A/N: This story is a true to life story.
Just sharing something that always makes me smile. ^_^
♥♥♥
I can still remember that day...
Bandang 10PM ng Friday yun. Late na akong umuwi from work dahil busy as usual sa closing ng books. I'm working as Accounting Assistant sa isang call center company sa Ayala, Makati.
Dahil hindi na ako umabot sa LRT, tatlo ang option ko kung paano umuwi. Sumakay ng bus along EDSA, take a jeepney ride sa kahabaan ng Taft or sumakay sa FX hanggang Monumento. Pagod na ako that time kaya pinili ko na lang ang sumakay ng FX dahil pwede pa akong matulog sa byahe.
Eh di pumila na ako. That time kasi wala pang available na FX sa may baba ng LRT Gil Puyat station. Buti konti lang ang tao at makakasakay agad ako kapag may dumating ng sasakyan.
Habang nasa pila ako, napatingin ako sa lalaki na nasa unahan ng pila. Nakatingin kasi siya sa akin. Bale kasi pangatlo ako sa pila. Kaya kita ko si Kuya.
"Hmm... Cutie si Kuya! Hehehe." Yan ang naisip ko that time. Partida madilim pa nun ha!
Eto ang description ni Kuya; mga 5'8" ang height, maputi, Boy Next Door type, neat looking, naka jacket na black na ONE PHILIPPINES ang nakalagay sa likod. Oh di ba? hindi ko naman masyado siyang pinagmasdan. Medyo medyo lang. Hehe.
After mga 10mins siguro, dumating na yun sasakyan at buti na lang hindi FX. Van na colorum kaya mas comfortable.
Pinauna ako ni Kuya na cute sa pag-sakay. Gentleman huh!?
Nun nakaupo ako, sa tabi ko umupo si Kuya. Naisip ko tuloy, type ako ni kuya? Syempre feelingera ako kasi naman ang dami naman pwede upuan di ba? Hihihi... Bakit tumabi pa sa akin? At ang song na nagpe-play nun time na un at "Pretty Boy" lang naman. Hehehe. Theme song ba eto?
Tapos nun magbabayad na, P50.00 kasi ang pera ko tapos siya naman ay P100.00. Ang pamasahe ay P45.00 naman. Feeling ko gusto ako ilibre ni Kuya. Assuming ako masyado! Hahaha! Eh kasi ayaw niya kuhanin un pera ko nun nagbabayad ako. Tapos sabi niya dun sa nagko-collect ng pamasahe eh dalawa. Binigay niya na kasi un P100.00 niya. Pero kinuha din ni Kuya yun pera ko after at binigyan ako ng five pesos.
Sa peripheral ko, nakikita ko na tinitingnan ako ni Kuya. Hala! Baka naman mamaya ay snatcher pala si Kuya. Pero hindi eh. Ang cellphone niya kasi ay iphone at ako naman ay nokia user. So alam na! Hehehe.
At dahil nga sa inaantok na ako nun panahon na yun, natulog na ako. Ikaw ba naman ang magtrabaho ng mahigit sa 15hours everyday for the whole week di ba?!
Sorry Kuya pero inaantok na ako.
Ayun nga, natulog ako gaya ng plano ko. Mahaba haba din naman kasi ang byahe mula sa Gil Puyat hanggang Monumento, lalo na kung ang daan ay sa Roxas Boulevard at Friday pa! Mga 30mins din siguro kapag hindi traffic.
Medyo naalimpungatan ako nun nasa bandang Tondo na. At nagulat ako kasi hawak na ni Kuya ang kamay ko. At take note! Hindi yun aksidente lang na napatong. Kasi naka intertwined eh! Pero yun way na nakapatong yun kamay niya sa kamay ko. Ang alam ko nun natulog ako, nakapatong sa bag ko na nakalagay sa lap ko un dalawa kong kamay. Nasa side ko na kasi yun kamay ko nun nagising ako.
Pero syempre hindi ako dumilat agad. Pinakiramdaman ko muna. At teh! May kuryente! Promise! Pero syempre kahit na ganun, stranger pa din si Kuya. Kaya nagpakita ako ng sign na magigising kuno na ako. At naramdaman ko binawi na niya yun kamay niya. Deadma kunwari si Kuya. Hehehe.
May family outing kasi kami the next day at may mga text na sa phone ko at hinahanap na ako. Hindi pa kasi ayos yun gamit ko, hiram ng bathing suit si kapatid, etc. So habang nagtetext ako, nakikita ko na naman sa peripheral view ko na tinitingnan ako ni Kuya at ginagamit din niya yun phone niya. Yun tipong gusto na niya hingin yun number ko. Kaya hindi ako tumitingin sa kanya. Hehehe. Shy ako eh! Hahaha. Kunwari lang.
Napapatingin ako sa kanya at tinitingnan niya din ako, kaya biglang bawi ako ng tingin sa kanya. Kilig na kilig ako teh!
Eh malayo pa naman sa destination ko at medyo antok pa din ako kaya balik sa tulog ulit. Pero hindi na ako makatulog kasi masyado na akong aware kay Kuya.
Mga 5mins later after ng pagtutulug-tulugan ko, naramdaman ko si Kuya na gumalaw ulit. Dumidikit sya sa akin. Hala! Type nga ako ni Kuya! At kaya pala bumagsak sa side ko yun kamay ko ay hinahatak niya yun braso ko. Tsk! Spell awkward lang! Kaya hindi ko na tinuloy yun plano ko na pagtulog.
Dumating na sa Monumento ang van at nagbabaan na ang mga pasahero. Pero si Kuya, hinawakan pa niya ang door ng van at hinintay ako na makababa. Siya kasi ang unang bumaba kasi nasa dulo na side ako. Syempre nag-thank you ako. Kasi pwede naman na hindi na niya gawin yun kasi hindi naman kami magkakilala.
Same way pala kami. At ayun, hindi na nakatiis si Kuya. Nagpakilala siya sa akin. Nginitian ko lang siya. Syempre don't talk to stranger ang drama ko. Pero dahil cute naman si Kuya at mukhang harmless, sinabi ko na din yun name ko. Hiningi niya yun number ko. Well, wala naman mawawala kung ibibigay ko di ba? Pwede naman na hindi replyan.
At dun na nga nagstart ang friendship namin. At eventually, alam na!
Kapag sumasakay ako ng FX ngayon, lagi kong naalala ang gabi na yun. Kung kelan ko nakilala si Kuya.
Si Kuya na ngayon ay si Hubby na. ^_^
♥♥♥