Liza's pov
Kinabukasan na ang kasal, I bet sobrang excited ni hailey pati ng fiancé niya ngunit nagtataka ako kung bakit hinde ko pa siya nakita
Sino ba talaga ang etchoserong boyfriend ni ate Hailey at ako'y nagiging curious na....
"Anak,may practice ngayon diba?" tanong ni mommy saakin
"yes ma! kilala niyo po ba ang fiance ni ate Hailey?" tanong ko
"Yes, Bakit?" tanong niyang naktataka saakin
"well, nacucurious lang po talaga ako kasi hinde ko pa siya namemeet, ni hinde ko nga siya nakikita sa practice namin" sabi ko
"well, that's because he is too busy" sabi saakin ng aking mommy
"so, mamaya makikita na ba namin siya?" tanong ko
"probably yes, pero hinde ako sure" sabi saakin ni mommy
"Ah okay" sabi ko at tumungo na sa practice
naabutan ko ang bakla naming trainor at pinapasok niya ako sa loob kasunod kong pumunta sa practice ay si liam he is wearing a v-neck grey shirt and blue faded denim pants...
"Guys! may important akong meeting ngayon paki sabi nalang na hinde ako makapunta sa kanila...natext ko na rin si hailey at si nabing mamayang 1:00 na mag resume ang practice natin" aniya
I forgot to tell you na college student pala ang trainor namin at kasalukuyan ay may MEETING sila ngayon and that means I will be stuck with liam again....
"sige guys go na meh...bye" aniya at lumabas na
"paano ba yan tayo nalang ang nandito may maisip ka bang gawin natin para hinde naman boring" sabi ng katabi ko na si liam
"i text nalang natin sila tapos umuwi na tayo" sabi ko sakanya at akmang kinukuha na ang aking cellphone
"okay pero dapat mananatli nalang tayo dito tutal malapit naman mag 1:00" sabi niya saakin
"saan naman kaya akong kakain...tss" sabi ko sa aking sarili
"let me treat you then" sabi niya
"eh diba nga dito na tayo MANANATILI tapos ngayon may nalalaman kapang treat treat jan !!!" sabi ko at inirapan siya
"Sungit!"Aniya
"wala naman akong planong kumain sa malayong lugar...meron nga kasi pong fast food malapit dito" dagdag niya
"KUNG IKAW LANG ANG LILIBRE WAG NALANG" sabi ko ko at inirapan ulit siya
"tss..." aniya saakin at umirap rin
sa totoo lang gutom na gutom na talaga ako pero hinde ko ipinahalata dahil ayaw kong makasama siyang kumain
"alam kong gutom ka na kaya wag ka nang maarte...halika na" sabi niya saakin at naglahad ng kamay
"sabi ngang hinde ako gutom" I lied
"okay sabi mo eh" sabi niya at umupo na ulit
gusto kong sumama pero mataas ang pride ko...Bakit? hinde ko rin alam siguro asar na asar narin ako sakanya pati DUH! sinong gustong sumamang kumain ang taong to diba?
"Brrrrrrrrrr.........." tunog ng tiyan ko at biglang humalakhak itong si asungot
"sabi sayong kumain na tayo sa malapit na fast food di---" hinde ko na siya pinatapos dahil hinigit ko na siya palabas para maka kain na kami...
"Tss..." sabi niya at nag peace sign lamang ako
"Anong gusto mong kainin sa fast food na ito?"Tanong niya saakin
Kumunot ang noo ko at naaniw ang babaeng naghihintay ng order namin.
Nakita ko kasing nagpapacute Ito kay asungot habang si asungot naman ay naka ngiti rin sakanya....FLIRT!
"Nawalan na ako ng gana" nakakunot na ang noo ko ngayon....grabe pati sa fast food ba naman makikipag harutan pa tong asungot na to...tsss...
Nakita kong nalaglag ang panga ni Liam
"Akala ko bang gusto mong kumain?" Tanong niya saakin
"Oo kanina iyon pero ngayon nawalan na ako ng gana"
"Bakit naman?" Tanong niyang nakangisi ..... AAARRRGGGHHHHHHH!!!!... I hate to see his evil smile
"Dahil, Dahil nawalan na ako ng gana"
Mas lalong lumaki ang ngisi nito
"Talaga bang nawalan ka ng gana o nag seselos ka lang dahil nginitian ko yung babae"
"ASA!"Sabi ko tapos umiwas ng tingin
"Tss... anong order mo? "sabi niya sabay balik sa counter para mag order
"Fried chicken with rice and fries pati Diet Coke na rin" sabi ko
"Yun Lang" tanong niya
"Oo yun Lang...thanks" sabi ko at ngumisi sakanya
Ilang minuto na ang lumipas ngunit hinde pa nakabalik si Liam... Tumayo ako para hanapin siya... ngunit pag ka tayo ko ay nakita ko siya dala dala ang order namin
"Here's your order" sabi niya saakin
"Bakit ka matagal?" Tanong ko
Laglag ang panga niya ngunit sinagot parin ako
"Mahaba ang pila" simpleng sagot nito
"Mahaba ang pila o nakikipag landian ka pa sa babaeng nasa counter" napatakip ako sa bibig ko...SERIOUSLY WHAT IN THE WORLD IS WRONG WITH ME!!
Nanlaki ang mata niya ngunit ngumisi ito... its his evil smile again
"Are you jealous?" Tanong niya
"WAG KA NGANG ASSUMING" sigaw ko sakanya at ngayon ay halos nakatingin na lahat ng Tao saamin dito sa fast food
"Tingnan mo tayo tuloy ang center of attention dito" Aniya
"Ikaw ang may kasalanan hinde ako" sabi ko ng mariin
"Tsss...."Aniya
Binilisan ko ang pag kain para maka alis na ako dito sa fast food na ito...nakaka bad trip
Nang natapos kami ay bigla rin kami umalis sa fast food tapos dumeretso sa venue ng practice para sa kasal
Biglang nag ring ang phone ni Liam
"Hello"
"ANO?" Nagulat ako sa sigaw niya at nacurious Kung sino ang kausap niya
"Okay, o sige sige na..yes... alright...thanks bye" sabi niya at binaba na ang phone
"Sino yun" tanong ko
"Bakit? Nacucurious ka ba?" Tanong niya na naka ngisi
"H-hinde bakit naman ako m-macucurious" sabi ko
"Eh bakit hinde mo masabi ng deretcho" tanong niya
"W-wala"
"Si Hailey tumawag hinde na daw matuloy ang practice natin kasi may gagawin sila ni kuya Jerome" sabi niya saakin
"ANO?" Sigaw ko nang napakalakas
"Tss... nakakbingi naman ang sigaw mo" sabi niya
"Bakit ngayon lang silang tumawag" Aaarrrgggghhhh.....
"Biglaan daw" simpleng sagot niya
"Tss... sige una na ako" sabi ko at akmang paalis na sa lugar na ito ngunit hinigit niya ang braso ko
"ANO BA!!!" Sigaw ko
"Ako na ang mag hahatid sayo" cold niyang sabi saakin...malamig ang expression niya feeling ko galit siya pero bakit? Dahil ba sinigawan ko siya? .... sumama nalang ako sakanya
BINABASA MO ANG
The haters
Teen FictionThey say " your biggest haters could be your greatest lover. People pretend well." Could that be possible between Audrey Elizabeth Mendoza and Liam Jeremy Lim They say" haters are confused admirers " but will they both have feelings for each other...