TFG 2

2 0 0
                                    

Nagsimula na akong mag strum ng gitara. Huminga muna ako ng malalim bago magsimula

Di mo lang alam
Naiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
Di mo lang alam
Hanggang sa gabi
Inaasam makita kang muli

Nagtapos ang lahat
Sa di inaasahang
Panahon at ngayon
Akoy iyong iniwan
Sugatan, luhaan, di mapakinabangan

Sana nagtanong ka lang kung 'di mo lang alam
Sana'y nagtanong ka lang kung 'di mo lang alam

Damang dama ko ang bawat lyrics na lumalabas sa bibig ko.
Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ko ang paligid.

Ako'y iyong nasakatan
Baka sakali lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam kay tagal na panahon
Ako'y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa 'yo

Lumipas mga araw na ubod nang saya
'Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
Kung ako'y nagkasala, patawad na sana
Ang puso kong pagal ngayon lang nagmahal

Napamulat ang aking mata nang maramdaman ang pares ng matang nakatitig sa akin. Inilibot ko ang aking mga mata para hanapin ang may ari ng mga matang iyon. Alam ko hindi lang basta normal na tingin ang nararamdaman ko ngayon. Iba ang klase ng tingin na iyon. Kakaiba.

Oh, 'di mo lang alam ako'y iyong nasaktan
O baka sakali lang maisip mo naman
Puro siya na lang, sana'y ako naman
'Di mo lang alam, ika'y minamasdan
Sana'y iyong mamalayan
Hindi mo lang pala alam, 'di mo lang alam

Kahit tayo'y magkaibigan lang
Bumabalik lahat sa t'wing nagkukulitan
Baka sakali lang maisip mo naman
Ako'y nandito lang, hindi mo lang alam
Matalino ka naman

Nagtagpo ang mga mata namin. Nakita ko na kung kanino nanggagaling ang tingin na iyon. Nasa parteng gilid ito sa medyo madilim. Mag-isa lamang itong umiinom doon. Tama ako kakaiba nga sya. Hindi basta basta. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya hanggang sa matapos ang kanta.

Kung ikaw at ako ay tunay na bigo
Sa laro na ito ay dapat bang sumuko?
Sana 'di ka na lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang ako'y iyong masasaktan
Nang ganito, sana'y nakinig na lang ako sa nanay ko

'Di mo lang alam ako'y iyong nasaktan
O baka sakali lang maisip mo naman
Puro siya na lang, sana'y ako naman
'Di mo lang alam, ika'y minamasdan
Sana'y iyong mamalayan
Hindi mo lang pala alam, oh

Malas mo
Ikaw ang natipuhan ko
'Di mo lang alam ako'y iyong nasaktan

Pagkatapos ng kantang iyon ay agad siyang tumayo at lumabas ng club.

Bumaba ako mula sa stage at sinundan ko sya sa labas ngunit wala na sya nang makalabas ako.

Ang bilis naman nyang mawala.  Too mysterious.

"Hey pards! Bakit bigla kang lumabas?" Si Denver, sumunod pala sya.

Humarap ako sa kanya at umiling. Muli kong iginala ang mata ko para siguraduhin kung wala naba talaga sya. Nevermind

"Come on. May mga nagrequest ng kanta karamihan for dedication."

Sumunod na ako sa kanya papasok at sa huling pagkakataon ay lumingon akong muli at hindi ako nabigo nakita ko ang misteryosong lalaking iyon na nasa kabilang daan.

Sino kaba? Bakit parang pakiramdam ko ....

----

Tinapos ko lang ang ilang kanta at umalis nadin ako. May pasok pa kasi ako bukas at bukas ang simula ng second semester. Habang pauwi ako,nadaanan ko ang 7/11 bigla akong nakaramdam ng gutom. Hindi naman siguro masamang dumaan kahit saglit lang naka scooter naman ako.

Unspoken.. Unheard..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon