pag iisip nang may nagiisang taong pumukaw ng pansin ko.

Tindig palang at likod nya kilalang kilala ko na! Alam ko sya yun! Ang maylabs ko! Nandito sya!

Tumayo ako at naisipang lapitan sya ngunit lahat ng excitement at saya ay biglang nawala nang mapadako ang mata ko sa babaeng kaakbay nya.

Sexy , mestiza maganda, mukang sopistikada, may suot na dress na hapit na hapit sa kanya dahilan para lumantad ang ganda ng katawan nya mula dibdib hanggang pang upo nito. Napaka ganda nya bagay na bagay sila.

At kung ikukumpara ko ang sarili ko sa kanya, walang wala ako. Biglang bumigat ang dibdib ko na may kasama pang parang tinutusok tusok.

Kaya ba hindi nya ako magustuhan kasi kumapara sa kasama nyang mestiza , morena lang ako? Sya matangkad ,samatalang ako Hindi man lang umayon sa edad kong dese otso na 5'2 lang. Pareho naman kaming maganda aa! Naka make up lang naman sya ako hanggang face powder at lipgloss lang!mas maganda pa nga ata ako sa babaeng yan ah! Sexy din naman ako! May dibdib at sa awa ng diyos may laman naman ang pang upo ko hindi nga lang halata kasi hindi naman ako nagsusuot ng hapit na damit na halos kulang sa tela!

Hindi ko namanlayan na nagsisimula nang pumatak ang ulan kasabay ng mga luha sa mata ko.

Napakasakit. Sobrang sakit . Ganun ba talaga ako kawalang importante sa kanya? Kala ba nya hindi ako nasasaktan? Bakit! Porke ba besfriend ko sya gaganituhin na nya ako? Porke ba ako tong laging nasa tabi nya pag may problema sya isasan tabi nya nalang ako kapag di nya kaylangan? Porke ba akala nya kahit lagi akong nadito sa tabi nya hindi ko sya matitiis? Sobrang sakit na kaya!

Sana marealize nya na hindi habang buhay na nasa tabi nya ako . Na isang araw maaring paggising nya wala nako sa tabi nya para alagaan at intindihin sya sa lahat ng oras. Sana wag syang magsisi pag bigla nalang akong mawawala.

Kasi kahit ang pinaka malakas na tao, mag kahinaan din. Kahit ang pinaka matigas na bato, pwede pang madurog .. At hindi habang buhay na kung sinong nasa tabi mo sa kasalukuyan, ay mananatili sa tabi mo hanggang sa huli.

Sa pag iisip ko hindi ko namalayan na hindi na umuulan. Iniaangat ko ang aking muka at nagulat ako sa taong nasa harap ko ngayon . May hawak syang payong at bakas sa muka nya ang awa. Awa para sakin.

"Darvin" basag na boses kong tawag sa kanya . Pagkatapos ay niyakap sya bigla at hinayaan ang sarili kong umiyak sa dibdib nya.

"Kelan kaba magpapakabulag sa isang puwing na walang ginawa kundi pagsakitin at paluhain lang ang mata mo kung alam mo namang mayroong isang tao na nagaabang para hipan ang mata mo para hindi kana umiyak pa?" Halos pabulong na wika ni Darvin habang hinahaplos ang buhok ko.

Hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin. Ang gusto ko lang sa ngayon ay ilabas tong sakit na nasa dibdib ko. At kalimutan tong nararamdaman ko.

»»**««

Ang daya mo Yu! Ang daya daya mo! Kinalimutan mo ako! Ang sakit na kung dati sakin ka lang nakatingin, ngayon ay sa iba na! Na kung dati ay ako lang ang tinitibok ng puso mo, ngayon ay iba na ang sinisigaw nito!

Gusto kong magalit! Gusto kong magalit na kinalimutan mo ako. Na ngayon ay di mo na ako kilala. Na hindi mo na magawang ngumiti sa akin ... Ang sakit! Napaka sakit!

Kaylan ba ako magdudusa sa mga kasalanang kahit kaylan ay diko ninais? Kaylan ba ulit kita makikitang ngumiti nang ako ang dahilan?

Kaylan mo ba ulit maaalalang ako ang mahal mo at hindi sya?

Unspoken.. Unheard..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon