Butterflies in my Stomach

100 2 2
                                    

Isang beses nanaginip ako,

May mga kasama akong mean girls

Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan ito

Naglalakad kami sa hallway at nang umabot sa dulo ay nagpaalam na ako.

Nabigla ako sa nakita ko,

Pababa ako sa hagdanan

Sa dulo nito may lalaking nakaupo

Pero siguradong sigurado ako

Kilalang kilala ko ang likod na ito

Si long time crush... 

Napalingon siya sa akin 

Nagulat akong nang bigla siyang ngumiti at inilahad ang kamay sa akin

Humawak naman ako

Inalalayan niya ako pababa

Akala ko bibitawan na niya ang mga kamay ko pero nagkamali ako

Nang masiguradong nakababa na ako ay hinigpitan pa niya ang hawak

Hawak na hindi normal, yung parang magboyfriend-girlfriend

Nabigla ako pero nagpatangay na din ako

Nakita ko ang mga kaibigan ko na malapit lang sa may hagdan 

Nilagpasan lang namin sila at nagpatuloy sa paglakad

Nang makalayo kami "Ok na ako, pwede mo na bitawan" sabi ko sa kanya

Ngumiti lang siya sa akin

Kinabukasan, pababa ulit ako ng hagdan

Akala ko inaabangan niya ulit ako

Pero mukhang hindi

Dahil nakita ko ang best friend ko na nakaupo sa hagdan

Nakalahad naman sa kanya ang kamay ni long time crush

Iniabot niya ang kamay niya at naglakad sila

Napatingin siya sa akin

Sumenyas ako ng "Ok lang, papahiram ko muna siya sayo"

Nang makalayo sila

Hindi ko alam pero mabigat talaga sa pakiramdam

Pero sabi ng utak ko "Ok lang"

Pero sabi ng puso ko "Ouch"

Biglang bumulong sa akin ang isa ko pang kaibigan

"Nagseselos ka no?"

Nagising na ako.....

Ang sakit pala kahit panaginip lang.....

Ok na eh, kinikilig na sana ako eh.....

DREAMLANDWhere stories live. Discover now