Travelling Soul

22 2 0
                                    

Papunta ako sa bahay ng kaibigan ko

Sa Kawit ang focus ng punta ko

Sumakay ako ng bus at nagjeep para makapunta sa pakay ko

Nakababa na ako sa jeep

Masukal ang daan

Parang lugar sa mga horror films

Malubak at walang tao

Madilim at mukhang probinsya

May nakita ako,

Buntis..

Nilapitan ko siya at tinulungan

Paano ko siya tutulungan? sabi ng isip ko

May paparating, lalaki na may dalang lampara

Tinuro niya sa akin ang nasa likuran namin

May isang clinic pala dito

Bakit hindi ko napansin kanina? nasa isip ko

Nagpatulong ako sa lalaki

Ipinasok na namin sa loob

Namangha ako

Nabigla rin

Hiniwa ang tiyan niya at lumabas ang sanggol

Pwede na kaya akong umalis? sabi ko

Lumabas na ako,

Naghihintay ako ng masasakyan

May paparating, 

isang tricylce pero kakaiba

Dalawa ang sakayan,

Hindi ako sasakay, isip isip ko

Nanatili akong nakatayo

Lumipat ang pasahero sa kabilang upuan at tumabi sa daan

Dumami ang tao, may bus sa gilid

Ganito pala ang sitwasyon kapag pumapasok siya sa school, sabi pa rin ng isip ko

Padami ng padami ang tao

Nagulat ako nang may nagsalita

Nagdikit dikit ang mga tao

Yung katabi ko nakahawak sa may bandang ibaba ng tenga ko

Hindi ko naman pinansin

Nang lalo pang dumikit ang mga tao

May binulong yung babae sa akin

Nagising ako....

Kinakabahan ako....

Hindi ko maalala kung ano ang binulong sa akin pero malaki ang pasasalamat ko sa bulong na iyon dahil sa nakabalik ako sa bahay namin....

Feeling ko bangungot iyon....

Feeling ko naglakbay ang kaluluwa ko....

Nararamdaman ko pa rin ang hawak sa ilalalim ng tenga ko....

Ano kayang ibig sabihin noon....

Pero..

Thank You Lord! I love you po, Amen.

DREAMLANDWhere stories live. Discover now