Venice
"Venice, bangon na jan may sundo ka sa labas. Bilis na!" Boses ni Aria yun
Pagod na pagod pa ako, tama na ayoko na! Timeout muna, kalmahan natin ang buhay baka bukas tayo'y bangkay.
"Sabihin mo bukas na sya bumalik antok pa ako, bawal istorbo may bukas pa" Ako sabay ang subsob ng mukha ko sa unan ko
"Nandito si Prince Ash, pag hindi ka jan bumangon papasukin ko sya sa room mo ngayon," Jade na tinakot pa ako
"Wala akong nadidinig, bahala ka jan." hindi ko na sya pinansin, bahala sya jan
Ang aga aga pa eh istorbo kakainis napuyat kaya ako kagabi kaka practice, hindi ko na nga din alam kung hanggang saan nalang ako, feeling ko hanggang ngayon na lang din talaga ako, unti nalang malapit na ako sumuko.
Tumakas na nga lang ako kagabi eh kasi may training pa ako sa palasyo kung paano manamit at kung ano ano pa, actually naka schedule nanaman ako ngayong araw sa palasyo.
Ayoko na talaga! pwede ba maging isang puno nalang, tamang patangay lang sa hangin.
Maya maya eh may naramdaman akong umupo sa bed ko, bahala ka jan Aria hindi ako makikinig sayo inaantok pa ako. Kahit anong pilit mo hindi ako makikinig.
"Hey sleepy head wake up, you're late on your classes inside the palace."
Sa salitang yun bumilis agad yung tibok ng puso ko kaya napadilat ako ng mata laking gulat ko ng makita ang isang gwapong nilalang sa harap ko, ay jusko santa maria! Ang pogi!
"Bakit ka nakapasok dito?" Ako
"Kasi may pinto?" he said while looking at me
Alam kong may pinto, oo hindi pa naman ako tanga ng tuluyan. Goods pa naman ako.
"Lumabas ka nga, bawal ka dito!" Ako
BINABASA MO ANG
The Long Lost Powerful Princess (Book #1)
FantasyWorld of Magic? Sounds ridiculous right? She didnt expect that at all! She grew up in a mortal world where she experience all the pain, hatred and sadness. She is scared of her life, she is in pain for all of her life coz the world that she's in is...