Notebook (One shot)

66 4 0
                                    

Her POV:

Yung feeling na nakakabagot ang araw na'to ang sarap mambugbug ng mga alien na aaway sa akin.

"Carlota!" - sigaw ng mama ko.

"Ma naman pwedeng Carley nalang ? napaka oldies naman ng Carlota" - ako.

Hindi naman sa kinakahiya ko 'tong pangalan ko pero parang ansakit lang kasi sa tenga pag si Mama yung sumigaw sa pangalan ko.

"Ahhh! kaw talagang bata ka bantayan mo yung carenderia may pupuntahan lang ako wag kang tatakas at wag kang tatamad tamad kung hindi kukunin ko yang mga gadgets mo!" - Mama.

No Choice. Para naman malibang ako at ayaw ko ring mawala tong cellphone at laptop ko nu!

"Opo" - magalang kong sabi.

Maya-maya pay umalis na si Mama at nandito narin ako sa carenderia.

Ako ang cashier. Ayaw ko kayang mag serve. Kinuha ko yung notebook ko.

Nag sulat ako sa likuran ng notebook ko wala akong magawa eh! sinusulat ko yung kilig moments namin ni Crush. Ayeee!

Actually my crush ako simula high school hanggang college. Hindi ko nga akalain na hanggang college magiging schoolmate kami.

Kaya ayun todo sa pagpapaganda ang ate niyo. Kaya sinusulat ko ang mga future na gagawin namin hehe.

Sa katunayan mag kapitbahay kami kaya nga lang subdivision yung sa kanila.

"Carley! mag focus ka muna jan sa pagiging cashier mo! naku maya niyang love-love na yan!" - Niley. Bestfriend ko. Dito din siya nagpapart-time job sa carenderia namin. Pag walang pasok.

"Naku girl! pag ikaw makita ng mama mo ewan ko nalang goodbye crush nalang ang masasabi ko!" - Pangangaral niya sa akin.

Eh! sa Ate ang peg niya eh!. Biglang bumaba yung kapatid kong over maldito naku! sarap tirisin.

"Carlota mag lalaro lang ako" - Carloy.

"Wow! ang galang ng pagkakasabi mo Carloy Ah!" - ako.

"Tss. I'm Jake" - siya.

"Aba! kailan ka pa na bininyagan ng bagong pangalan ?"

Ayun nilayasan lang ako ng magaling kong kapatid tss! ang saraap talagang tirisin!

"Best Crush mo papunta dito!" - bulong sa akin ni Niley.

Panic mode!! kinuha ko agad yung salamin ko. Baka makita niya ako na may panis na laway naku nakakahiya kaya.

Nung tapos ng pumili ng ulam si Crush pumunta na siya kagad sa akin. I mean magbabayad na siya. Ayeee! mahahawakan ko nanaman yung kamay niya!

Actually, it's not my first time na hawakan yung kamay niya kasi kapag weekends dito siya bumibili ng ulam sa carenderia namin.

"150" - sabi ko.

Tapos inabutan niya ako ng pera. Sh*ttt!! ang lambot talaga ng kamay niya.

"Miss!" - sabi niya na nakangiti. Omaygad nasobrahan ata yung pag dedaydream ko. Binitawan ko na agad yung kamay niya.

Sorry naman ang lambot kasi. Ngumiti lang siya sa akin.

"Ayy! sorry" - sabi ko sabay yuko. Nakakahiya ka talaga Carlota.

Kinabukasan. . . .

Ginawa ko na agad yung daily routine ko. Tapos bumaba na ako para mag breakfast.

"Carlota! Umuwi ka kaagad ha! walang magbabantay ng carenderia" - Mama.

"Opo" - ako.

Nag tootbrush agad ako at nag paalam na kay Mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Notebook (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon