Ako pala si Dianara Johnson, 16 years old at nakatira sa mansion na sobrang laki. Ang lupain namin ay umaabot hanggang sa paanan ng bundok. Galing ako sa Pamilya ng mga sikat at iniidolong mga tao. Ang Lolo ko ay dating sikat na Congressman pero nag-retiro na siya. Ang Lola ko naman ay dating sikat na Artista, sikat pa 'din naman siya ngayon. Ang Father ko ay Doctor siya ang nakadiskubre ng cure para sa Cancer. Si Mama naman ay isa ding Artista, sumunod siya sa yapak ng mga paa ng lola ko. Eh ako anong nangyari? Haha isa lang akong nerd na mahilig sa Anime and Manga (Japanese Comics) I really like to cosplay too. Otaku kumbaga.
Gigising sa umaga kukumustahin ko ang mga Anime figurines ko. Ehem! I collect anime figurines parang naging hobby ko na siya. Sa sobrang addict ko sa Anime naging ganito na ang buhay ko. Tamad, Batugan at Walang ginawa kundi magkulong sa kwarto buong araw. Syempre kapag weekend lang. Kailangan kong mag-aral para sa kanila isipin mo ba naman na sikat ang pamilya mo tapos ako wala Nerd lang na walang pakialam sa mundo.
Hindi ko expected na maging ganito ako ka-addict sa Anime and Manga. I don't know nanonood lang ako ng Anime dati tapos yun nagustuhan ko na. Parang siya na ang source of inspiration ko. Ayiieee! Lakas ng tama ko haha. Mas lalo na ang mga cute and handsome boys sa Anime OMG ang lakas ng tama ko sa kanila parang nadedevelop na ang pagiging Fangirl side ko.
Well, most of the girls ngayon K-POP ang gusto as in grabe ang mga tili nila kapag nakita na nila ang mga iniidolo nilang k-pop superstars. Hindi nila ako gayahin internal scream lang bawal kasi akong sumigaw baka makabulabog ako ng mga ghost dito sa mansion at tsaka baka masaniban ako haha ayaw ko naman 'yun.
As days pass by heto pa din ako nagkukulong sa kwarto bababa lang ako kung nagugutom na ako atleast I have my own Comfort Room (CR) actually every kwarto naman ata merong sariling CR.. Nakalimutan ko na sa sobrang tagal ko na dito sa kwarto ko. Concern na din sila Mama sa akin pero wala naman sila buong araw. Busy sa taping si Mama at si Papa naman busy sa pagma-manage sa Clinic niya so very rare kaming nagkakausap. Si Lolo at si Lola naman nag take ng Vacation sa Bahamas iniwan ako mag isa dito sa bahay. Ang only companion ko lang ay ang mga Maids and Caretakers ng bahay.
Parang may nakalimutan akong isang tao sino na ba yun??? Hmmm sino... sino kaya...
"Dian! Dian nasaan ka?? Magisa ka nanaman dito sa bahay ano? Hoy magsalita ka.."
Hay nako Oo pala May kapatid ako.. Muntikan ko nang makalimutan.
"Bakit?? Busy akong nanonood dito ha! Wag kang maingay" siya pala si Sam Johnson ang pinaka kinaiinisan kong kapatid.
Umakyat si Sam sa Second floor then he opened the door to my room
"Huy.. puro kengkoy nanaman pinapanood mo jan.. Lumabas ka kaya para naman sampalin ka ng reality. Puro ka Cartoons!"
Hay nako!!! Sa sobrang inis ko binato ko yung unan ko sa kanya tapos bigla namang tumakbo ang engot na yun. "Wag ka nang babalik!" Leche naistorbo tuloy ako ughhh...
Ang kapatid ko ay isang busy college student minsan lang siya dumalaw sa bahay, may dorm siya sa college na pinag aaralan niya. Hindi lang ordinaryong college yun. College yun nga mga matatalino, sikat at mayayaman kaya parang nakakahiya kapag ako nang nag-aral dun, buti nga nakapasa ang idiot kong kuya. Matalino naman siya pero bad ang ugali at ang sakit pa manalita.
Ang pinaka hate ko pa dun daw ako mag-aaral, dun sa college na pinag-aaralan ni kuya. 1 month nalang Graduation na.. huhuhu :'( College na ako sa susunod na pasukan naghahalo na ang kaba at takot sa buong katawan ko. Paano na ang Anime na pinapanood ko mga Manga na binabasa ko? Magiging busy na ba ako pagdating sa College? Omg I can't think clearly...
Graduation na, heto nanaman ang kalbaryo sa buhay ko. Ipapahiya nanaman ako ng mga feeling kong kaklase na akala mo mga magaganda ehh hindi naman talaga. Last year may pumatid sa akin kaya nag-stumble ako papuntang stage, kung pwede lang sanang ibaon ko ang sarili ko sa lupa sa sobrang kahihiyan gagawin ko pero nangyari na eh. Tumayo nalang ako and then naglakad papuntang stage na tinatawanan ng mga teachers and students. Pati ba naman ang mga teachers tumatawa, hay nako my high school life is a mess talaga. Loner na nga lang ako ganyan pa sila sana ma-feel din nila kung ano ang feeling ng mapahiya sa harapan ng mga tao. Sabi ko sarili ko hindi ako iiyak hanggang kaya ko pa pero sobra na eh, sobra na ang panlalait na dinanas ko.
Mag hintay kayo gaganda din ako haha!
"Baliw ka na ata Dianara, kinakausap mo na ang sarili mo haha .. ikaw? Gaganda? As if! eww"
Kainis 'tong babaeng 'to akala mo maganda hindi naman. Hoy! Tadtad ng make-up yang mukha mo ang pangit mo 'din kaya kapag wala kang make-up. Hay nako wag ko na nga lang pansinin..
Nagtapos ang Graduation Ceremony na sobrang saya pero ako hindi masaya. Ang malas ko naman ngayong araw na ito huhuhu bumisita nga ako sa fortune teller mamaya para malaman ko ang magiging future ko haha..
*after few hours*
Ohh heto nga ako bumisita sa isang fortune teller na si Manang Garcia siya ang sikat na fortune teller sa bayan namin.
"Hello po Manang Garcia"
"Halika dito Pumasok ka"
Pumasok ako sa isang magandang tent na pinapalibutan ng mga anting-anting at may Crystal Ball sa gitna ng lamesa.
"Ano ang maitutulong ko sayo?"
"Ahmm manang this week sunod sunod ang kamalasan na dumadating sa buhay ko. Ano po ba ang pwede kong gawin?"
Hinimas himas niya ang Crystal Ball na nakapikit ang kanyang mga mata tapos bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinaplos haplos ito.
"Ang kamalasan mo ay panandalian lamang pero ito ay babalik ulit. May tatlong magandang mangyayari sa buhay mo tatlong mahalang pangyayari na makakapag pabago sa iyong buhay..."
YOU ARE READING
Richness Or Richmond?
RomanceMayaman at Carefree sa buhay 'yan ang story ni Dianara Johnson. Isang babae na low class at walang ginawa kundi magbasa, manood at magkulong sa kwarto. Siya yung babaeng matino pero kalog. Siya yung babaeng hindi showy sa kayamanan nila pero limpak...