Nagising ako sa malalakas na katok, wait teka sa pinto ba ng kuwarto ko yun? Pagtingin ko sa binta maliwanag na teka anong oras na ba? Pagtingin ko sa phone ko 7:45 am na wow ang haba ng tulog ko..."Clarrise anak bangon na may bisita ka" boses ni mama yun bisita? Sino naman? At ang aga huh
"Opo ma sige bababa na ako after maligo" sagot ko
So binilisan ko ang ligo kasi baka kung sino yung naghihintay ayuko namang humarap ng di ako ready mga 10 minutes lang siguro ako naligo tapos bihis agad ng pambahay. Pagbaba ko nakita ko si mama, nathan at si papa na may kausap at yun ay si zach wow ang galing talaga manira ng araw.
" oh anak kanina ka pa hinihintay ni zach nakakahiya " sabi sakin ni papa naku patay pag nalaman nila na magkaaway kami kaya ini'on ko na ang platic mode
"Bat andito ka?" Sorry di ko pala kaya yung plastic mode pakatotoo nalang
"Anak that's rude of you, hindi mo ba alam na kanina pang 6 am yan nandito si zach at siya pa ang naghanda ng breakfast?" Pagalit sakin ni papa at napatigil ako sa sinabi niya si zach naghanda ng breakfast? Really?
"Sorry pa" sabi ko na lang
"Hayaan mo na tito medyo galit pa po ata si clarrise sakin because of what happened" sabi niya wait ibig sabihin kinuwento na niya kay papa?
"Pasensya kana ijo, sya nga pala clarrise nakwento na niya sakin na nagkatampuhan kayo sa galera at napagliwanag na niya sakin ang nangyari makipag-ayos kana" sabi ni papa aba at siya pa talaga ang nagsumbong kay papa sigurado ako na iba ang sinumbong nito. Dumiretso na ako ng mesa at kumain ng breakfast, infairness masarap yung omelette
"Alam ijo pwede kana mag-asawa marunong ka pala magluto talo mo pa ako" puri ni papa sa luto niya
"Ahh thank you po tito" sagot niya
"Oo nga ijo suwerte pala sayo etong anak ko pagnagkataon" singit ni mama
"Ma" pigil ko kay mama
"Joke lang anak" bawi ni mama si zach naman tumingin sakin at ang kapal kinindatan ba naman ako eh magkatapat kami ng upuan sa irita ko sinipa ko paa niya sa ilalim ng mesa kaso nagtaka ako ng
"Aray! Ate naman bat ka ba naninipa?" Biglang daing ni nathan paa niya pala yung nasipa ko
"Ay sorry Nathan di ko sinasadya" sabi ko at pagtingin ko sa mokong nakangiti lalo akong nangigigil naku kung wala dito sina mama at papa lagot ka sakin
Pagkatapos namin kumain si mama ang naghigas si nathan umalyat sa kuwarto niya si papa naman nagready na para pumasok sa trabaho kaya kami ni zach nalang ang nasa sala
"Hoy hindi ko pa nakakalimutan yung sinabi mo sa akin para sabihin ko sayo at anong version ang kinuwento mo kay papa huh?" pabulong kong sabi sa kanya
"Clarrise That's why I came here to apologize and peace offering ko yung paghanda ng breakfast para sayo" sabi niya sakin at hindi ko alam kung bakit natuwa ako sa sinabi niya "Clarrise please sorry na alam kong masyadong masakit yung salitang binitawan ko pero nasabi ko lang yun dahil..." Hinihintay ko yung sasabihin niya pero bakit di niya matapos
"Dahil?" Tanong ko na medyo naghihintay sa sasabihin niya
"Teka ako lang ba magsosorry? Hindi mo pa nga naipapaliwanag kung bakit nakaibabaw sayo si dylan pasalamat ka di ko sinabi yun sa papa mo" biglang pag-iba niya ng sasabihin
"Eh pano ako magpapaliwanag walkout ka agad, aksidente lang na natisod siya at ayon napaibabaw siya sakin" sabi ko
"Eh bakit kayo bumalik sa room ng kayo lang?" Tanong niya
YOU ARE READING
My Fortune-Teller (Completed)
Teen FictionNaniniwala ka ba sa Hula? Pano kung yung akala mong laro-laro lang eh nagkakatotoo na? And what make it worst pano kung puro negative yung hula na binigay mo sa taong future someone mo? Kaya pa kayang pigilan ang sumpang hatid ng tarot cards na gina...