Masarap Umibig, Pero Hinay-hinay Lang! Isipin Mo Rin Ang Sarili Mo.
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
JV POV
*tok tok tok*
"Nak gising na ho ,maaga pa ho ang pasok nyo" Sabi ni yaya Meding. Nanay Nanayan Ko sya dito sa bahay. Dahil wala ang aking mga magulang. nasa ibang bansa sila at busy sa pagpapalago ng Kompanya.
*hikab* ano ba yan . Firstday nanaman pala ng pagpasok sa school. Nakakatamad !
Hi Ako Nga pala Sa Janzel Venice Chua . 16 y/old .Maganda ,Sexy at Mayaman. Nagaaral ako Sa Pinaka Sikat Na Academy Na Pagmamay ari ng Aming Pamilya. Ang Harizon Academy. Na ibinigay ng aking mga magulang Saakin.
Sa paaralang iyon hindi niLa ako kilala bilang mayaman, na ako ang may ari ng skwelahang iyon at na ako ay ang kaiisa-isang anak ng pinakamayamang tao sa buong mundo. Kapag pumapasok Ako doon ay isa Lamang akong hamak na Simpleng Mag-aaral. Ginawa Ko un para makaranas ng simpleng pamumuhay. Hindi ako kagaya ng ibang mayayaman na Akala mo porket nakakaangat sila sa iba. Feeling nila Lahat ng tao mapapasunod nila at pagsisilbihan sila kapag nalamang mayaman sila. Mostly kasi Puro sila Plastik. Ayoko Ng ganun , Ang Gusto Ko maranasan ko ang mga pangyayari sa buhay ng isang ordinaryong babae. Hindi Bilang isang tagapagmana kundi isang Simpleng babaeng Hindi Marunong mangApak ng ibang tao.
Pagkatapos Kong gawin ang aking daily Routine Gumayak na ako papuntang school. Sumakay na ako sa HIACE na nagsisilbing taga sundo at taga hatid ko sa school ,eto ang inirequest ko kay daddy para di magmukhang mayaman sa harap ng mga estudyante. remember isa akong Simpleng babae sa school ko.
"Magandang Umaga Po Kuya Bert" Ngiti ko habang paupo sa sasakyan.
"Magandang Umaga Rin Sa Pinakamaganda Naming Alaga" Ganting bati at ngiti nito.
"Aba Syempre po, Namana Ko Po ito sa tatay at nanay ko. At syempre ho mang bert ,ako lang naman po ang alaga nyo" Natatawang sabi ko.
"ikaw talagang bata ka, May NakaLimutan kapa ba Prinsesa ?" Sabi Nito At Pinaandar Na Ang Sasakyan
"Wala na ho, ay sandali po. Si Nanay meding mukhang papunta rito" sabi ko ng Makitang Nagmamadaling pumunta samin ang yaya .May inabot Sya Saaking Baonan
Vegetable Salad Pala Ang Laman Nito. Nagutom Tuloy ako
Gustong Gusto Ko Talaga Sa GuLay. Di Ako KatuLad Ng Mga Ibang Tao Na Hate na hate nila ang Gulay. Na Kapag Yun ang uLam Nila Ay Halos Isumpa Na nila ito.
*Sa School*
Naglalakad Na Ako Ng Dalhin ako sa Gym Ng aking Mga Paa. Hindi Pa Naman Kasi Oras para Sa Unang Subject ko. Senior High na pala ako.
Nakita Kong May Mga Nagbabasketball, Volleyball At Badminton. Maluwang Kasi Itong Gym Namin. Dito Halos Lahat Ng Laro May Mga dapat na pwesto. Meron din sa labas. Pero ito Talaga ang pinakamalaki sa Lahat. Pinagawa ko ito para kapag tagulan pwdeng pwdeng maglaro ang mga studyante.
Pabalik na ako sa Classroom namin ng Biglang
*Boogsshh*
(AN: Sorry di ako marunong sa sound effects)
"Aray" Natamaan ako ng Bola ng Volleyball. Aba Matigas din un ha! Ang Sakit Kaya Grrrr! Sino Ba Ang Hinayupak Na May kasalanan kung bat ako natamaan ng bola.
Pagtingin ko Sa Mga Player. Naningkit ang Mata Ko Ng makita kung sino ito. Si Beatriz Jean Uy! Ang Varsity Ng Volleyball Team. Letche Napaka Hangin Kaya ng taong yan. Porket Pamilya nila Ang Pangalawa Sa pinakamayaman sa buong mundo akala mo kung sinong umasta! napaka yabang! Kinakainisan Ko yang Taong Yan! Ayoko sa mga taong mahahangin!
"S-orry M-iss, T-atanga-t-anga k-a k-asi, D-i K-aba M-arunong T-umingin" pasigaw na sabi nyang nabubulol habang nakaharap sakin. Gago Un aa. Sabi Sainyo ee Masama Ugali Nyan! Ako Na Nga Natamaan Ako Pa Tatanga-Tanga . Ee Kung Hindi Sya Bobo At Sakin Pinapunta ang dereksyon ng Pagpalo Nya Sa bola malamang hindi ako matatamaan.
"Ikaw Na nga Nakatama sakin, Ikaw Pa May Ganang Sigawan at sabihan ako ng tatanga-tanga!? ,Wow Ha Miss Uy! Wala kang Modo! Bastos! " Hindi Ko Na mapigilang saad ko. Letche sya! Saka ako tumalikod at umalis. Tinignan Ko Ang Relo Ko. Naku Patay 10mins. Na akong Late Sa Klase ko. Pero dibale na kilala naman ako ng mga Teachers dito. Panigurado di un magagalit. Kasalanan To ng Bj na un ee. Ngayon Lang Ako Malilate sa Klase. Runing For Valedictorian din ako. Matalino kaya ako hehehe. Namana Ko ata sa Mga Magulang Ko. Dahil Lahat Ng Subjects namin Napakadali lang aralin para sakin. Kaya Madalas Maraming Gustong makipag kaibigan sakin dahil sa angkin kong katalinuhan. Pero Sorry sila, Ayoko sa plastik. Gusto ko kapag makikipagkaibigan sila ung walang hinihinging kapalit.
"Good Morning Maam, Sorry Im Late" Sabi Ko Ng makapasok sa kwarto. Tumango naman ang Teacher ko. See? Sabi Sainyo Hindi sya magagalit. Alam Kasi Nila Kung Sino Talaga Ako. Pero Winarningan ko sila na wag akong tratuhin na espesyal at wag nilang sasabihin ito sa Kahit kanino.
Hanggang Natapos Ang Klase. Pauwi Na ako Sa bahay ng May HumiLa Sakin
"Hi , Beatriz Jean Uy Nga Pala" Sabay Lahad ng kamay neto sakin
Tinaasan ko lamang sya ng Kilay. Hanggang paguwi ko ba naman Hindi parin kaaya-aya
"i dont care" sabi ko ng maglakad ng muli. Hinihintay na ako ni Kuya Bert Panigurado.
"waiiiiit" sabi nito na kumaripas ng takbo papunta sakin. Habang Nagkakamot sa uLo. Para Syang Batang Nahihiyang Umamin sa Crush Nya. Hahaha . wait bat ako natatawa sa pagmumukha ng Babaeng To! Na Nagsabing Tatanga-tanga ako!
"WHAT!?" sigaw ko sakanya. This is not me. Lumalabas ang pagkamaldita ko. Nakakainis Sya ee
"So-so-sorry pala kanina ,Kasi Ano... Ahmmm" Sabi nyang Parang hirap sabihin ang sasabihin nya "Nasabihan kita ng..."
"Tatanga-tanga" icut her off.
"Uhm oo kasi ano ee. Hindi ko naman sinasadya. Pwd ba akong Bumawi ? , Treat Kita Kahit Saan" Nakangiting sabi nito
Ang Ganda nya palang ngumiti. Matangos ang maliit nyang ilong ,Mejo May pagkasingkit ang kanyang mata. Maliit at mapupulang mga labi na kahit hindi na kailangang lagyan ng lipstick magiging maakit akit na. TEKA ano ba tong ginagawa ko. Tinititigan ko sya. My Gwad!
"i dont need your money" pagiiba ko. "if you excuse me. kailangan ko ng umuwi. Hinahanap na ako ng Mama at Papa ko. At marami pa akong mga assignment na gagawin" Sabi ko at nagpatuloy ng naglakad.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Hindi ko Alam Kung importante pa ako Sayo
-jbblnn