Selos

288 2 0
                                    

Tahimik ang buong campus habang naglalakad ang mag kakaibigang sina Sehun,Kai,Baekhyun at Chanyeol papasok sa iskwelahan mapapansin ang pag sunod ng mga tingin ng mga taong madadaanan nila habang patungo sa kani-kanilang klase.

"Hyung mauna na kami ah dito na kasi ang klase namin ni Sehun bye!"paalam ni Kai sa mga nakakatanda (sorry for the term ^_^v) nang matapat sila sa building ng engineering.

"Ah sige bye!"paalam din ng dalawa at nag lakad ng palayo.

Pag pasok ni Kai at Sehun sa klase ay agad tinanong ni Jongin ang dahilan kung bakit tahimik ang ating maknae.

"Bat ba ang tahimik mo? Three weeks ka nang ganyan ah"sita ng binata sa kaibigan.

Ang totoo kasi ay nag iisip si Sehun ng paraan para manligaw pero kahit anong isipin nya ay di nya magustuhan ang pumapasok na idea sa kanyang lovely brain.

Kesyo aayain nya ito sa date na kahit kailan ay di nya pa nagagawa.Meron ding aabangan nya ito sa building nito na may hawak na roses at sa likod na may banner na 'CAN I COURT YOU'.Meron ding sasalubungin nya ito at sasabihing 'Oy stupid! liligawan kita at dapat pumayag ka get it?!".

Lahat ng iyon ay ni rereject ng kanyang utak sino ba naman ang Matino na Tao na maging mas bossy sa taong liligawan mo at masyado naman syang na ko-kornihan sa iba nyang naisip.

"Mr.Oh Sehun!"sigaw ni Kai sa kaibigang malalim parin ang iniisip.

"Taena naman Jongin hyung!"gulat na sabi ni Sehun rito masyado kasi syang ng po-focus kung pano liligaw ang pinsan ni Jongin.

"Ay nako mamaya mo na isipin kung ano o SINO man yang iniisip mo dadating na ang prof. natin kaya umayos kana."palala nito bago umupo ng maayos na saktong pag dating ng prof. Nila.

Sa higit 5 oras ng klase nila ay lutang parin ang isip ni Sehun kaya ni isa ay wala syang na intindihan ni Hindi nya narinig ang project nila para sa finals.

"Sasabay daw satin sila Ella"singit ni Kai sa tabi nya.

"Talaga?!"masayang sabi ni Sehun na nag pabalik sa kanya sa realidad.

"At Hindi kasama si Alexa"ngiting-ngiting sabi nito sa kaibigan.

Agad namang sumama ang timpla ng mukha ni Sehun sa narinig.

"Bakit?"tanong nito.

"Ewan tanong mo sa dalawa"baliwalang sagot ni Kai sa kaibigan at lumabas na ng classroom.Agad naman syang sinundan ni Sehun at nag punta agad sa cafeteria pag dating nila ay nan doon si Baekhyun at inaasar ang nakakabatang kapatid ni Lay na si Ella.Natigil lang ito ng mag salita si Sehun na naka upo sa harap ng dalawa habang si Kai at Marie Jane ay umorder ng kanilang pagkain.

"Asan si Alexa?" tanong niya sa mga kaharap.

"Ah kausap yung partner nya para sa project "sagot ni Ella sa matalik na kaibigan.

"Ah..eh...bakit...Ikaw sino partner mo?"tanong pa ni Sehun sa kaibigan.

"Si Jane..."

"TSS,sino naman ang naka partner nya?"

"Ay nako Sehun bakit ba ang dami mong tanong si Jackson Wang ang ka partner nya"sagot ni Baekhyun para matigil ang nakaka batang kaibigan.

"Jackson?bat Hindi Babae k----"

"Eto na yung pagkain,tara guys Kain na tayo gutom na talaga ako"sabi ni Marie Jane pag kalapag ng pagkain nila sa lamesa kaya walang nagawa si Sehun kung Hindi ang kumain muna.

'Siguro mamaya na lang ako mag tatanong after kumain' sabi sa isip ni Sehun.

Habang busy sa pag Kain ang mag kakaibigan ay busy rin si Alexa sa pakikipag deal sa ka partner nya na saksakan ng tamad ni Hindi maki sama para maka tapos na sila at maka punta na siya sa mga kaibigan nya na ngayon ay kumakain na ng lunch habang siya eto sa coffee shop at tanging kape lang at cake ang kinakain at na bi-bwisit na rin sya sa partner nya.

"Mr.Wang please naman Alam ko naman na magaling ka sa pag eedit eh bat ayaw mo pumayag na ikaw nalang ang mag edit ako naman bahala para sa servey eh"inis na sabi ni Alexa sa lalaking ka harap.Ngumisi lang ito at nag crosslegs.

"Mr.Jackson Wang..."malumanay na sabi ng dalaga.

"Fine"sagot ng binata na nag pangiti sa dalaga.

"Really?! Yes! Thank you!!"masayang sabi ni Alexa na napayakap pa Kay Jackson.

"Yeah...basta Hindi lang ikaw ang gagawa ng servey project ko rin yun at please let me go na sasakal ako"sabi nito at tinanggal ang pag kakayakap nya.

"Ay sorry! Hehe thank you talaga!"masaya parin na sabi ni Alexa.

"Tara na nga kanina pa tayo dito"aya ng binata at lumabas na sila sa ng coffee shop.

Nang makarating sa loob ng campus ay dumiretso agad si Alexa sa cafeteria kung na saan ang mga kaibigan nang dumating sya ay sya ring kadadating ni Sehun na naka busangot ang mukha ng makita sya nito ay sinagi nito ng bahagya ang kanyang balikat ng dumaan ito bago umupo sa pwesto nito.

"Bro bat ganyan mukha mo"tanong ni Kai sa kaibigan na halos malukot na ang mukha.

"TSS..Hindi ka ba maiinis kung yung taong gusto mo ay makikita mong may kayakap at kung maka ngiti ay halos mapunit na ang mukha ha! Ha! Ha!"inis na sabi nito na inirapan pa si Alexa.

"Hahaha"tawa lang ni Kai.

"Saan ka ba galing Lex?"tanong ni Jane sa kaibigang si Alexa.

"Ah sa coffee shop kasama si Jackson nag usap kasi kami para sa project"paliwanag nito.

"Project daw halos halikan mo na nga sa sobrang kapit mo..."bulong ni Sehun na narinig ni Kai at Baekhyun na tinawanan ng mga ito.

"Mauna na ako may pupuntahan ako"sabi ni Sehun at umalis sa loob ng cafeteria na naka busangot.

"Na pano yun?"takang tanong ni Alexa sa mga kaibigan.

"Ano ba kasi ginawa mo?"tanong ni Kai sa pinsan.

"Nag usap nga kami ni Jackson sa project at nayakap ko sya kasi pumayag na syang maki sama para maka tapos kami agad yun lang naman eh"baliwalang paliwanag ng dalaga.

'KAYA...'

-----

THIS IS THE NEW CHAPTER!!

Mr.Oh Possessive (SEHUN FF) COMPLETED √√ [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon